Saturday, August 9, 2008

Pvt. William Walter Grayson - U.S. Nebraska Volunteers










…ika 4 ng Pebrero, 1899, Isang bala na nakapatay na nagmula sa ripleng Springfield na pinaputok ni William Walter Grayson, ay pumatay rin ng milyong-milyong mga Pilipino. Kasalukuyan, ito ay patuloy na pumapatay pa nang marami hangang sa ngayon!

1899, maraming opisyal Amerikano na ibig biyan nang pansin ng nakatataas sa kanila ukol sa mga “insurgents” na mga Pilipino na umaapak sa “neutral zone” at ito’y kanilang kinakainis. Subalit ang nasabing isyu ay hindi gigawan nang kaukulang pansin ng kanilang mga opisyal. Tulad ni Koronel Strotsenburg, pinuno nang “Nebraska volunteers” na may tatlong araw na siyang sumusulat sa kaniyang nakatataas, subalit wala pa rin nangyayari. Kaya kaniyang binigyan ng utos ang pangalawang tenyente na si Burt D. Wheedon na magiging kargo nito ang “Nebraska Outpost # 2”. Ika 7:30 gabi, ika 4 ng Pebrero,1899, ipinahiwatig na pahituin, hulihin at kung nararapat ay barilin kung sino mang “insurgents” ang lumabag sa kautusan. Kaniyang inutos ito sa napiling 8 na kawal Amerikano na magbabantay, ang isa dito ay nangagalang Pvt. William Walter Grayson. Nakaraan ang 30 minuto, si Pvt. Grayson at ang kasama niyang si Pvt. Orville Miller, ay nagpapatrolya sa tulay ng San Juan del Monte na pawis-pawisan, maumido, malamok at mabahong ilog na kanilang naaamoy sa kapaligiran. Ayon sa testimonya ni Pvt. Grayson, na sinaad naman ni tenyente Wheedon…”Two Privates, Grayson and Miller and another Nebraska volunteer were patrolling the junction shortly before 8:00 pm. Private Grayson of Company D, was short distance in advance of the other two. After waiting about 5 minutes , Pvt Grayson saw 4 armed men suddenly appear 5 yards in front of them. He immediately called, “HALT”…at his command the 4 men cocked their pieces, whereupon Pvt. Grayson called “HALT” again and fired at them.” Si Private Gayson naman ang nagsabi…”I yelled “HALT”…the man moved. I challenged with another “HALT.” Then he immediately shouted “ALTO” to me. Well, I thought the best thing to do was to shoot him. He dropped.” Naririto naman ang isang bersyon nang panyayari, tugon sa dalawang kasama ni Pvt. Grayson…”as they approached the bridge of San Juan river, low whistle, possibly signal and a red lantern flashed ahead from a ramshackle old Spanish blockhouse used by Filipinos as barracks. Suddenly, not more than 20 feet in front of them, the shadowy shapes of 4 natives, almost certainly drunk and probably unarmed. “HALT” shouted Grayson, raising his cocked springfield rifle. “ALTO!” echoed one of the figures mockingly. Grayson repeated his challenged and again the voice mimicked him. Grayson fired! The man crumpled and the 3 others sprang out of the dark. Miller shot one as Grayson, reloading quickly, dropped the other. The Americans then raced back to their camp, Pvt. Grayson yelling…”Line up fellows!!! The niggers are in here all through these lines!!!” At ang labanan ng Pilipino at Amerikano ay nagsimula, ang engkuentro nangyari ay umabot hangang alas 4 ng umaga, sumunod na araw.

Si William Walter Grayson ay isang binatang patpatin na naninirahan sa maliit na palengkehang lugar na kung tawagin ay Beatrice, Big Blue River sa Nebraska. Nagtrabaho sa isang local na “inn” na ang kaniyang tungkulin ay “innkeeper” at minsan ay isang “stable groomer.” Sa dahilang sa kahiligan niyang maglakbay, siya ay nagpatala at tinugon ang kahilingan ng kanilang Pangulong McKinley sa mga kalalakihang mamamayan upang lumaban sa sigalot ng Amerika at Espania. Siya ay nagpalista noong Mayo 10,1898, sa Lincoln, Nebraska, na maglilingkod sa US Army nang 2 taon. Kasalukuyan, noon siya ay 23 taong gulang, siya ay na atasang sumanib sa 1st Regiment of the Nebraska Infantry U.S. Volunteers. Ayon sa kaniyang isinukong papel ng kaniyang kapanganakan; Si Grayson ay ipinanganak sa Inglatiera, noon Abril 9,1876 (noon ay maaaring ang isang hindi U.S. citizen o immigrant, ay maaring tangapin sa military, na ngayon ay ginawa nang muli), ang kaniyang magulang tulad ng milyong Europeo ay nagsipagsalta bilang immigrant sa Amerika. Ayon sa rekord militar ni Grayson, siya ay maytaas na 5’x 6 inches”, maputi ang balat, asul ang mga mata at kulay kape ang buhok.

Kasama si Pvt. Grayson na lulan nang US Navy barkong “Senator” na kasama ang mga sundalong 75,000 na may mga iilan kasamang mga sundalong Itim o kung tawagin ay “BUFFALO SOLDIERS”, karamihan sa mga itim na sudalong ito ay mga beterano ng “Indian wars”. Tinugunan silang “Buffalo Soldiers” ng mga Native American Indians, sapagkat ang kanilang mga kingky na buhok ay hawig sa balahibo ng mga buffalo. Tumulak silang paalis ng Presidio, San Francisco noon Mayo 25, at dumaong sila sa Maynila noon Hunio 15,1898. Sila ay isinakay sa kasko na hinila naman nang isang tugboat patungo sa Camp Dewey. Nakatangap si Grayson ng kaniyang unang sueldo, Hunio 30 at sabay nito ang pagbibigay ng kaniyang tunkulin magbantay sa isang outpost sa labas ng Maynila (Intramuros), Pasay, Agosto 26. Sa dahilang umido at init ng tropikong Pilipinas, ay ‘di makasanayan ni Grayson at siya ay na ospital sa kampo noon Septiembre 28. Siya naman ay inilipat nang kampo sa San Juan del Monte at dito nangyari nga ang krimen na kaniyang nagawa noon Pebrero 4, 1899, at nasankot sa labanan tapos nang pangyayari. Binigyan papuri ni Kapitan Nelson Black (isang assistant surgeon of the 1st North Dakota Infantry) si Grayson at ang 10 sundalo, at nagsabi…

”the courage and coolness, in carrying the wounded from the field under a very severe fire directed upon them by our humane enemies, who were dressed in white were all intents and evidently purposes – the so called “AMIGO.” 

Huling araw ng Pebrero nang iutos ni Dewey na ang barkong “Oregon” ay tumulak paalis ng Honolulu at dumaong sa Maynila, kasabay rin nang ang tropa ni Grayson ay nagtungo sa ilog ng San Mateo. Nakasagupa sila nang maliit na tropang Pilipino, sa Marikina. Sunod-sunod ang engkuntrong napalaban ni Grayson; Marso 6, sa Marikina, ika - 25, sa San Francisco del Monte, ika - 26 sa Maycauayan, ika – 27 sa Marilao at ika – 30 napasama siya kay Heneral Otis ng talunin at mapasailalim ng mga Amerikano ang Malolos at sa araw rin na iyon, kinagabihan, siya ay na distino sa Guiguinto. Kinaumagahan, siya ay tinangap sa “1st Reserve Hospital” sa Maynila, sa dahilan ng kaniyang kapaguran sa pakikipaglaban.

Ayon naman sa US military “The Company Muster Roll” na talaan, noon Mayo 1,1899, nabigyan nang panibagong tungkulin si Pvt. Grayson, bilang “Army Cook.” Narito ang sunod-sunod na araw at pangyayari; Mayo 5, siya ay muling na ospital sanhi nang “diarrhea”, ito’y naulit noon ika – 25, at Mayo 30. Ang giyera ay tunay na nagpapahina sa kaniyang patpatin na katawan, kaya noon Agosto 23,1899 siya ay binigyan nang honorable discharge. Tumulak patugong Presidio, sa San Francisco, California, bitbit ang mga militar niyang gamit at ang nasueldong 19.21 dolyares. Siya ay napasama sa paradang militar, na ginanap sa Market Street, na pangunahing kalye sa San Francisco. Ipinasiya ni Grayson na manatili at manirahan bilang sibilyan sa San Francisco. Matapos ang isang taon, siya ay ikinasal sa isa rin Inglesa, Francesca Peters. Sa kanila’y nagkasal ay si Rev. F.W. Fischer, noon Disyembre 6,1900, kasabay nang taon na iyon, siya’y naging “US citizen” na pinagukulan ni Judge Daingerfield, sa San Francisco. Ang magkabiyak ay nanirahan kasalukuyan noon sa 744 Fulton Street, San Francisco, California.

Pitong taon na ang nakararaan, ang magasawa ay wala pa rin anak, nagpasya ang magasawa na lumipat sa San Jose, California. Subalit, Oktubre 22,1922 sila ay nakaisip lumipat sa Winnemucca, Nevada, Si Grayson ay sumulat sa War Department, Washington ayon sa kaniyang nagawang kakaibang paglilingkod militar, ipinagyabang na siya ang may pasimuno nang Giyerang Pilipino/Amerikano at humihiling nang malaking pension at bonus. Siya naman ay nakatangap nang nakalulungot na katugunan mula sa US War Department…

”No pecuniary rewards are made by the government for extraordinary bravery in action.” 

Sumakit ang loob niya, subalit hindi ito walan nang pagasa, hindi tumigil at nagtungo sa City Hall, at hinarap ang county clerk J.W. Devey, isinalaysay at ipinatala na sa dahilang pakikipaglaban niya noon panahon ng, “Philippine-American War” siya ay nagkaroon ng sakit na “hemorrhoids,” at dahilan sa tinataglay na sakit, hindi siya makapagtrabaho ang Grayson na 46 taong gulang.

Matapos nang pananatili sa Nevada nang 5 taon at nakatangap siya nang kabuoang 151.83 dolyares na pension, ngayon’y isang balo…si Grayson ay nagbalik at nanirahan muli sa San Francisco, sa 1135 Madison Avenue. Noon Marso 17,1941, siya ay tinangap sa Veteran’s Administration Hospital sa San Francisco at pagkalipas nang 3 araw, ika-7:50 ng umaga, Marso 20, 1941 si Pvt. William Walter Grayson ay binawian nang buhay. Ang sanhi ng kaniyang pagkamatay ayon sa otopsiya ay “cerebral thrombosis with hemiplegia, caused by arteriosclerosis” ang kaniyang bankay at paglilibing ay ginampanan ng Halstead and Company. Namatay si Grayson na may 64 na taon, 11 na buwan at 11 araw na gulang…Na Hindi Niya Batid at Akalain na ang Punlo Mula sa Kaniyang Ripleng Springfield na Pumatay sa Isang Inosenteng Pilipino na Tatawid Lang nang Tulay, ay Patuloy pa Rin Pumapatay sa Ilan Salin Lahi at Darating pang Salin Lahing Pilipino. Napakalaking krimen at marami pang krimen na naganap at matagumpay na naitago, napagtakpan at matagumpay na nabura sa isipan ng mga Pilipino!
ka tony
4th of February, 2008





Friday, August 8, 2008

Sino ang Nakatatanda kay Tandang Sora?



Si “Tandang Sora” ang ina ng Katipunan. Siya ay ipinaganak sa maranyang pamilya ng magsasaka na sina Juan Aquino at Valentina de Aquino, noong Enero 6, 1812, sa barrio Banlat, Caloocan, Rizal (na ngayon ay Balintawak). Melchora, sa kaniya’y ipinagalan, ugma sa araw ng kaniyang kapanganakan, isa sa mga tatlong haring (Melchor, Gaspar at Baltazar) naghandog parangal sa pagsilang ni Hesus Kristo.

May katangiang ganda si Melchora at kaya naman siya ay laging napipiling maging Reyna Elena pag sapit nang Santacruzan. Kay ganda rin ng kaniyang tinig tuloy laging naiimbitahang umawit sa mga “pabasa” pag sapit ng mahal na araw, ng “Pasyong Mahal”. Kaya naman kay daming kalalakihang naakit at lumigaw sa dalaga, at sa wakas ang nakabihag ng kaniyang puso ay si Fulgencio Ramos na naging isang “cabeza de barangay”. Sila’y nagkaroon ng anim na supling: Juan, Simon, Estefania, Juana, Romualdo at Saturnina. Maagang binawian ng buhay ang kabiyak ni Melchora, at sapilitang ginampanan niya ang maging ama at ina ng kaniyang mga anak. Siya rin ang nagpatuloy sa pamamahala nang taniman na naiwan ng kaniyang kabiyak.

Isang araw, 23 ng Agosto, 1896, mga Katipunerong sugatan, gutom, pagod sa pakikidigma, bigla na lang kumatok sa kaniyang pintuan at humingi ng tulong sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Kaniya namang pinatuloy, ginamot ang mga sugatan, pinakain at pinagpalipas nang gabi sa kaniyang tahanan. Kinaumagahan kaniyang pinagkalooban pa ang mga Katipunero nang 100 caban na bigas, 10 kalabaw, mga gamot, damit at ano-ano pang mga pangagailangan. Patuloy ang pagdalaw sa kaniya ng mga Katipunero at patuloy din ang kaniyang walang sawang pagtulong. Marami tuloy na “historian” ay nagtatalo kung saan ang orihinal na lugar ginawa ang “cry of Balintawak”. Karamihan ang paniniwala ay sa bakuran ni Tandang Sora. Ayon kay Guillermo Masangkay sa kaniyang sinumpaang testimonyo, ang “sigaw” ay nangyari noong 26 ng Agosto, na kung saan ngayon nakatirik ang monumento ni Bonifacio, sa Caloocan. Ang bersiyon naman ni Dr. Pio Valenzuela, isa muling pagsigaw ng mga Katipunero ang ginawa, ito ay “Cry of Pugad Lawin”, ayon sa kaniya ito’y naganap sa bukid ni Juan Ramos Aquino (anak ni Tandang Sora), at hindi sa lugar ni Apolonio Samson, sa Kangkong, hindi sa Balintawak o sa bakuran ni Tandang Sora. Kasalukuyan ito pa rin ay isang kontrobersiyal na ulat sa ating kasaysayan, samantalang ang estado ukol sa kagitingan ng ating: Unang Pangulo, dapat ay National Hero at nagpasimuno ng himagsikan sa ating bansa na pinakauna sa buong Asia, na si Andres Bonifacio ay unti-unting, paliit nang paliit ang pagbigay halaga ng ating bayan at pamahalaan sa kaniyang kabayanihan. Ang dahilan ba’y sapagkat siya ay hugot sa masa at hindi pinatangkilik ng mga Gringo?

Sa pakiusap ni Bonifacio, si Tandang Sora kasama ang kaniyang mga anak ay nagsipag tago sa Novaliches sa dahilang pagkalat nang balitang pagtulong niya ng puspusan, patuloy na pagkubli sa bukirin niya, paggagamot sa sugatan at maysakit, na mga Katipunero. Agosto 29, 1869, sa inaasahang pangyayari, siya ay natuntunan at nadakip ng mga “Guardia Civil” sa Pasong Putik, Novaliches. Sa bahay ng “cabesa de barangay” siya ay pansamantalang piniit. Kinabukasan siya ay nilipat sa piitan ng Bilibid, Maynila at dito’y siya ay pinahirapan at ininteroga upang mabatid ng mga Kastila ang pinagkukutahan nila Bonifacio at Katipunan. Gaano man ang pagpapahirap at pagwalang galang sa kaniyang pagkatao ay hindi niya pinagkanulo si Bonifacio at ang ginagalang niyang Katipunan. Nang magsawa na ang mga Kastila sa pagpapahirap at walang makuhang impormasyon kay Tandang Sora, sa kautusan ni Gobernador Heneral Ramon Blanco, ang matandang Sora kasama ang maraming rebolusiyonariyong Pilipino ay pinatapon sa Agana, Guam.

Nang sakupin at gawing koloniya ng America ang Pilipinas, si Tandang Sora at 76 na patriotang Pilipino, ay pinatawad, pinalaya. Pebrero 26, 1903 lulan ng barkong Amerikano, S.S. Uranus mula Agana, Guam, ang matandang Sora ay sinalubong ng kaniyang mga anak, mga apo, kamaganakan at kababayan ng siya ay iuwi at muling makapiling sa kanilang barrio, Banlat. Si Tandang Sora noon ay 91 taong gulang na.

Inukol niya ang mga nalalabing araw ng kaniyang buhay sa pagaaruga ng kaniyang mga apo. Siya ay na handugan nang munting pensiyon, subalit ang natatangap na material na ito mula sa pamahalaang koloniyal ay kaniyang pinaubaya, ipinagparte-parte sa mga mahihirap at mga sawingpalad. Tila hindi matangap ng kaniyang kalooban, ang umasa at mamuhay sa materyal na pensiyon na ipinagkakaloob nang kolonial na pamahalaan. At dahilan dito ay patuloy ang matanda sa pamumuhay nang isang dukha.

Pebrero 20, 1919, sa gulang na 107 sa tahanan ng anak niyang si Saturnina sa barrio Banlat, Ang Ina ng Katipunan-Tandang Sora ay binawian ng buhay. Ang kaniyang labi ay hinimlay sa “Mausolem of the Veterans of the Philippine Revolution, sa sementeriyo ng La Loma.

Kahanga-hanga ang nagawang kadakilaan, katapatan, kagitingan at sakripisyong inalay para sa kaniyang paniniwala, sa Supremong Andres Bonifacio, sa kilusang Katipunan, sa pansariling prisipiyo, sa kaniyang pamilya at sa inaaping bayan ni Gat Melchora Aquino. Lalo’t noong kapanahunan na ang kalalakihang “Machong Lipunan” ang umiiral. Ang mga ina ng tahanan ay tulad sa isang alipin na halos lahat ng gawaing bahay, sila ang inaasahan. Samantalang si “machong tatay” ay nagbabasa lang ng pahayagan ay sisilbihan pa nang kapeng mainit ni nanay. Una sa panahon si Tandang Sora, ang tinatawag natin ngayon na “single mother” ay kaniyang ginampanan na bago pa ito mauso at ating hangaan. Bukod sa pagaaruga sa mga anak, kaniya rin ipinagpatuloy ang pamamahala ng kanilang bukirin ng ang kaniyang kabiyak ay sumakabilang buhay. Sino kaya ngayon ang hindi ipagkakanulo si Bonifacio at ang Katipunan, habang ang mga imbing mga kaaway ay ikaw naman’y pinahihirapan, nilalapastangan ang iyong pagkatao at tapos naman’y ipatapon ka upang hindi makapiling at makita ang iyong mga mahal sa buhay, sa malayong dayuhang islang lugar sa dagat Pasipiko, na ang mga kasamang nakararami ay mga kriminal at ketongin, sa gulang mo na 72…sino ?

ka tony
the 7th of January, 2008