Saturday, December 4, 2010

Ang tunay na pangyayari at mga katanungan ukol sa paglilitis sa Bayaning Gat Andres Bonifacio.












Matapos pinawalang bisang eleksyon sa Tejeros, ni Gat Bonifacio, kaniyang inimbita ang isang Kolonel Agapito Bonzon, alyas "Kolonel Yntong" noong Abril 27, 1897 magkipagalmusal, sa pansamantalang tinutuluyang bahay ng Supremo. Matapos ang kainan at palitan ng balita, si Kol.Yntong ay namaalam na at ang ito naman ay pinabaunan pa nang sigarilyo ng Supremo pati na ang kaniyang mga kasama.

Kinabukasan, nagbalik sa tinutuluyang bahay ng Supremo si Kol.Yntong, na pinatuloy naman ng mga tanod sapagkat kahapon lamang ang Kolonel pati na ang mga kasama ay nakipagalmusal pa. Nagpaulan ng punlo si Kol.Yntong at ang mga kasama nito sa bahay ni Bonifacio na ikinamatay ni Ciriaco, kapatid ng Supremo.

Lumabas si Bonifacio, at nakiusap na maging mahinahon ang lahat. May sumigaw sa hukbo ni Yntong, "...Humarap ang walanghiyang Supremo na magtatakas ng aming salapi!!!" Gulat at awa sa pinaslang na kapatid na si Ciriaco, ang Supremo ay mahinahon at payakap na sumagot... "Mga kapatid, ako'y walang ginawang kawalanghiyaan." Sa pagkakasabi nito, sabay na may bumaril sa kaniya't dumaplis sa balikat at tinamaan ang kasama na nasa kaniyang likod na ikinamatay nito. Muling nakiusap ang Supremo... "Mga kapatid, tingnan ninyo na ang pinatay ninyo ay inyo ring kapuwa Tagalog." Sa pagkakasabi nito ay pinaulanan siya ng punlo, na kaniyang ikinatumba.

Nakahiga ang Supremong sugatan, sinamantala ni Kol. Ignacio Pawa ang pagkakataon at paulit-ulit na sinaksak ang Supremo sa leeg. Sa buong akala ng lahat na patay na ang Supremo, kinamkam ang lahat nang kanilang sandata ni Kol.Yntong. Si Procopio na kapatid ng Supremo ay nakagapos at pinalo sa mukha ng riple.

Si Aling Orang (Gregoria de Jesus), na maybahay ng Supremo ay dinakip rin sa Indang, Cavite ni Kol.Yntong na pinilit na papasukin sa bakanteng bahay upang pagsamantalahan, na ayon sa testimonya ng nakakita... "sa talagang kilos ilugso ang kapurihan." Nakiusap at nagmakaawa ang Supremo kay Tomas Mascardo sa masamang hangarin ni Kol.Yntong.

Sa paglilitis ng hukuman sa Cavite laban sa magkapatid na Bonifacio at Aling Orang, ang bintang nila Kol.Yntong at Kol. Ignacio Pawa ay ang magkakapatid ang na unang nagpaulan ng punlo sa kanila. Ang halos hindi makapagsalitang Supremo ay nagsabing kinumpiska ang kaniyang baril, na naroroon bilang ebidensya sa hukuman at lahat nang punlo ay nasa baril na wala man lamang napaputok! Subalit ang lahat nang mga ebidensya at pangagatuwiran ng magkapatid ay binali wala ng hukuman ni Kol. Pantaleon Garcia. Hukuman Militar naman ay kinabubooan nila: Opisyal: Mariano Riego; Kinatawan: Crisostomo Riel, Esteban Infante, Tomas Mascardo, at Sulpicio Antoni; Tagapagtangol: Placido Martinez, Teodoro Gonzales Piskal: Jose Elises.

Ang testimonya naman ni Aling Orang sa hukuman, na siya ay nagkubli sa isang magubat na lugar samantalang pinapaulanan ng punlo ang kanilang bahay na tinutuluyan. Siya ay hinuli at pilit na tinatanong kung saan nakatago ang salapi ng Supremo, tunay na kaniyang sinabi na wala silang salaping daladala. Nang hindi ito paniwalaan ni Kol.Yntong, siya ay ipinagagapos sa isang puno at ipinagulgulpi sa mga tauhan, na hindi naman ito sinunod sa dahilang siya ay babae at naguumiyak. Sa pagpapatuloy ni Aling Orang ng kaniyang sanaysay, inagaw pa ni Kol.Yntong ang singsing na pangkasal nila ng Supremo, pati na ang kaniyang labingdalawang piso at mga punlo. Tumawid sila ng daan at nagtungo sa isang bahay na sinabihan ang mga nandoroon na magsipagalis. Siya ay pinilit na paakyatin sa bahay na walang tao. Sa pagbibigkas nito, bigla na lamang tumahimik at hindi na makapagsalita si Aling Orang, napapahiya at naiiyak! Sa ikinilos ni Aling Orang, tila maliwanag na nangyari ang makahayop na pangagahasang isinagawa sa kaniya ni Kol.Yntong! Samantalang ang dugu-duguan na Supremong kumot lang ang saplot na basang-basa sa dugo, naiiyak sa testimonya ng kabiyak na mas mahapdi pa sa mga sugat na taglay ang nadarama, sa naririnig na hinatnan!

Nang matapos na ang paglilitis at paghuhukom, hinatulan ang magkapatid na Bonifacio nang kamatayan!!!

Ayon sa sanaysay ni Lazaro Macapagal...
Noong ika 10 ng Mayo, 1897 araw na nilusob ng Kastila ang bayan ng Maragondon, Cavite. Tinangangap ko ang kautusan mula kay Heneral Mariano Noriel na dahilhin ang magkapatid na Andres at Procopio, sa Tala, Maragondon. Inabot sa akin ni Heneral Noriel ang selyadong sobre, na huwag bubuksan at sundin ko ang kautusang nilalaman nito, pagsapit sa nasabing pook.

Habang aming ianaakyat ang matarik na bundok, itinatanong sa akin ng magkapatid na baka raw sila babarilin. Ang tugon ko'y hindi, at ang orden sa akin ay dalhin sila sa Tala upang ilayo marahil sa laban.

Buhat-buhat ang sugatang Supremo sa duyan, kami ay dumating sa paanan ng budok Tala. Si Don Andres ay nagsabi, "Kapatid malapit na rin lang tayo sa bundok ng Tala ay baka mabubuksan na iyong pakete o sulat at ng malaman namin kung saan mo kami iiwan." Aking binuksan at binasa sa lahat ang sulat na nilalaman ng sobre, na pinaguutos na patayin ang magkapatid.

Nang kanilang marinig na barilin ang magkapatid, napalundag sa pagkakaupo si Procopio, sabay nagwika... "Naku kuyang!" Ang Andres ay napaluhod at akmang ako ay yayapusin nagsabi, "Patawarin ninyo ako, kapatid!" Tugon ko'y, kinalulungkot ko, kailangan kong isagawa ang ipinaguutos sa akin.

Aking iniutos sa aking mga kawal na barilin nang patalikod, ang malakas pang si Procopio. Ang kaniyang bangkay ay ibinaon nang mababaw, sa dahilang bayoneta at bolo lamang ang gamit na panghukay.

Samantalang ako ay lumalakad nang papalapit kay Andres, siya ay nagsabi... "Patay na ang kapatid ko. Patawarin ninyo ako kapatid!" Muli kong sinabi na kailangan kong sundin ang laman nang sulat.

Si Andres ay nagtangkang tumakas, subalit ang kapaligiran ay masukal at siya ay naabutan namin sa may ilog, na binaril namin siya sa likod. Binaon rin ang kaniyang bankay sa mababaw na hukay, na tinabunan na lang namin ng mga dahon at sanga ng punong kahoy.

Kami'y nagbalik sa bayan ng Maragondon, sinalubong kami ng kaniyang maybahay na si Gregoria de Jesus at nagtanong kung nasaan ang magkapatid. Sa aking awa ako'y hindi makasagot, 'pagkat malaking lumbay ang idudulot sa kaniya. Gayon man napilitan akong sumagot. "Magpatuloy kayo at itanong sa Pangulo sa Tala."

Habang kay daming mga ulat at pananaliksik ukol sa kinahinatnan ng Dakilang Supremo, lalo naman dumadaming katanungan at mga ulat na dapat liwanagin.

1. Bakit nais ng samahang Magdalo (pangkat ni Aquinaldo), magkaroon ng "PAMAHALAANG HIMAGSIKAN" kapalit sa itinatag na pamahalaan nang Katipunan, ganoong ang kalayaan ay hindi pa nakakamit?

2. Bakit nangagailangang isali sa halalan ang Supremo, samantalang siya ang pinuno at inanyayahan lang siya upang magmasid at mamagitan sa nagtatalong samahan MAGDALO at MAGDIWANG?

3. Ayon kay Heneral Artemio Ricarte at Santiago Alvarez, bago pa man magkaroon ng halalan sa Tejeros, si Daniel Tirona (ang sumalungat sa pagkahahalal sa Supremo bilang Ministro ng Interior, sapagkat wala itong pinagaralan), ay nagkakalat na nang balita laban kay Bonifacio. Na ang Supremo ay isang Mason, na hindi naniniwala sa Diyos, walang relihyon at galit sa cruz. Ispiya ng mga Aleman, mayroong kapatid na babae na "querrida" ng pare sa Tondo. Ang Supremo raw ay ginagamit at ninanakaw ang pondong pera ng Katipunan. Kaya ng hulihin ang Supremo ng mga tauhan ni Aquilnaldo, kasama si Kol.Yntong, ang kanilang bintang ay... "humarap ang walanghiyang Supremo na magtatakas ng aming salapi!"

4. Ayon pa rin sa mga 'memoirs' nila Heneral Ricarte at Santiago Alvarez, nang ipasa ang mga balota ni Daniel Tirona sa mga depotado, ang mga papel na iyon ay mayroon ng mga pangalan ng kandidato! Isang ginoo na nagmamalasakit kay Bonifacio, Diego Mojica ay binalaan na si Bonifacio sa dayaan na mangyayari, subalit ang Supremo ay hindi ito binigyan ng halaga.

5. Bago maghalalan sa Tejeros, ang Supremo ay nagsabi na... "Atin pagkasunduan na tayo ay susunod sa kagustuhan at ihahalal ng nakakarami, ano man ang katayuan sa lipunan ng isang kandidato" Subalit ito ay sinuway ni Daniel Tirona nang ihalal at manalo ang dating Supremo bilang Ministro ng Interior.

6. Hindi ba tama lang ang pagwawalang bisa ng Supremo sa halalang naganap kung ito'y tunay na hindi malinis, hindi patas, dayaan at mayroong pinapanigang kamaganak at kababayan?

7. Saan napapunta ang nilagdaang kasulatan ng 45 na katao, kasama na dito ang Supremo na "Acta de Tejeros" na nagsasaad sa pagwawalang bisa nang halalan dahilan sa dayaang nangyari?

8. Totoo nga kaya ang bintang na sidisyon ang pagpupulong sa Naik, Cavite ng magkakapatid na Andres, Ciriaco, Procopio at kasamang mga Katipunero o ito'y upang protektahan lang ang kanilang nangaganib na buhay sa mga Caviteno?

9. Kung tunay na makatarungan at naaalinsunod sa batas ang pamahalaang Tejeros ni Aquinaldo, bakit binaliwala at ni hindi binigyan nang paganyaya na lumahok ang dating Supremo sa panunumpang ginawa sa mga nahalal. Hindi ba sana ay hinigan siya ng pormal na pagbibitiw ng tunkulin at nagproklama ng ibang Ministro ng Interior?

10. Nabigyan ba nang hustisya ang walang katuturan na pagpaslang sa kapatid ng Supremong si Ciriaco ng mga tauhan ni Aquinaldo sa Naik?

11. Kung tunay na hangarin ni Aquinaldo na dakpin at litisin ang Supremo, bakit pinaulanan ng punlo at paulit-ulit na pinagsasaksak. Hindi ba't sa ginawang ito kay Bonifacio siya ay pilit na dakpin patay man o buhay?

12. Bakit binaliwala ang katibayan sa akusadong Supremo na siyang nagpasimuno nang barilan, samantalang ang kaniyang baril ay puno pa rin ng punlo?

13. Bakit hindi pinahalagahan at siniyasat ni Aquinaldo kasama ng kaniyang pamahalaan ang salang panggagahasa sa kabiyak ng Supremo. Ang salarin ay hindi ordinaryong kawal, subalit isang opisyal ng militar sa ilalim ni Aquinaldo. Nasaan ang pinaalis ni Kol.Yntong na mga tao sa bahay na nakasaksi sa naganap na kaharasan?

14. Kung napatunayan ang paratang na sidisyon, malinis, makatarungan ang ginawang paglilitis at ang naging hatol ay kamatayan, BAKIT HINDI IPINAPATAY ANG MAGKAPATID SA PAMAMAGITAN NG "FIRING SQUAD" AT IPINAMULAT SA MADLA bilang isang masamang halimbawa?

15. Bakit tila hindi malaman kung paano ang gagawin sa dali-dali at hindi maayos na eksekusyon na pagpatay na ginawa sa magkapatid? Bakit kailangang itago, ngayong ang paghuhukom ay ginawa sa Cavite, na poder ni Aquinaldo at samahang Magdalo? Bakit kailangang pataksil? Bakit ang eksekusyon sa magkapatid ay sa tago na liblib na gubat, palihim, hindi ibinalita, hindi ipinakita sa madla upang huwag tularan, 'di ba't ang kasalanang sidisyon sa kapanahunan ng himagsikan ay napakalaking pagkakasala? Bakit hangang sa ngayon ay mahiwaga pa rin ang ipinagkakatago-tagong tunay na pangyayari tulad ng pagkakapatay kay Ninoy Aquino?

...Pangagahasa, dayaan sa halalan, kataksilan, ingitan, asasinasyon, dahas, kasinungaligan, pagtatakip sa krimen, walang katarungan, kasakiman na magkapusisyon sa pamahalaan at pagpapangkat-pangkat, ang mga krimen at kasalanan na naganap sa Tejeros. Ito'y atin natutunan, inako at ating daladala bilang isang Pilipino, tila isang "original sin" na nangangailangan na tayo ay ipanganak na muli sa bisa ng 'binyag' upang banlawan ang ating "kasalanan" upang magkaroon tayo ng "Pilipino Identity."

Ang krimen at kasalanan sa Tejeros ay paulit-ulit na nangyayari sa ating bayan. Ito kaya marahil ang dahilan sa naputol na himagsikang pinundar ng Dakilang Supremo? o ang kaluluwa ng Dakilang Supremo na nagpupumiglas upang mabigyan muli ng pangalawang buhay at ipagpatuloy ang naputol na tunay na himagsikan!
"History repeat itself" ...ito'y hindi totoo, tayong mga Pilipino ang nagpapaulit sa ating kasaysayan, sanhi ng paulit-ulit na kasibaan at kagahaman!

...ang mga paksa na to ay hango sa aking mga nasaliksik noon ako'y namamasukan pa sa National Heroes Commission. Samantalang ang iba naman ay mula sa aking Lola Poleng na naging kaibigan ng Supremo at kaniyang kapatid na si Procopio at matalik na kaibigan ni Espiridiona Bonifacio, na pinakabatang kapatid ng Supremo.
- - ka tony

ika 30 ng Nobyembre, 2008

Tuesday, March 9, 2010

Why are khakis called chinos?












The word Khaki derives from the Hindustani word meaning dust. In 1846, a Punjab-based British named Lieutenant Harry Lumsden got tired of his British uniform of sweltering and peacock color bright red felt. Not only the enemy can recognize, make you an easy target, but the issued uniform was tough to maintain, uncomfortable in a hot and humid country like India. Borrowing the idea from the natives, he dyed the natural cotton with an extract of a plant called “mazari” local to India. From that day Lumsden distinguished himself as the only comfortable Anglo Saxon inventor of saffron colored cotton south of Liverpool, England.

Lumsden’s imitators tried to dye their cotton with coffee, tea, tobacco juice, ink and mud. It wasn’t until 1884, that a standard tawny-colored dye was patented back home in Manchester. In 1897 it became the official color of His/Her Majesty’s Royal Army Regiments serving in the region of Peshawar, India, properly dyed khaki uniforms for active service and summer dress. The original khaki fabric was a closely twilled cloth of linen or cotton. A darker shade of khaki “serge” was adopted for the other branches of the Royal Military Services’ uniform in 1902.

In 1898 the US Army utilized khaki uniform during the Spanish American War. It has become “de riqueur” or military uniforms of militaries in the world. This followed by the US Navy, the US Marine Corps, police forces of South Asian countries, US States and counties. Khaki – cool, durable, and sensibly perfect against the sandy, hot, humid, rainy conditions of America’s newly bought and acquired last island colonies from Spain; Cuba, Puerto Rico and the Philippines with Guam.

Before the US acquired the Philippines as a colony, the Manila/Acapulco Gallon Trade made its capital Manila center of commerce in Asia & the Americas, though the city was only used as “warehouse for Asian goods” specially products from China. Attracted by the economic opportunities, the Chinese began to come in greater numbers. The Chinese barter activities for the purpose of securing goods that they could ship out, developed the production of Philippine produce like; abaca, sugar, resin and tobacco. Chinese men intermarry with native women which produce Chinese mestizos and by 1750, the mestizos were already a recognized and distinct element in Philippine society and had become the elite of society. They took over commerce, haciendas, produce, trading and economy of the Philippines.

During US colonial years in the Philippines, Chinese and Chinese mestizo merchants stocked and sold khaki to the military and civilians. The Philippines once a colony of Spain for 300 years, speak Spanish as second language. When someone asked “Donde puedo encontar pantalon khaki?” (Where can I find khaki pants?) the reply was “los Chinos” (the Chinese). Hence the term Chinos was referred to any cotton twill pants. Khaki once again… just one of the many colors of chino pants. Chino gained popularity in the U.S. in the 1900s, military men returning from the Philippines after the Spanish–American War brought back their cotton military trousers.

Friday, November 27, 2009

Benigno Servillano "Ninoy" Aquino, Jr. (November 27, 1932 – August 21, 1983)









The assassination of Senator Benigno Aquino, Jr. in August 21, 1983 like GOMBURZA's execution triggered the Pilipino people to say..."tama na, sobra na!" stood up & raised their arms! But who was Benigno Servillano Aquino, Jr. besides being the rallying point of “The EDSA Revolution?”
In 1899, Aguinaldo made his last stand in Tarlac before he fled to the mountainous North where he was eventually captured by the Americans, with help from the Macabebe Scouts. It was in Tarlac where the Republic fell as the Philippine-American War deteriorated into scattered guerilla operations. One of Aguinaldo’s generals, Servillano Aquino, native of Angeles, retired & resettled in Concepcion to tend to his farm & raise his children, one of whom was Benigno Aquino Sr., Ninoy’s father.
It was also in Tarlac where Pampanga’s revolutionary funds amounting to one million silver pesos ended up & got lost, according to historian Rafaelita Hilario Soriano in her book “The Pampangos.” Soriano’s father, Gen. Tiburcio Hilario, then Governor of Pampanga, turned over the funds to Gen. Antonio Luna in the house of Julian Santos in Tarlac, Tarlac, in the presence of witnesses. Three days later, Gen. Luna was assassinated & nobody knows to this day where the money went, although there are whispers that a prominent family in Tarlac got hold of it.
Ninoy got his political instincts from the Aquino family. His grandfather Servillano Aquino during the struggle against the Gringos, rose to the rank of general! Gen. Servillano was captured & condemned to death for shooting Gringo prisoners, because he said... "they eat too much!" But he was pardon after serving four years in Gringo's jail. To show his hatred & resistance to the US, he refused to learn English & only spoke Tagalog & Spanish, 'till his death.


History was written by the victors & they have the unopposed opportunity to right the wrong they may have committed. Victors without their collaborators, most of the time victory is unattainable. Unfortunately collaborators who joined the losers retained the bad title "collaborator of the enemy" & while collaborators who joined the victors, upgraded their title to "heroes!" ...amazing difference, right? A very good example was the case of Manuel Roxas, a very close associate of Gen. McArthur. During US colonial administration was the Speaker of the House of Representatives, a senator & a member of Quezon cabinet. Upon the escape of Quezon & McArthur from Corregidor because of the sure victory of the invading Japanese forces, Quezon signed a decree making Roxas in line with Qsmena to the presidency in case of his death.


April of 1942, Roxas surrendered or captured, was in the hands of the Japanese. The Japanese aware of Roxas' political innovations, offered the "puppet" presidency before offering the position to Jose Laurel. The assurance of presidency by Quezon under the US might have stop Roxas in accepting the offer. June of 1943, Roxas was the principal author of the "puppet" constitution & worked in the Laurel cabinet as Minister Without Portfolio.


As the 1944 "US Invasion of the Philippines Part II" near, Laurel & his cabinet member fled to Baquio. April 1945 US troops were in Baquio, Laurel's cabinet; Roxas, Jose Yulo, Quintin Paredes, Antonio de las Alas & Teofilo Sison "crossed the US troop lines. Press released by McArthur (like I mentioned, a very close friend of Roxas) indicated; Yulo, Paredes, de las Alas & Sison as "captured." Roxas was reported "liberated." Latter in our history Manuel Roxas was "the first president of the independent Republic of the Philippines."


To name few "Sajonistas" (as Pilipino revolutionaries called Gringo collaborators), now "heroes" Jose Abad Santos, Cayetano Arellano, Pedro Guevara, Efifanio delos Reyes, Luis Quezon, Sergio Osmena & many, many more.


1935 an abortive uprising against the Gringos by the SAKDAL movement headed by Benigno Ramos went to Japan, the country who have been supporting the Philippines against Spain. In 1937 Ramos came back to the Philippines & formed GANAP. The short live GANAP in 1942 was dissolved by the Japanese forces in the Philippines & incorporated it to form KALIBAPI "Kapisanan sa pag Lilingod sa Bagong Pilipinas” or KALIBAPI.
Benigno Aquino Sr., being brought up in a family with a strong resistance against the Gringos & at the young age of 23 was the Speaker of the Lower House, he immediately proposed independence from the US & have close ties with neighbor countries in Asia. Agreeing to head the Kalibapi as its Director-General & his secretary-general was a pro-Japanese former congressman Pio Duran. Aquino made tours of the provinces setting up Kalibapi chapters. Kalibapi was the chief medium for carrying Japanese directions & policies. May, 1943 Kalibapi established "Philippine independence." The National Assembly elected Benigno Aquino Sr. as its speaker. He was replaced by Camilo Osias as director-general.
Benigno Aquino Sr. was incarcerated for treason after WW II for promoting Kalibapi during the Japanese occupation. He was freed on bail & unfortunately while watching a boxing match at the Rizal Memorial Coliseum, Benigno Sr. suffered a heart attack & died. Pilipino nationalist of yesterday & to this day glorify Benigno Sr. for his defiance of the US imperialism!


Ninoy was 14 & pleaded his father's case,
"...why should he have been judged for working with the Japanese when others were praised for cooperating with the Americans? They are both foreigner."
Japan who was a big supporter of Philippine revolution against Spain considered El Presidente Aquinaldo & Gen. Artemio "Vivora" Ricarte to be the "puppet" president during the Japanese occupation. Surprisingly after WW II El Presidente Aquinaldo was offered a government position by the Gringos, but El Presidente ...Refused!!!
At age 17, Ninoy Aquino was the youngest war correspondent to cover the Korean War for the newspaper The Manila Times under Joaquin "Chino" Roces. Because of his journalistic feats, he received a Philippine Legion of Honor award from President Elpidio Quirino at age 18. At 21, he became a close adviser to then defense secretary Ramon Magsaysay.
HukBaLaHap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) or HUK, was a socialist poor peasants fighting for reforms, resisting Japanese & other imperialist invaders. Though fighting with USAFE against the Japanese, but were not funded or given help. Outlawed after WW II, that forced them into guerrilla warfare on Mt. Arayat. With anti communist propaganda by the US, big & small time crimes blamed by the puppet Philippine government to them. Pilipinos feared & had a bad image of the weak & misunderstood Huks.


1953 Magsaysay received a secret message from the head leader of the Huks Ka Luis Taruc, suggesting a talk. With Magsaysay's approval, Manahan preparing to reply, but the young Manila Times reporter Ninoy Aquino was trying on his own to interview Taruc. Aquino knowing proper contacts, challenged Manahan & Manahan fearing leakage, cooperated.


Ninoy & Taruc first met in a village north of Manila in January 1954. Taruc after digging Ninoy's family background, trusted the young reporter. Taruc discussed about poverty, injustice, Philippine agrarian reform & insisting for a complete pardon. Finally on May, Magsaysay asked Ninoy to meet Taruc for the second time. Meeting was set early in the morning at Barrio Santa Maria, Pampanga. This time troops was with him, surrounded the area. Meeting was at 6:30 am & if Ninoy failed to return by 9:00 am, the troops will blow the place down!


According to Ninoy... "Taruc was surrounded by the peasants and he looked like them, in a gray peasant shirt, brown pants & straw hat."
After shaking hands, Ninoy said... “Do you accept the president's terms?"
Ka Luis Taruc said... "I accept."


Ninoy got his front page & boosted his career!!!
1972 a constitutional convention in which the dictator marcos pressed for a change from a presidential to parliamentary, making the him prime minister immediately. Scared that he might not have a chance with the coming 1973 election, with presidential candidates; senator Benigno Aquino Jr., Raul Manlapuz (has been backed & financed by the CIA) & Jaime Ferrer.
January 3, 1969, Jose Ma.Sison head of Kabatang Makabayan & 11 students secretly met in Mangatarem, Pangasinan proclaimed the Communist Party of the Philippines. The 12 had the problem of finding an armed force to carry the plan. Senator Benigno Aquino had an intimate, feudalist relationship with former Hukbong Mapagpalaya ng Bayan, Bernabe Buscayno (Commander Dante), who after dissolving HMB had maintained his own unit in Tarlac, around Hacienda Luisita, a sugar plantation own by the Cojuangco family (Cory Cojuangco Aquino's family). Aquino brought Sison & Dante together. Benigno Aquino, Sison & Buscayno close ally, provided funds to launch CPP/NPA, was the basis for the dictator marcos case against Aquino used to detain him under martial law!
(*) note that one of the first acts of President Cory Aquino was to release Sison & Buscayno from prison.


marcos upset US government, by proclaiming martial law on September 12, 1972 & instituted rule by his own. marcos’ martial law objective was the crushing of rivals of Pilipino elite. Bourgeois opponents arrested, senators Benigno Aquino, Diokno, Osmena & Lopez families. Seizure of Lopez's Meralco, Jacinto's Iligan Steel & many more. In 1980 Benigno Aquino was released from detention & allowed to go to the US for medical reasons. "New Society" was maintained, marcos oppositions in jail, Pilipino people brain washed by the marcos' controled media, he lifted martial law.


August 21, 1983 Aquino who had close association with the State Department & with old CIA contacts, prepared for a return to the Philippines to lead an anti-marcos political movement. Arrived in Manila & was escorted from his plane at the Manila International Airport, “assassinated by a man by the name of Rolando Galman.” Ninoy Aquino's funeral was the biggest & longest funeral since Mahatma Gandhi. The well "orchestrated CIA People Power" followed!


marcos without his "friend" Ronald Regan's support, was forced to agree to leave Malacanang Palace. Disillusion, disoriented, sick, drugged...he though that the plane was taking him & his family to PAOAY , Ilocos, instead they landed in HAWAII in his "friend" Ronald's order.
...let the truth prevail & be the basis for building our identity as a Pilipino,
ka tony (Nov. 27 ’09)



Monday, June 8, 2009

"Ang Maigsing Buhay ni Emilio Jacinto"




















(Disyembre 15, 1875 - Abril 16, 1899)
...tagapagpayo, kalihim, tagapangasiwa, tagapagpaganap, tagapagtala, tagapaglimbag, manunulat, makata, heneral at ang utak ng himagsikan.


Ang sityo ng Tondo at San Nicolas/Binondo ay maaaring tawaging “kuna ng himagsikan,” dito ay nagtaas ng kamao at tabak laban sa mga kolonyalistang Kastila. Makaraan ang 20 taon ng pinakaunang himagsikan ni "Dayahi" ng Mactan (Dayami Revolt of 1567), laban sa kolonyalismo, taong 1587 ay ika-apat na paghihimagsik laban sa mga Kastila ang tinawag na “Tondo Conspiracy of 1587" o "Maharlika Conspiracy." Hindi tulad ng ibang himagsikan na nauna, ang Tondo Conspiracy ay pinanggunahan ng mga Rajah, Lakan at Datu; Agustin de Legazpi, ang tiyo niyang si Lakan Dula at mga Tondeno na sina; Magat Salamat, Martin Pangan, Juan Bernal, Geronimo Basi, Gabriel Tuambakar, Calao, Luis Amanicaloa, Gustin Manuguit at Pitongatan. Ito’y kumalat, umabot sa Taquig, Navotas, Bulacan at Pampanga, ito’y nabuo sa pamamagitan ng “unang lansangan” ng mga “taga-ilog” (Tagalog), Ilog Pasig. Umabot patugong Hilaga na karugtong ng ilog Pasig na mga kapangpang - “Kapampangan” (ka-pampang), nagbigay din ng tulong sa nasabing pagaalsa ay ang bansang Hapon at ang Sultan ng Brunei.

Tulad ng nakararaming pagaalsa, isang Hudas na pinagkakatiwalaan ni Magat Salamat, na si Antonio Surabao ang nagsumbong sa lihim na binabalak na himagsikan laban sa mga Kastila ng mga Maharlikang Tondeno. Si Surabao ay nagtungo kay Gobernador Santiago de Vera at sinumbong ang lihim na pagaalsa. Ang mga pinuno ng “Tondo Conspiracy” ay binitay at ang iba naman ay piniit at kinumpiska ang kanilang ari-arian. Sina Calao, Luis Amanicaloa, Gustin Manuguit at Pitongatan, ay ipinatapon sa Nueva Espana (Mexico). Sila ang pinakaunang mga Pilipino na nanirahan ng permanente sa bayang ito.

Nakaraan ang 309 taon sa sityo muli ng San Nicolas/Binondo, sumulpot ang pinunla ni Agustin de Legaspi, dalawang hugot ng masang Tondeno na magsisimula at ipagpapatuloy ang nasawing “Tondo Conspiracy,” Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.

Bago isinilang at nagkaroon ng Argentinong Che Guevara, utak ng himagsikan ng Cuba, ang Pilipinas ay na unang nagkaroon ng Emilio Jacinto. Siya ay nabuhay nang napakaigsi, subalit malalagpasan ang nagawang kontribusyon ni "Che" sa larangan ng himagsikan. Ang henyo at matapang na Emilio Jacinto ay pumanaw ng napakabata - 24 taong gulang, napakaigsi, walang drama at hindi makulay. Pumanaw sa sakit at hindi sa larangan ng digmaan. Subalit maigsi man ang kaniyang naging buhay, napakarami at napakamahalaga ang kaniyang iniwang nagawa para sa Katipunan at himagsikan. Kung hindi kay Jacinto ang 300 Katipunero ay hindi dumami at umabot hangang 30,000. Binigyan niya nang nararapat na direksyon, disiplina, at asal upang marating ang tumpak na layunin ng lihim na samahang Katipunan.

Siya ay anak nila Mariano Jacinto, isang “tenedor de libro” sa isang malaking kalakalan sa Binondo at Josefa Dizon, isang “comadrona” na mula sa kilalang mayaman angkan ng mga Dizon. Anim na taon gulang pa lamang si Jacinto ay marunong na siyang magsalita nang Kastila (“lengua de tienda” o mababang uri ng kastila). Nang sumakabilang buhay ang kanyang ama, naghirap ang buhay ng magina, sila ay lumipat sa Trozo, Tondo ang pook ng masang prolitaryo. Nagiisang naghahanap-buhay ang kaniyang ina na namamasukan sa pabrika ng sigarilyo "La Insular Cigar" sa Plaza Calderon de la Barca sa Binondo, kaya’t hindi kayang balikatin ang kanilang dating maluhong pamumuhay. Ang gamit na damit ni Jacinto ay mga lumang baro na nabili mula sa bahay-sanglaan, tinatabas na muli at nililiitan ng kaniyang ina upang maisuot ng batang Jacinto. Nang magsimulang pumasok si Jacinto sa paaralan ni Pascual Ferrer, naging tuksuhan siya ng kaniyang mga kamag-aral na tila basahan at napakalaki para sa kaniya ang suot na mga damit. Ang sinturon ay gawa mula sa lumang saya ng ina, ang sintas ng kaniyang sapatos ay mula sa itim na basahan.

Dahilan sa kanilang kahirapan sa buhay, napilitan ang ina na ipaapon si Jacinto sa kanyang kapatid na si Jose Dizon na bandang huli ay isa sa mga martir na binaril sa Bagumbayan, dahil isa siya sa liderato ng Katipunan. Sa pamamagitan nang tulong ng kaniyang tiyo, nakapagtapos si Jacinto ng “Bachelor of Arts, sa San Juan de Letran. Tapos ay nagpatala naman siya sa Universidad de Santo Tomas’ upang mag-aral ng abogasya. Marahil sa sinapit na panunukso, paghamak na tinanggap mula sa pagkabata at mga nababasang propaganda nila Rizal at M.H. del Pilar tungkol sa kalupitan ng mga Kastila, ang mapusok at aktibistang 17 taong gulang ay naakit nang tuluyan sa himagsikan at tuloy nakibaka.

Buwan ng Hulyo ika-7, 1892, dinakip si Rizal at ipinatapon ng mga Kastila sa Dapitan, Mindanao. Sumapit ang gabi ng araw na iyon, sinimulan ni Andres Bonifacio ang balak na himagsikan sa tinitirhan ni Deodato Arellano na nasa kanto ng Azcarraga at calle Elcano, San Nicolas/Binondo. Nandoon rin sina Ladislao Diwa, Valentin Diaz at Teodoro Plata, itinatag ang “Kataastaasan Kagalanggalangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan.” Sila ay nanumpa at nangako na sisimulan ang himagsikan at magaakit nang iba pang mga sasapi.

Sumunod na taon, si Deodato Arellano ay pinalitan ni Roman Basa bilang supremo ng Katipunan. Subalit tulad ni Arellano, hindi rin natupad ni Basa ang tungkulin bilang supremo, hinirang at pinapilitan ni Andres Bonifacio si Basa. Habang nanunungkulan si Bonifacio sa isang kalakalan, Fressel Company dito’y nakilala si Jacinto. Palibhasa’y magkatugma ang kanilang layuning pakikibaka, idelohya at kalayaang inaasam, buwan ng Mayo 1893, sumapi sa Katipunan ang dalawang istudyanteng Emilio Jacinto at Pio Valenzuela na nagaaral ng medisina.

Napahanga ni Jacinto sa taglay niyang talino, sipag at katapatan ang may 12 taon mas bata sa Supremo Bonifacio. Siya ay pinagkatiwalaan at hinirang na tagapagpayo, kalihim, Heneral ng Morong, Ministro at Piscal ng Katipunan. Minsan’y pinain ni Bonifacio ang sarili sa panganib upang iligtas ang buhay, niyapos at inilag ni Bonifacio ang batang Jacinto sa punlo na sana’y tatama at ikakamatay nito na tumama sa kohelyo ng Supremo Bonifacio.

Nabigo sa natangap na balita ang Supremo Bonifacio mula kay Pio Valenzuela na kararating lang mula Dapitan, inatasan niya ito upang hikayating pamunuan ni Rizal ang himagsikan. Hindi pa rin nasiraan ng loob ang Supremo, inutusan naman si Jacinto upang sagipin sa kamay ng mga Kastila at tuloy na hikayatin na muli si Rizal na sumapi sa Katipunan. Ika-6 ng Agosto, 1896 ang barkong "Espana" mula Dapitan na sinasakyan ni Rizal ay nakadaong sa Manila Bay, upang mula dito'y lumulan naman si Rizal sa barkong "Isla de Panay" patungong Cuba, dahilan sa kahilingan ni Rizal na nagboluntaryong bilang mangagamot sa ilalim nang bandila ng Espanya. Ang Cuba na kolonya rin ng Espanya tulad ng Pilipinas, ay kasalukuyan noon naghimagsik laban sa mga Kastila. Ang mga kolonyalistang Kastila ay nangagailangan ng mga mangagamot, upang mabigyan nang pangunang lunas ang mga sugatan nilang cazadores doon. Si Jacinto ay nagpangap na isang kargador na Insik upang makasakay sa barkong lulan ni Rizal. Natagpuan ni Jacinto si Rizal sa isang silid ng barko at doon sila ay nagusap at ipinaalam ni Jacinto ang sanhi ng kaniyang pagbabalatkayo, balak na pagligtas at alok na pamunuan ni Rizal ang Katipunan. Nasawi ang ninanasa nila Bonifacio at Jacinto, sapagkat si Rizal ay buo sa kaniyang kalooban ang balak na gawain sa Cuba, bukod dito siya ay hindi sangayon sa armadong himagsikan ng masang Katipunan, tinangihan ang alok at binabalak pagsagip nila Bonifacio at Jacinto para sa kaniya. Si Rizal, tulad ng hinihiling reporma mga Insulares at mga Ilustrado upang sila ay makapantay ng mga Penisulares sa elite na lipunan ng kolonyang Pilipinas. Sa hinihingi ng tadhana, ng dumating si Rizal sa Maynila, ang barkong "Isla de Luzon" na kaniya sana'y sasakyan ay nakaalis na patungong Cuba, kaya nga't dumaong ng matagal ang barkong "Espana" sa Manila Bay at nakapagusap ng matagal ang batang Jacinto at Rizal, bago ito sumakay sa barkong "Isla de Panay" na susunod naman na papuntang Cuba.

Sa tindi ng kapusukan na maihahambing si Jacinto sa mga batang lider na aktibista noong panahon ng diktador na si marcos. Labag sa utos ng ina, tumigil si Jacinto sa pagaaral upang ibuhos ang kaniyang panahon at talino sa ikabubuti, pagpapalawak at tagumpay ng himagsikan. Sumulat siya ng “Panatang Panunumpa” para sa mga sumasapi sa Katipunan. Siya rin ang sumulat nang “Kartilya ng Katipunan” aral at batas na dapat sundin ng mga Katipunero. Sumulat din siya nang pilosopyang/politikal na aklat na hindi nalibag, “Liwanag at Dilim.” Sinulat din niya ang; “Pahayag,” “Sa mga Kababayan,” “Ang Kasalanan ni Cain,” “Pagkatatag ng Pamahalaan sa Hukuman ng Silangan” at “Samahan ng Bayan sa Pangangalakal.” Sina Bonifacio, Valenzuela at Jacinto ay nagtulong-tulong sa pagsulat, paglimbag at pagkakalat nang pahayagan ng himagsikan, “Ang Kalayaan” na ang lihim na imprenta ay nasa calle Lavezares San Nicolas, malapit lang sa bahay ni Valenzuela. Si Jacinto rin ang nangasiwa sa paggawa ng pulburang gamit sa bala ng baril, siya rin ang pinuno, tagapagisip at pagpaplano ng pagespiya para sa Katipunan.

Nakatangap ng balita mula sa kanilang espiya ang Supremo Bonifacio na nabunyag ang lihim na samahang Katipunan at sila’y hinahanap upang dakpin ng mga Kastila, sila’y tumakas at nanawagan sa lahat ng mga Katipunero na magtungo sa Balintawak. Ika-21 ng Agosto, 1896, nagpulong sila Bonifacio at Jacinto sa bahay ni Apolonio Samson sa pook ng Kangkong upang pagusapan ang nararapat gawin. Ang Kangkong ay bahagi ng Caloocan (ka-luko-lukukan), ito’y bukirin, magubat ang paligid ng kamaynilaan at ligtas sa mata ng mga kaaway. Dito ay muling silang nagtipon pagkaraan nang 2 araw sa bakuran naman ni Juan Ramos anak ni "Tandang Sora" - Melchora Aquino. Napagkaisahan nilang simulan na ang himagsikan, buwan ng Agosto 1896, isinabay sa kapistahan ng patron ng mga patalim, San Bartolome ng Malabon. Pinunit nila ang kanilang mga “cedula” at sumigaw na hindi na sila magpapailalim sa Espanya kailanman.

Kinabukasan sila ay lumipat sa bahay ni Tandang Sora upang hindi mapansin ng mga taga Balintawak ang nangyayari. Sumunod na araw sumalakay ang pangkat ng Kastila, dahilan sa kapos sa sandata maliban sa mga itak, napilitang tumakas ang mga Katipunero sa Balara na inabot nang hating gabi, at patuloy na tumakas hangang sa bundok ng Marikina.

Sa dinamang pagurong at kakulangan sa sandata, sila ay nagbalak na salakayin at agawin ang mga armas sa El Deposito, ang pook na imbakan ng tubig para sa Maynila, San Juan del Monte (ngayon ay Pinaglabanan, San Juan). Ika 30 ng Agosto, 1896, pinamunuan nila Bonifacio, Jacinto at mayroong 800 Katipunero kanilang sinalakay ang El Deposito na doon ay mayroong 100 sundalong Kastila na nagsipagurong at kinulong. Bitbit ng mga Katipunero ang naagaw na mga sandata at balak salakayin ang Maynila (Intramuros) ngunit sa Caloocan pa lamang sila ay sinalubong ng hukbong sandatahang Kastila na patungo upang saklolohan ang El Deposito. Nagsiurong ang mga Katipunero na umabot sa kalayuan ng Mandaluyong. Mahigit na 150 na mga Katipunero ang napatay at 200 naman ang nadakip ng mga Kastila, karamihan dito ay binitay sa Bagumbayan upang huwag tularan ng kapuwa Katagalugan.

Matapos ang piyasko at pagkasawi sa El Deposito, hinirang ni Bonifacio si Jacinto na Pinunong Heneralisisimo ng mga Katipunan sa Maynila at paligid pook; Laguna, Bulacan at Nueva Ecija. Patuloy rin si Jacinto bilang pinunong tagapagpayo at kalihim ng Supremo Bonifacio.
Siya ang ingat-yaman ng mga abuloy na salapi at gamit, tagapamahala nang mga; baril, bala at iba pang sandata. Nilimbag din niya ang mga makabayang tula at mga kathang awit ni Julio Nakpil. Siya rin ang na mamahala ng mga propaganda at ang pahayagan ng Katipunan, “Kalayaan.”
Laging abala, kulang sa pagtulog, pagkain at hirap sa dami nang gawain, sunud-sunod na pagkatalo sa malakas, mas marami at maarmas na hukbong lakas ng Kastila, si Jacinto nagkaroon ng karamdaman. Labag si Jacinto sa pagtungo nila ni Bonifacio sa Tejeros, Cavite, upang mamagitan sa hindi magkaisang Magdalo at Magdiwang na mga Katipunero. Bukod sa may karamdaman siya’y pansamantalang inatasan ng Supremo na umuwi sa kamaynilaan at pamunuan ang hukbo. Naiwan si Bonifacio, ang maybahay niyang si Gregoria de Jesus at ang dalawa niyang kapatid, Procopio at Ciriaco. Sa Cavite naganap ang malagim na katapusan ng Supremo, kaniyang dalawang kapatid at panghahalay sa maybahay ng Supremo, sa kamay ng mga kawal at kautusan ni Emilio Aguinaldo, Mayo 1897.

Pinaslang ang minamahal niyang punong Supremo, ang salamin ng katotohanan, ang pinunong hugot sa masang Tondeno at ang liwanag ng Sosyalistang Silangan. Sa tindi nang lungkot at galit ni Jacinto ito’y tumanging kilalanin ang ilustradong pamahalaan at ang pamumuno ng himagsikan na inangkin at inagaw ni Aguinaldo. Sa kahilingan ng mga Katipunerong tapat sa pinaslang na Supremo, ipinagpatuloy ni Jacinto ang pamumuno ng masang Katipunan sa Laguna laban sa mga Kastila na tulad ng habilin sa kanya ni Bonifacio.

Ika-8 ng Octubre,1897, dala marahil ng matinding kalungkutan, sinulat ni Jacinto ang tulang, “A La Patria” (Para sa Bayan), habang siya ay nasa ilalim ng punong niyog sa Santa Cruz, Laguna. Binatay niya ito sa “Mi Ultimo Adios” (Huling Paalam) ni Rizal, ang tula ay nilagdaan ng isa sa dalawa niyang lihim na pangalan, “Dimasilaw” (Pingkian, ang isa naman), ang tulang ito ang nagsilbing huling paalam ni Jacinto.

Pebrero 1898, siya ay kasamang nakipagdigmaan sa mga masandatahang Kastila na “Cazadores” sa barrio Maimpis, Magdalena, Laguna. Natamaan siya ng punlo sa kaniyang hita at ito ang naging sanhi ng kaniyang pagkabihag. Kaladkad siya ng mga kaaway habang sugatan sa simbahan ng Magdalena, dito siya ay hindi binigyan ng pangunang lunas, hangang sumapit sila sa simbahan ng Santa Cruz na dito lang siya ginamot ng mga Cazadores nang mahubha niyang sugat. Pinarusahan at siniyasat siya ng mga kaaway, sa kabutihang palad nasa kaniyang pitaka ang “permiso” ng isang taksil na Pilipinong espiya ng Kastila. Nagpanggap siyang “Florentino Reyes,” ang Pilipinong espiya ng mga Kastila. Ipinakita niya ang “permiso” ni Reyes, at nagkunwa na siya nga ang nasabing espiya. Pinaniwalan ng mga kaaway at pinawalan si Jacinto. Ang buong katotohanan, nadakip ng mga Katipunero ni Jacinto ang tunay na Florentino Reyes, itinago ni Jacinto ang “permiso” upang kung sakaling madakip siya, tulad nang nangyaring ito'y kaniyang magagamit. Matapos siyang palayain sa Laguna, nagtago siya sa kamaynilaan.

Habang nagpapagaling at nakabawi ng lakas si Jacinto, Mayo 1, 1898 ang hukbong dagat ng Amerika sa pamumuno ni George Dewey, pinataob ang pang hukbong dagat ng Espanya, kasama na rito ang pangunahing barko ni Admirante Patricio Montojo na “Maria Cristina” sa Manila Bay. Ang mga Katipunero naman’y napasuko na ang lahat halos nang mga pook sa paligid ng Maynila (Intramuros), patuloy ang paglulunsad nang pagsalakay sa loob ng Maynila (Intramuros). Pinutol ng mga Katipunero ang rasyon nang tubig at pagkain sa Intramuros. Tuloy lahat ng mga naninirahan sa loob ng lunsod ay walang mainom at makain. Ang mga naninirahan dito ay umaasa na lang sa ulan at napakaduming tubig mula sa balon. Mga kabayo, aso, pusa pati na daga ang kinakain ng 250,000 taga Intramuros. Tambak ang mga basura sa lansangan, tuloy marami ay nagkasakit. Hindi nagtagal, dahilan sa tindi nang sinasapit sa loob ng Maynila, ang mga Kastila’y nakipagkasunduan sa mga Amerikano. Tunay na kahiya-hiya na sumuko sila sa mga “Indio” at kung maaari ay sa mga kapuwa “puting balat” na lamang sila susuko. Nagmakaawa na pigilan ng mga Amerikano ang pagpasok at pagsalakay ng mga Katipunero sa loob ng Intramuros. Ang mga kolonyalista namang Gringo ay pumayag at isinagawa ang “lutong macao” na pagsuko, Agosto 13, 1898, ng mga Kastila sa Intramuros. Dito’y ipinasa ng Espanya sa Estados Unidos ang kanilang mahigit na 300 taon pagsakop sa Pilipinas. Ang mga Gringo naman ay itinirik ang kanilang bandila sa Intramuros at inangkin ang tagumpay!

Lito at hindi malaman kung ano ang gagawin, si Jacinto ay sumulat kay Apolinario Mabini na naghahangad na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral nang batas sa binabalak at ilulunsad na pamantasan ng mga Pilipino sa Malolos, Bulacan. Kinagalak ito ni Mabini sa binabalak ng henyong Jacinto at pinagpayuhan ang binata na magpalista at magmatrikula bago mag-Disyembre 1, 1898.
Ang balak ay hindi natuloy at tila nagibang isip si Jacinto, nagbalik siya sa Laguna sa kahilingan ng mga tapat sa kaniyang mga Katipunero. Pinamunuan niya ang nagsisiklab na alitan ng mga Pilipino at mga Amerikanong mananakop sa Pilipinas. Sa inaasahang mangyayaring ay sumabog nga, ang digmaan ng Pilipino at Gringo noong ika-4 ng Pebrero, 1899. Nakipagpulong at pinagunahan ni Jacinto ang paghahandang pagkikipagdigmaan sa bundok ng Majayjay. Sa kasawiangpalad si Jacinto ay dinapuan ng malaria. Marahil sa pagod, kalungkutan, sa mga sugat na natamo sa digmaan, pagpupuyat, kulang sa pagkain, mahina ang katawan at napakadaling dapuan ng sakit. Sumakabilang buhay ang binatang may 24 taon gulang lamang, ika 16 ng Abril, 1899, ang utak ng Katipunan at himagsikan, ang tagapagpayo ng Supremo, ang mapagpaakit sa idolohiyang pangmasa para sa sambayanan na sana ay kauna-unahang bayan sa buong mundo… SOSYALISTANG REPUBLIKA ng KATAGALUGAN!!!

- - ka tony
ika-8 ng Hulyo, 2009
Ito’y alay ko sa aking ama na si Antonio Donato Sr. na ang kaarawan ay ika-8 ng Hulyo, 1906. Sa aking sumakabilang buhay na bayaw at manunulat, Jose Buhain na nagbigay inspirasyon ayon sa buhay ni Emilio Jacinto.