Maging isang pagsusuri sa sarili ang ibig sabihin ng "Pilipino Identity" Upang pasimulan papandayin ang bansang ganap na malaya, maunlad, mapayapa at makatarungan para sa lahat, sa ating mga anak at sa susunod na salin-lahi!
Monday, October 5, 2015
Secretaria de Guerra - Heneral Antonio Luna
Dahil sa pagani ng tagumpay sa takilya ng mga sinehan ang pelikulang "Heneral Luna," maraming lumabas na mga artikulo sa facebook ayon sa kaniya, kay Mabini at tungkol sa pelikula. Marami rin nag-pm sa akin na mga kasama kung ano ang aking palagay sa pelikulang ito. Ako'y nakapagbigay ng aking pagpuna bilang mananaliksik ng ating kasaysayan at bilang may karanasan sa paggawa sa produksyon pang pelikula sa mga artikulong ipinamahagi, marahil dahil sa tagumpay na tinatamo ng sining na ito'y nakapagbukas ng isipan at lalong dumami ang katanungan sa ating mananaliksik ng kasaysayan kaya't marami sa akin ang nag-pm, nagtatanong ng aking palagay at masasabi. Nakapagbigay ako ng aking personal na pagpuna sa isa sa mga artikulo ipinamahagi na sa aking palagay ang karamihang pinanggalingan ng pananaliksik ayon sa buhay ni Luna ay mula sa panulat ni Nick Juaquin (Quijano de Manila), na hindi ko na malaan kung saan sinulid o kaninong artikulo ko ito sinulat at ito nga ay inamin sa ginawang pakikipanayam sa mga lumikha ng pelikula sa isang programa ng CNN.
Ang aking mga pagpunang gagawin ay magkahalo bilang mananaliksik ng kasaysayan at ang aking karanasan sa paggawa sa produksyon pang pelikula.
- Kung bakit naging matagumpay ang "Heneral Luna" kaysa sa ibang epikong pang kasaysayan pelikula:
# ...ang screenplay ay pinakitang "tao" at hindi pinagpilitang bayani si Luna, subalit matapang, matalino, praktikal, kaya walang respeto sa nakatataas sa kaniya at laong walang respeto sa mga may "puting balat" (kadalasan kasi'y ang Pinoy ay mataas ang paggalang at pagtingin sa may "balat na puti") at ang mahalaga sa ating mga Pinoy, si Luna ay pinakitang may "sense of humor." Ito'y ating katangian mutuwal kaya't ang lahat ng ito'y hinahanap natin sa pangunahing karakter, sa larangan ng pelikula ito'y "subliminal co-relationship."
# ...gumamit ng mga Kastilang pagmumura tulad ng "Puñeta!" upang mamukod sa paggamit ng pananalitang makabagong kolokyal upang muling magkaroon ng mutuwal na pagkakaugnayan ng nanonood at ang mga karakter sa pelikula.
# ...madetalya ang pananaliksik sa kasuotang uniporme o costume design, shooting locations, art direction, props, make-up at visual effects.
# ...hindi nagbintang ang screenplay sa mga karakter lalo na kay Aguinaldo na siyang maysala sa pagkakapaslang kay Luna. Hindi pinangalan ang kasintahan ni Luna na "Ysidra" kung 'di ay "Isabel."
# ...ipinadama ng pelikula na ang kasalukuyang pangulo at pamahalaan natin na "walang cojones" ay tulad din ng walang cojones na si Aguinaldo sampu ng kaniyang kabinete. Ito muli ay isang "subliminal co-relationship."
- Bakit may mga flaw o kinakailangang maglikha ng creative lisence sa ibang eksena at kasaysayan:
# ...kung ang tinutukoy ng pelikula na si "Isabel" ay si Ysidra, bakit ipinakitang mayaman si "Isabel" si Ysidra Cojuangco ay anak ng isang karpinterong insik, ganoon din ang isang tinutukoy nilang Pampangena na si Nicolasa Dayrit ay isang dukha rin.
# ...bakit hindi ipinakita ang mga tunay na mga Kastilang opisyales na alalay ni Luna na sila Torres Bugallon at Manuel Bernal Sityar.
# ...bakit sa halip na ipinakita sa pelikula na may 4,000 mga tao na sumapi sa batalyon ni Luna, hindi ipinakita na ang katotohanan na ang mga dating opisyales at "elite creole officers" na mga Kastila tulad nila; Torres Bugallon, Mayor, Sityar, Queri, Ortiz, Blardoni, Cavestany, Yago, Elvena, Obin at Bedel, na mga pangunahing opisyales at pawang mga war strategiests ang mga ito. Ganoong din ang mga dating mga guardia civil, casadores at veteranas na naglingkod sa Kastilang cortes ay kinuha ni Luna bilang suwelduhan sundalo niya, na hindi tulad ng mga tauhan ni Aguinaldo'y kusang loob o pawang mga bolontaryong nakibaka sa himagsikan.
# ...kaya't kung swelduhan ang mga opesyales ni Luna, ang batalyong sundalo sa ilalim niya, sila lamang ang may mga pangunahing panlunas na ambulansya, mga mangagamot at nurses, akademya sa pananandata, saan at sino ang nagpopondo ng lahat nang ito kay Luna.
# ...bakit hindi ipinakita ang mahalagang labanan na nangyari sa La Loma na kung saan tinamaan ng punlo ang kanang kamay na opisyal ni Luna na si Jose Torres Bugallon, tuloy si Luna ay nagbalik sa La Loma upang hanapin si Bugallon at nagsabi... "mas mahalaga ang iisang Bugallon kaysa sa ilang daan na sundalo" na namatay sa kaniyang kandungan at ang machong si Luna ay humagulgol ng iyak.
# ...ng sibakin ni Pedrong Kastila ang mukha ni Luna, ito'y naganap sa may hagdanan at hindi sa korte na ang pagkakaasasinang nangyari. Lumabas si Luna sa korte na hinintulad sa pelikulang "Viva Zapata" ang ginanap na pagasasina. Nang hukayin muli ang labi ni Luna upang bigyan ng pagsusuri ni Antonio Jimenez noong taon 1902, ay nagsabi sa kaniyang ginawang otopsiya...
"I saw in the cranium two marks of two wounds inflicted with a bolo, one towards the posterior part two inches long, and the other towards the front which destroyed the cavity wherein was found the left eye. There were also two wounds more in the bones of the right arm that were well marked. I have also seen several holes in the cranium that possibly were the effects of bullets from a gun."
Sa ano man himagsikan ay magsasanga ang idelohyia. Tulad na rin sa nangyari sa himagsikan ng Rusya at Tsina, subalit ang pinakamapanganib na sektor ng himagsikan ay ang mga reaksyonaryo. Sapagkat magtagumpay man ang himagsikan, ang mga reaksyonaryo ay hindi titigil at magpapatuloy na salungantin ang prinsipyo, idelohyia at tuwid na landas na patutunguhan ng pagbabago. Ang sinimulang sosyalistang pangmasang himagsikang Katipunan ng Supremo Bonifacio ay inagaw ng mga dropang Ilustrado ni Aquinaldo at sa bandang huli ay kinampihan naman ito ng reaksyonaryong tropa ni Antonio Luna, upang gamitin ang hukbo at maibalik sa mga Kastila ang kolonyang inaagaw ng mga gringo. Kung ating iisipin saan nangaling ang milyong-milyong salapi, pondo ng himagsikan na dala-dala ni Antonio Luna sa Tarlac? Bakit si Luna ang may hawak nito at hindi si Aquinaldo? Iniwan ni Luna ang milyong-milyong salapi, pondo ng himagsikan na ito sa kaniyang kasintahan na taga Tarlac na noon'y nagdadalang-tao sa kaniyang anak. Iniwan at pinagkatiwala ang salaping pondo na ito upang siya ay makipagpulong kay Aquinaldo sa Cabanatuan, na kung saan si Luna ay pinaslang ng mga tauhan ni Aquinaldo. Kung ang milyong-milyong salapi, pondo ng himagsikan na dala-dala ni Antonio Luna ay pagaari ng himagsikan ng Ilustrado, dapat alam ni Aquinaldo at ng patayin si Luna ito'y dapat nilang hinanap at kunin sa kasintahan ng inasasinang Antonio Luna.
Ang mahiwaga na mga katanungan sa ating kasaysayan ay dinala ni Luna sa kaniyang libingan. Ang Ambasadora na si Rafaelita Hilario Soriano ay nagsabi ayon sa pondo sa kamay ni Luna...
"General Antonio Luna, as chief of staff of the revolutionary army, had collected a sizeable sum from contributions with which to pay his soldiers. The person who collected for him was Tiburcio Hilario, Pampanga governor, my grandfather kept the gold and silver in sacks, including gold plates, chalices, and other church treasures from Bacolor, San Fernando, and Guagua."
- ka tony
ika-5 ng Oktubre, '15