Sunday, October 28, 2012

Gat ANDRES BONIFACIO - Bakit Pilipinas Lang sa Buong Mundo, Ang Nagsimula ng Himagsikan Hindi National Hero?






















Bakit Pilipinas lang sa buong mundo, dalawa ang kinikilalang National Hero? Bakit napakalungkot ang naging buhay ng dakilang Andres Bonifacio? Hindi nais na ihalintulad ang malagim na kinahinatnan ng rebeldeng Hesus Kristo, subalit tila mas masakit pa ang nangyari sa rebeldeng Andres Bonifacio na ang taging nasa ay kalayaan ng Katagalugan at katarungan ng masang sambayanan...

# ...namatay nang maaga ang kaniyang magulang at siya ang nagalaga at nagpalaki sa kaniyang limang batang kapatid.
# ...maagang nabalo ng mamatay ang kaniyang unang kabiyak sa sakit na ketong.
# ...nagasawa na muli kay Gregoria de Jesus, na hindi sangayon sa kaniya ang mga magulang nito.
# ...namatayan siya ng kaniyang sangol na anak, kay Gregoria de Jesus.
# ...pinagkanulo ang kaniyang lihim na Katipunan, na magpapalaya sa bayan at sa kahirapan ng masang Katagalugan.
# ...nasunugan ng kaniyang bahay, ang lahat ng kaniyang naipundar na ari-arian at mga dokumento ng KKK ay nadupok ng apoy.
# ...wala man lamang siyang pinalanunan sa larangan ng digmaan.
# ...dinaya sa halalan sa Tejeros.
# ...hinamak siya nang siya ay mahalal sa mababang tungkulin.
# ...inagaw sa kaniya ang liderato at ang ipinundar na himagsikan, pinalitan ng Ilustradong rebolusyon.
# ...pinagbintangan na siya pa ang aagaw sa naitayong pekeng pamahalaan ni Aquinaldo.
# ...ninakaw ang "Acta de Tejeros" na nilagdaan ng mga nakasaksi sa dayaang nangyari at nagsasaad sa pagwawalang bisa sa naganap na halalan sa Tejeros.
# ...pinatay sa kaniyang harapan ang kaniyang kapatid na si Ciriaco.
# ...sinaksak na paulit-ulit sa leeg ni Hen. Ignacio Pawa, pagkatapos ay itinali at hinuli.
# ...pinahirapan, at ninakaw pa ang pangkasal na sinsing nila ni Gregoria de Jesus.
# ...ginahasa ang kaniyang kabiyak ng isa sa opisyal ni Aquinaldo na si Kol.Yntong.
# ...nilitis siya sa hukuman na walang katarungan sa salang sidisyon at na sintensyahan ng kamatayan.
# ...ikinulong ng ilang araw sa Cavite, ginutom at hindi man lamang ginamot ang sugat niya sa leeg.
# ...sa kakulangan niya sa dugo, dahilan sa sugat sa leeg, nanghihina na kasama ang kapatid na si Procopio at dinala sila sa bundok ng Maragondon.
# ...nakita niyang pinatay ang kaniyang kapatid na si Procopio.
# ...binaril siya ay pinagtataga, hangang sa mamatay.
# ...ibinaon ang kaniyang labi sa mababaw na hukay na wala man lamang na nilagay na palatandaan.
# ...hindi siya tinanghal na "National Hero" ng kolonyalistang Gringo di tulad ng mga ibang bansa na ang national hero ay ang nagtatag at namuno ng himagsikan.
# ...ang mga nagsisuko sa Gringo at nagpaalila na dati niyang mga kasamahan sa himagsikan, siya pa ay siniraan.
# ...ilang beses na ang kaniyang imahen sa ating perang "Piso" ay paliit nang paliit ang pagbibigay halaga sa kaniyang kabayanihan.
# ...ngayon naman'y mga mason at mga maka-Rizal ay pinagdududahan at binabahiran na siya ay "taksil" sa pinaliit na parte sa himagsikan at sa ating kasaysayan.

“...kaya isipin ninyo mga kapatid kung katoiran o hindi ang kanilang ginagawa pag api sa amin" - Gregoria de Jesus (1875-1943)


Ang malaking pagkakamali ni Aquinaldo at ang kasamahan niyang ilustrado ay nang kanilang patayin ang Supremo, upang pigilin ang kadakilaan at agawin ang liderato, ay tulad din ng pagkakamali ng mga Romano, may 2,000 libong taon nang nakalipas, upang masugpo ang diwa at sinimulang himagsikan ay pinatay ang isang rebeldeng Hudyo sa pamamagitan ng pagpako sa krus. Lalo lamang nagalab ang naiwang diwa na sinimulan at taos na lumaganap ang pakikibaka.

KOLONYANG PILIPINAS NG AMERIKA
...ang unang Araw ng Manggagawa o Labor Day ay naganap noong ika-1 ng Mayo, 1903. Ang manggagawa ng Union Obrero Democratica de Filipinas at magsasaka ang nagsipagaklas, nagtipon sa Plaza Moriones, Tundo at nagmartsa, nagtungo sa Malacanan na kung saan nandoon ang American Governor-General na si William Howard Taft. Tila bandila ang taglay na mga larawan ng Supremo Andres Bonifacio ng mga nagsisipagaklas na nagmamartsa. Ang pagaklas na nangyari ay nauwi sa "riot," ito ay tinawag na sidisyon at tuloy ginawang labag sa batas, ang larawan ng Supremo na naging sagisag ng himaksikan ay lalong nagpababa sa imahen ng Supremo bilang pangunahing pambansang bayani ng Pilipinas sa mata ng mga kolonyalista. Ang mabilis na pangyayari ito'y sinundan ng pagkakatatag sa Partido Komunista ng Pilipinas.

Sadyang nilapastangan at binaluktot ng mga kolonyalista at ng tuta nilang ilustrado/sajonistang mga pulitiko ang ating kasaysayan, upang mapagtakpan ang kanilang ginawang mga krimen, pagnanakaw sa likas ng ating bayan, pagangkin sa ating tagumpay at pagwawalang halaga sa katutubong kultura. Pati na ang bayaning nagsimula ng himagsikan Gat Andres Bonifacio ay tinawag na "The Great Plebeian" upang ibabang uri ang antas sa "colonial mentality" na lipunan nang huwag tularan at hanggaan. Ang "plebeian" ay pinakamababang uri sa lipunan ng Roma noong araw, hindi naman tayo Romano, bakit plebeian?

Kung tunay ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sinasabi nanggaling ito sa Katipunan ng Supremo Bonifacio, bakit hindi na aayon sa Kartilya ng Katipunan ang kanilang ikinikilos? Hindi ba't inagaw ni Aquinaldo at ng kaniyang ilustradong pamahalaan ang liderato at himagsikan? Hindi ba't ang mala-mafia na pamahalaang himagsikan ni Aquinaldo'y inagaw naman ng kolonyalistang gringo? Hindi ba't nagsisuko ang mga opisyal at tauhan ni Aquinaldo sa mga kolonyalista't naglingod bilang PC, AFP (dating Philippine Scouts) at PNP, na sila pa ang mga nagkanulo, humuli at pumatay sa mga "second wave" na Katipunero na ipinagpapatuloy ang tunay na Katipunan? ...saan ngayon, kahit bakas man lamang ng Katipunan ni Gat Bonifacio ang makikita sa kasalukuyan Sandatahang Lakas ng Pilipinas?

Tunay na hangang sa ngayo'y kailangan bigyan ng masigop na pananaliksik ang kahinahinalang panyayari at ikinilos ni Aquinaldo sa halalan sa Tejeros. Bakit wala si Aquinaldo sa Kombensyong halalan sa Tejeros? Ang naging dahilan daw kung bakit wala si Aquinaldo sa halalan siya'y nasa digmaan. Kung tunay na napakahalaga para sa mga Magdalo ang Kombensyon ng Tejeros, upang makipagisa sa mga Magdiwang at sa pagtataguyod ng bagong pamahalaan sa pamamagitan ng halalan, bakit kaya ito itinakda sa araw sa 22 ng Marso, isinabay sa kaarawan ni Aquinaldo?

# ...kung napakahalaga ang Kombensyon ng Tejeros at araw din ng kapanganakan ni Aquinaldo, bakit siya ay nasa digmaan samantalang ang kaniyang mga heneral na Magdalo ay nasa kombensyon?
# ...kung tunay na nagpaplano at naghahanda ang mga Magdalo at Magdiwang na pagkakasunduin sila ng Supremo sa kombensyon, bakit wala si Aquinaldo na pinuno ng Magdalo samantalang si Alvarez na pinuno ng Magdiwang ay nandoon?
# ...alam kaya ni Aquinaldo na siya ang magwawagi sa halalan na binabalak at nakalagay na nga kaya ang kaniyang pangalan sa mga balota tulad ng sabi ni Mojica sa Supremo sa dayaang mangyayari, kaya wala siya sa kombensyon?
# ...sinadya kaya ng mga Magdalo na wala sa halalan si Aquinaldo upang hindi paghinalaan ang kaniyang pagwawagi bilang pangulo sa dayaang nangyari?
# ...nang pawalan ng bisa ng Supremo ang halalang naganap, bakit taos pusong tinangap agad na walang pagiimbot ni Aquinaldo. Samantalang ang pagkakahalal sa kaniya at ipinagpatuloy na patago sa lahat ang panunumpa bilang pangulo at ang mga nahalalal?
# ...bakit hindi man lamang binigyan ng paganyaya ang Supremo sa panunumpang gaganapin, samantalang ang Supremo naman ay nahalal din bilang Ministro ng Pangloob?
# ...bakit ibinigay at dineklara na lamang si Pascual Alvarez bilang Ministro ng Panloob na hindi man lamang hiningan muna ng pagbibitiw ang Supremo, sa pagkakahalal sa kaniya ng katungkulang ito?

...ito ang mahalagang katanungan at napakarami pang iba sa maaaring dayaang nangyari at bago nangyari sa Kombensyon ng Tejeros. Kung si Aquinaldo sana ay hindi malisyoso at taong mapagkakatiwalaan, maaari natin ipagpaliban ang mga katanungang ito. Subalit sino ang magtitiwala sa "pangulo ng bayan," kung siya ay...

# ...ang nagtaguyod ng "tayo-tayo - sila-sila" at "salvaging" na mala-mafia sa kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas.
# ...umagaw ng liderato at ng masang himagsikang Katipunan.
# ...nagapruba sa walang katarungang paglilitis sa magkapatid na Bonifacio.
# ...hindi nagbigay halaga sa pangagahasa sa maybahay ng Supremo na isinagawa ni Kol. Yntong, isa sa mataas na opisyal niya.
# ...nagapruba sa hindi makatarungan at patago na pagkakapatay sa mga magkakapatid na Bonifacio.
# ...kataksilang ibinenta ang himagsikan sa Biak na Bato.
# ...nakipagsabuwatan sa mga Amerikano, sa iligal na pakikialam ng EU sa ating pambansang himagsikan.
# ...nagutos sa pataksil na pagkakapatay kay Hen. Antonio Luna.
# ...nagdali-daling nagdeklara ng kalayaan sa Kawit, Cavite, na hindi pa lubos na papapalalunan ang himagsikan.
# ...nagbigay ng utos kay Hen. Gregorio del Pilar sa siguradong kamatayang misyon sa Pasong Tirad, upang siya ay makatakas sa mga Amerikanong sa kaniya'y humahabol.
# ...sumunod sa kautusan ng mga Gringo na huwag pasukin at pasukuin ang ang nalalabing mga Kastila sa Maynila (Intramuros), tuloy naagaw ng mga Gringo ang ating tagumpay.
# ...nakipagsabuwatan noong ikalawang digmaan sa mga imperyalistang Hapon.

Ito ang sinulat ni Apolinario Mabini sa kaniyang aklat na
"La Revolucion Filipina"


"...The death of Andres Bonifacio had plainly shown in Mr. Aguinaldo a boundless appetite for power and Luna’s personal enemies exploited this weakness of Aguinaldo with skillful intrigues in order to encompass Luna’s ruin.
To say that if Aguinaldo, instead of killing Luna (allowing Luna to be killed), had supported him with all his power, the Revolution would have triumphed, would be presumption indeed, but I have not the least doubt that the Americans would have had a higher regard for the courage and military abilities of the Filipinos. Had Luna been alive, I am sure that Otis’s mortal blow would have been parried or at least timely prevented, and Mr. Aguinaldo’s unfitness for military command would not have been exposed so clearly….

To sum it up, the Revolution failed because it was badly led; because its leader won his post by reprehensible rather than meritorious acts; because instead of supporting the men most useful to the people, he made them useless out of jealousy. Identifying the aggrandizement of the people with his own, he judged the worth of men not by their ability, character and patriotism but rather by their degree of friendship and kinship with him; and anxious to secure the readiness of his favorites to sacrifice themselves for him, he was tolerant even of their transgressions. Because he thus neglected the people forsook him; and forsaken by the people, he was bound to fall like a waxen idol melting in the heat of adversity. God grant we do not forget such a terrible lesson, learnt at the cost of untold suffering." - - mula sa aklat ni A. Mabini "La Revolucion Filipina"


Ang pinanggalingan ng ating puppet na pamahalaan ay mula kay Aquinaldo na umagaw sa ipinundar na pamahalaang "Haring Bayang Katagalugan" na si Gat Andres Bonifacio ang pangulo. Upang huwag bigyan ng halaga ang pamahalaan at lideratong itinatag ng unang bayaning naghimagsik, si Aquinaldo ang ipinatangkilik ng mga kolonyalista na tawaging unang pangulo ng bayang Pilipinas.

RIZAL AT BONIFACIO

Bakit kinakailangang dalawa ang ating kinikilalang National Hero? Sabi ng rebolusyonaryong si Hesus Kristo... "no one can serve two masters. Either he will hate the one and love the other, or he will be devoted to the one and despise the other." Ito'y totoo, subalit sa pagpili ng pambansang bayani, tayong mga Pilipino ay "balimbing" din pati sa ating pagdakila? Kung ang "araw ng mga bayani" na ating dinadakila at ginugunita ang kagitingan ng "Unang Sigaw" na nagsimula sa armadong himagsikan ng Katipunan ng Supremo Bonifacio, bakit si Rizal pa ang mas kinikilalang "National Hero?"

Ang Amerikanong Governor General Howard Taft ay nagpanukala sa Philippine Commission, noon taon 1901 na gawin "national hero" si Jose Rizal at naglabas ng batas: Act No. 346 - which set the anniversary of Rizal’s death as a “day of observance.” Nabangit sa aklat na "Between Two Empires" ni Theodore Friend... "Taft with other American colonial officials and some conservative Filipinos chose him (Rizal) a model hero over other contestants - Aguinaldo too militant, Bonifacio too radical, Mabini unregenerate." Ang naging sanhi kung bakit si Rizal ang pagpiling "national hero" ng mga Amerikano at mga Pilipinong sajonista ay mababasa sa aklat ng dating US Governor General W. Cameron Forbes, "The Philippine Islands" na nagsasabi... "It is eminently proper that Rizal should have become the acknowledged national hero of the Philippine people. Rizal never advocated independence, nor did he advocate armed resistance to the government. He urged reform from within by publicity, by public education and appeal to the public conscience"

Ikinatakot ng mga kolonyalista ang nangyaring pagdakila at paggamit bilang sagisag ng himagsikan ang larawan ng Supremo, maging ang pagbangit sa kaniyang pangalan sa ginawang pagaklas ng mga manggagawa at magsasaka noong unang "Labor Day" sa Plaza Moriones. Tuloy ang kaniyang larawan at ang ating bandila ay naging labag sa batas, ang pagdakila, pagkilala, pagsaludo at pagsabit nang mga nito sa publiko. Bakit nga naman tatangkilikin ng mga kolonyalista bilang "national hero" ang mala-sosyalistang radikal na Supremo Bonifacio na ang adhikain ay...

1. Kunin, ibalik at ipaghati-hati ang mga lupa, kayamanan at ari-arian kinamkam, inagaw, inilit at ninakaw ng mga prayle at mga dayuhan sa mga mahihirap at mga magsasakang Pilipino.
2. Kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Kastila at iba pang kolonyalista.
3. Ibagsak ang "elite na socialidad" na pinasimulan ng mga Kastila at itaguyod ang pantay-pantay na lipunan.

Tunay na tinangkilik ng mga kolonyalistang Amerika ang tahimik na repormang adhikain ni Rizal, lalong-lalo na kasalukuyang tinataguyod nilang "benevolent assimilation" na programa para sa kolonya nilang Pilipinas. Bilang pinuno ng mga ilustrado sa Espana, sa pangalang "Dimasalang" si Rizal ay nagsulat sa propagandang pahayagan "La Solidaridad" ng mga: sanaysay, tula, talinghaga at editoryal, laban sa mga: Kastilang pare, prayle at Kastilang cortes. Kaniyang ipinaglalaban na magkaroon ng reporma para sa tulad nilang mga ilustrado at mga sumusunod na mungkahi...

1. Gawing probinsya ng "Inang Espana" ang Pilipinas.
2. Ang uri nilang ilustrado ay magkaroon ng kinatawan sa Kastilang cortes.
3. Mga Pilipinong pareng sekolar ang sila'y maging mga kura sa kani-kanilang paroko at sityo, ipapalit sa mga Kastilang kura-paroko.
4. Kalayaan makapagtipon at makapagpahayag.
5. Pantay sa mata ng batas ang sino man tao ng lipunan.

...bagamat ang mga munkahing reporma na ito'y tinangkilik ng mga Kastilang intelektual, tulad nila Morayta, Umamuno, Margal,  atbp... ang panukalang ito'y hindi binigyan ng pansin ng Kastilang cortes at simbahan.

Maging ang historyador na si Renato Constantino ay nagsabi... "Rizal is a United States-sponsored hero who was promoted as the greatest Filipino hero during the American colonial period of the Philippines." Patuloy ang pagtataguyod sa "benevolent assimilation" at kasabay nito ay ang propaganda sa ilustradong bayaning si Rizal. Maraming ipinangalang mga paaralan, kalsada, tulay, plaza, gusaling pangpamahalaan at mga aklat na ipinasulat ayon sa kabayanihan ni Rizal, ang mga Amerikano upang makakatulong sa pagsugpo sa mga "second wave" na rebolusyonaryong tinawag nilang "tulisan" o "bandoleros" na patuloy ang pakikibakang hangad ay kalayaan sa Amerika. Patuloy din ang paglason sa murang isipan ng mga kabataang magaaral sa tinaguyod ng mga Amerikanong paaralan, aklat at pamamaraang pagtuturo sa buong Pilipinas.

Bakit tatangkilikin ng mga kolonyalsitang Amerikano ang radikal at rebeldeng Bonifacio, samantalang magkatugma ang pinalalaganap nilang "benevolent assimilation" at ang mga sinulat, layunin at ginawa, nang napili nilang "national hero" na si Rizal...

# ...tumalikod at kinondema ang himagsikang binabalak ng Katipunan at nagsabing... "Why independence, if the slaves of today will be the tyrants of tomorrow?"
# ...nagprisintang maglingkod sa Cuba sa ilalim ng bandilang Espana, na maggamot sa sugatan na mga sundalong Kastilang nakikipaglaban sa mga naghihimagsik na mga Cubano para sa kalayaan ng kanilang bayan laban sa Kastila.
# ...habang nakapiit sa Fort Santiago, si Rizal ay sumulat ng manipesto sa pagkondema niya sa himagsikan ng Katipunan at naniniwala na ang taging pagasa ng mga Pilipino ay magaral upang makamit ang kalayaan.
# ...pinabulaanan at pumirma bilang retraksyon sa kaniyang sinulat na dalawang aklat na "Noli," "Fili" at ang mga sinulat niyang laban sa simbahang katoliko...

"Me retracto de todo corazon de cuanto en mis palabras, escritos, inpresos y conducta ha habido contrario a mi cualidad de hijo de la Inglesia Catolica. Creo y profeso cuanto ella enseña y me somento a cuanto ella manda.
Manila 29 de Diciembre de 1896
Jose Rizal"

(salin sa wikang Ingles)...
"I retract with all my heart whatever in my words, writings, publications and conduct has been contrary to my character as son of the Catholic Church. I believe and I confess whatever she teaches and I submit to whatever she demands. I abominate Masonry, as the enemy which is of the Church, and as a Society prohibited by the Church. The Diocesan Prelate may, as the Superior Ecclesiastical Authority, make public this spontaneous manifestation of mine in order to repair the scandal which my acts may have caused and so that God and people may pardon me.
Manila 29 of December of 1896
Jose Rizal"

Maraming hindi na niniwala sa retraksyon na ito ni Rizal. Subalit kung hindi nga niya ginawa ang retraksyon...

# ...papaano siyang ikakasal kay Josephine Bracken?
# ...bakit pinapatunayan ng tatlong nakasaksi sa retraksyon na ginawa ni Rizal; ang dalawang pareng mga Jesuits na sila Padre Balaguer, Padre Viza at Kapitan Rafael Dominguez, ang kapitan na nagtatala sa mga huling oras sa buhay ni Rizal.
# ...ayon sa diaryong "La Voz Española" ..."The “original” document of Rizal’s “retraction” was found in the archdiocesan archives in 1935, 39 years after having disappeared the day Rizal was shot. There was no record of anybody seeing this “original” document in 1896, except the publishers of La Voz Española, which published its contents on the day of Rizal’s execution: “We have seen and read his (Rizal’s) own handwritten retraction which he sent to our dear and venerable Archbishop….” Most experts think that the handwriting on the document is authentic. However, scholars are baffled as to why Rizal, who courageously faced persecution for most of his life and who was finally sentenced to death for his beliefs, would suddenly balk at the last, futile moment." ...marahil ang kasagutan dito ay upang maikasal sila ni Josephine Bracken, na noon ay nagdadalang-tao na.
# ...bakit ang kaniyang tulang "Huling Paalam" o "Adiós, Patria Adorada" ay pinalabas na sa pahayagan sa Hong Kong ni Mariano Ponce sa imbentong pamagat na "Mi Ultimo Pensamiento?" Ang orihinal na tulang ito na sinulat ni Rizal ay walang pirma, walang pamagat at walang araw na tinakdaan, dahilan kaya'y umaasa pa si Rizal na siya ay patatawarin sa kaniyang gagawing retraksyon, pagwawalang sala at siya'y palalayain?

Tunay na kontrobersyal at mahiwaga ang kamatayan ni Rizal, tulad din sa sinapit na kamatayan ng Supremo Bonifacio, ang ating binaluktot na kasaysayan at pati na ang tunay na hihiranging "National Hero" ng ating bayan. Sa darating na Nobyembre 30, 2012 ay ika-149 taon anibersaryong kapanganakan ng Unang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, ang Supremo ng Katipunan, ang Ama ng Himagsikan - Gat Andres Bonifacio. Hahayaan ba nating maglaho at malimutan ang kaniyang kabayanihan, tulad ng kaniyang nawalang labi sa Mt. Buntis? Isigaw natin at tanungin sa sambayanan... "Bakit Pilipinas Lang sa Buong Mundo, Ang Nagsimula ng Himagsikan Hindi National Hero?"


Pangagahasa, dayaan sa halalan, kataksilan, ingitan, asasinasyon, dahas, kasinungaligan, pagtatakip sa krimen, walang katarungan, kasakiman sa kapangyarihan, pagpapangkat-pangkat at pagbenta sa ating kalayaan, ito lahat ang mga krimen at kasalanan na naganap sa ating kasaysayan. Ito'y ating daladala sa ating lahi bilang isang Pilipino, tila isang "original sin" na nangangailangan na tayo ay ipanganak na muli sa bisa ng binyag upang banlawan ang ating kasalanan, upang matagpuan ang nawalang "Pilipino Identity." Magbabagon kayang muli ang di makitang labi ng Supremo Bonifacio o ipangangaganak kaya siyang muli mula sa sinapupunan ng Mt. Buntis sa Maragondon, upang ipagpatuloy ang naputol na himagsikan?


 ...nagpapasalamat ng napakalaki sa mga kasamang nagbigay halaga sa proyektong buhayin ang kadakilaan ng Supremo Bonifacio. Marami pong salamat; C.L. Lee at M.L.-Castillo. Mabuhay kayo!
- ka tony
ika-27 ng Oktubre, 2012

Monday, September 17, 2012

Proclamation No.1081 - Philippines under Martial Law!


















"...my countrymen, as of the twenty-first of this month, I signed Proclamation No. 1081 placing the entire Philippines under Martial Law!" - - ferdinand marcos

# 1972 ...dahil sa paglaganap ng tensyon, sunod-sunod na pagbobomba sa paligid ng Maynila at sa patuloy ng pagdami at balak ng mga komunistang pagagaw sa demokrasyang pamahalaan ng Pilipinas, SEPTYEMBRE 21, 1972, nilagdaan, ginawang batas at deneklara ng diktador marcos ang batas militar sa buong kapuluan ng Pilipinas. Subalit ito'y ipinairal kinabukasan ng SEPTYEMBRE 22, 1972, ang unang ipinasara ng diktador ay ang media at ang mga paliparan ng eroplano upang maiwasan ang paglabas patungo sa ibang bansa ng mga mamamayang Pilipino.

# 1944 ...dahil sa ibinigay na "kalayaan," pagsumpa bilang pangulo ng itinatag na "Second Philippine Republic under Japan," dedeklara na ang bansang Pilipinas ay kaaway ang mga bansang Estados Unidos at Britanya ng pangulong Jose P. Laurel. Kasabay nito ang proklemasyon No. 29 - na nagdedeklara sa buong kapuluan ng Pilipinas sa ilalim ng batas militar ay nilagdaan noong SEPTYEMBRE 21, 1944, tulad araw ng martial law ng diktador marcos. Subalit ito'y ipinairal kinabukasan ng SEPTYEMBRE 22, 1944, ang unang ipinasara ay ang media at pinagbawalan ang mga mamamayang Pilipino na maglakbay at lumabas ng kanilang lunsod, kapareho rin ng araw na pinairal at pinagbawal ng diktador marcos.

# 1972 ...upang bigyan ng magandang imahen ang malupit na batas militar ng diktador marcos, tinakpan at pinabura ang "reign of terror" na martial law at tinawag na "Bagong Lipunan." Ang kasalukuyang pambansang awit ng Pilipinas ay sinusundan ng pangalawang dalit na awit "BAGONG LIPUNAN" o "MULING PAGSILANG" na ito rin ang dalit awit ng "New People's Army" na "TINDIG URING ANAKPAWIS."

# 1944 ...upang ipakita ng "puppet government" ng pangulong Jose P. Laurel na tunay na makabayan, mapagtakpan ang kaharasan, kalupitan at ang pagpatay sa maraming Pilipino ng mga Hapon at ang batas militar na ipinaiiral, pamahalaang puppet ay tinawag na "Second Philippine Republic." Ang kasalukuyang pambansang awit ng Pilipinas ay pinalitan ng "AWIT SA PAGLIKHA NG BAGONG PILIPINAS" o "Tindig Aking Inang Bayan" na ito rin ang dalit awit ng sosyalistang "HUKbong BAyan LAban sa HAPon"

Hindi lamang kinopya ng diktador marcos ang eksaktong araw na pagkakadeklara ng batas militar ni Laurel, pati na rin ang araw na pagiral nito. Nakatutuwang malaman din na ang awit ng diktador marcos na "Bagong Lipunan," ang dalit awit ng NPA na "Tindig Uring Anakpawis," ang dalit awit ng puppet na pamahalaan ni Laurel na "Awit sa Paglikha ng Bagong Pilipinas" at ang dalit awit din ng mga Hukbalahap na "Tindig Aking Inang Bayan" ay magkakapareho at galing sa iisang himig. Ito'y mula sa kompositor ng musikang si Felipe Padilla de Leon (1912-1992), na ipinanganak sa Penaranda, Nueva Ecija noong Mayo 1. Si Felipe de Leon ay isa rin manunulat ng artikulo sa pahayagang Manila Times at Taliba. Ang titik sa awit na "Bagong Lipunan" o "New Society" ay sinulat ng National Artist na si Levi Celerio.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi lamang si marcos at Laurel ang nagdeklara ng batas militar...

# ...ang Kastilang Gobernador Heneral na si Rafael de Izquierdo, nagdeklara ng batas militar noong Abril 1871. Dahil sa lumalaganap na mga tulisan sa probinsya ng Cavite at Pampanga.
# ...ang Kastilang Gobernador Heneral na si Ramon Blanco, nagdeklara ng batas militar noong Augusto 30, 1896. Matapos mabunyag ang lihim na samahang Katipunan at ang pagsalakay ng Supremo Bonifacio at mga Katipunan sa "El Deposito" na ngayo'y Pinaglabanan. Deneklara ang batas militar sa 8 lalawigang nagrebelde sa Kastilang Cortes; Ka-Maynilaan, Bulacan, Cavite, Pampanga, Tarlac, Laguna, Batangas at Nueva Ecija. Tuloy ang mga na sabing walong (8) lalawigan na nangunang naghimagsik, ang naging sagisag na "walong (8) - sinag ng araw" sa ating kasalukuyang bandila.
# ...ang dating pangulong si Gloria Macapagal Arroyo ay nagdeklara ng batas militar noong Disyember 4, 2009, proklemasyon No. 1959. Sa lalawigan ng Maguindanao, dahil sa insidenteng "Ampatuan Massacre."

ka tony
ika-17 ng Septyembre,
2012

Sunday, August 26, 2012

Agosto 27 - "Araw ng mga Bayani"















Ang nagbigay ng tunay na diwa upang ipagdiwang ang Araw ng mga Bayani ay bigyan ng kahalagahan ang naganap na "Battle of Pinaglabanan" ang pagsalakay ng mga Katipunero sa "El Deposito" o "Polvorin" (artillery) sa sityo ng San Juan del Monte, upang agawin ang mga sandata ng mga guardia civil na kung saan dito'y nakalagak. Ang pagsalakay na ito ay isa sa pinakaunang madugong sagupaan ng mga Pilipino laban sa mga kolonyalista. Ang di inaasahang pagkakabunyag ng lihim na samahang Katipunan noong 19 ng Agosto, matapos din na makalusot ang mga Katipunero sa mahigpit na pagbabantay ng mga guardia civil, na ginamit na dahilan ang kapistahan ni San Bartolome de Malabon upang makapagdala ng mga patalim na sandata at makapagpulong sa Balintawak noong 24 ng Agosto, hangang maisagawa ang sinasabing "Unang Sigaw," pagpunit ng sedula na itinakda sa araw ng 26 ng Agosto, ang kainitan ng buwan ng Agosto at diwa ng pakikibaka ay natuloy sa "Battle of Pinaglabanan!"

Ang kakulangan sa sandata ng mga Katipunero at ang napakalapit na kinatatayuan ng El Deposito, San Juan del Monte, sa Maynila (Intramuros), ang naging sanhi sa mabilis na pagdating ng "Jolo" ang hukbo ng mga Pilipinong Casadores sa ilalim ni Heneral Bernardo Echaluce at dali-daling tumulong sa mga guardia civil laban sa nagaganap na himagsikan sa San Juan del Monte. Sa pagkakabunyag ng lihim na samahang Katipunan at ang ginawang pagsalakay na ito sa El Deposito, ang Kastilang Cortes na Gobernador-Heneral Ramon Blanco ay ibinaba ang batas militar sa Ka-Maynilaan at sa mga lalawigan ng Morong, Laguna, Cavite, Batangas, Bulacan, Nueva Ecija at Tarlac. Subalit lalo lang lumaganap ang pakikibaka ng mga mga mamamayan sa nangyaring ito, sa hilaga at timog ng Luzon.

Upang ipakita ang bakal na kamay ng batas militar at makapagbigay ito ng malagim na aral, ang mga nadakip na mga Katipunero sa San Juan del Monte ay piniit, pinahirapan at binitay. Dahilan sa matinding tensyon na nagaganap, ang Gobernador-Heneral Ramon Blanco ay nagbigay pagpapatawad sa mga Katipunero at mamamayang nakikibaka, na kung susuko pati ang pagsusuko ng kanilang sandata sa mga otoridad, sila ay patatawarin at makakalaya. Isa sa mga nagsisuko ay si Dr. Pío Valenzuela na isa sa nagtatag ng Katipunan. Na linlang si Pio Valenzuela ng mga Kastila, siya ay hindi pinatawad, siya'y kinulong at pinatapon sa Madrid, Espana at pagkatapos ay piniit sa timog ng Aprika.


Ang Ka-Maynilaan, kasama ng pitong mga lalawigan; Morong, Laguna, Cavite, Batangas, Bulacan, Nueva Ecija at Tarlac na sinakatuparan ang batas militar ni Gobernador-Heneral Ramon Blanco, ay ginawang sagisag ng walong sinag ng araw sa ating kasalukuyang bandila. Ang mga lalawigang ito ang siyang nagpasimuno ng pakikibaka laban sa mga Kastilang kolonyalista.


Ang sinimulang pamahalaan ng Supremo Bonifacio ay isang makasosyalistang idelohiya na ang layunin ay...

1. Kunin, ibalik at ipaghati-hati ang mga lupa, kayamanan at ari-ariang kinamkam, inagaw, inilit at ninakaw ng mga Prayle at mga dayuhang Kastila sa mga mahihirap at mga magsasakang Pilipino.
2. Kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Kastilang kolonyalista.
3. Ibagsak ang eletistang lipunan na pinasimulan ng mga Kastila at itaguyod ang pantay-pantay na lipunan.

...subalit ang nakalulungkot sa orihinal na makamasang pamahalaan, diwa at idelohiyang tinaguyod ng Supremo Bonifacio ay naiba ang pagkakaunawa at pagsasagawa ng nakaraan at kasalukuyan nating pamahalaan. Ang diwa at idelohiya ng Supremo ay patuloy pa rin na ipinaglalaban lalo na sa pook ng "pinaglabanan." Ang masakit pang nangyari ay ang kasalukuyang kalaban ay hindi mga kolonyalista, subalit ang mga kapuwa na kabalat, bagong ilustradong tuta ng kolonyalista na nagpatuloy sa diwa ng mga taksil na ilustrado/sajonistang na pumaslang sa Supremo, umagaw sa himagsikan at pamahalaan na itinaguyod ng Katipunan.


-- ka tony

ika-26 ng Agosto, 2012
many thanks to Mr Glenn Martinez (Traveler on Foot) for the photo.

Wednesday, August 22, 2012

Si San Bartolome at ang Unang Sigaw!











Si San Bartolome ay isa sa labingdalawang apostoles ni Hesus Cristo, na nagtungo sa India at Armenia upang ikalat ang ebanghelyo. Matagumpay na naakit na maging Kristiyano ni San Bartolome ang Haring Polymius ng Armenia, na ito naman ay ikinagalit ng kapatid nitong si Astyages. Tuloy si San Bartolome ay ipinahuli, ipiniit, pinahirapan, binalatan at pagkatapos ay pinugutan ng ulo. Sa kisame ng Sistine Chapel sa Roma, na kung saan makikita ang obra ni Michelangelo, mapapansin ang larawan ni San Bartolome sa "Last Judgement" na bitbit ang kaniyang balat at may hawak na itak o bolo. Dahil sa kamartiran na ganap kay San Bartolome, siya ay ginawang patron santo ng mga bolo, itak, tabak, gulok, balaraw, punyal at balisong. Kadalasan makikita ang imahen ni San Bartolome na may hawak na bolo, nakapulang damit at sa kaniyang paanan ay nakaapak sa demonyo.

Ang lumang pangalan ng munisipyo ng Malabon noon ay "Tambobong" ito'y pinalitan at tinawag na Malabon, sapagkat ang malawak na sinasakop na lupain nito ay makawayan, kaya't dito ay maraming umuusbong na mga batang kawayan - "ma-labong." Ganoon din ang ibig sabihin ng dati nitong pangalang "Tambobong" na nagmula sa "bumbong" ng kawayan. Naganap ang isang mahalagang kasunduan ng mga panggunahing tao sa sityo ng Malabon; Nicolas Acerda Manapat (tagapagmana ni Agustin Sigua na nagmamayari ng lupang tinitirikan ng simbahan sa Malabon), ang Kastilang Capitan Heneral at ang Arsobispo, pinagkasunduan na pagnatapos ang itinatayong simbahang paroko ng Malabon at ang magiging patron santo nito ay kinakailangang ka-pangalan ng "compadre" ni Nicolas Acerda Manapat na si Bartolome Mangay Mansano.

Naging patron santo ng Malabon si San Bartolome, na may hawak na bolo at naka-pulang "balintawak" na kasuotan. Ang tinakdang araw ng kapistahan ng simbahan at patron santo ay ika-24 ng Agosto, upang gunitain ang araw na ito sa pagkakatatag ng unang kura paroko ng katatayong simbahan, si Padre Luis Gonzales - taong 1614. Tuwing darating ang tinakdang araw ng kapistahan at pagnonobena kay San Bartolome, napakaraming nakahilerang nagtitinda ng mga sari-saring patalim sa sityo ng Malabon. Karamihan ng nagnonobena at bumibisita sa araw ng piesta ni San Bartolome ay kinaugaliang magsuot ng "balintawak" - puting kamisa-chino, pulang pantalon, pulang panyo na nakalagay sa leeg at may dalang itak o bolo. Ang mga patalim o bolo ng mga bumibisita at nagnonobena ay binibindisyonan ng kura paroko, tuloy ang nabendisyonan na mga bolo o tabak ay tinawag na "sangbartolome."

Ang lihim na samahang Katipunan ng Supremo Andres Bonifacio ay nabunyag noong ika-19 ng Agosto,1896, sa kumpisalan ni Parde Mariano Gil, sa parokya ng simbahang Tondo. Nang mabatid ito ng kura paroco, dali-dali si Padre Gil na nagtungo sa Kastilang Cortes upang ito'y isumbong sa Gobernador Heneral. Pinagutos na maghigpit ang mga guardia civil at isa-isang sinisita at sinisiyasat ang mga taong naglalakbay sa kamaynilaan at karatig-pook. Dahil sa maagang pagkakabunyag sa lihim na kilusang Katipunan, ang Supremo'y nagtawag ng isang malaking pagpupulong upang pagusapan kung ano ang nararapat na kanilang gawin.

Napagisipan ng Supremo na gawin ang malaking pagpupulong ng mga Katipunero sa mga araw na paghahanda para sa piyesta ni San Bartolome, ika-24 ng kasalukuyang buwan ng Agosto sa Balintawak. Isa sa maraming alamat na pinanggalingan ng pangalang "Balintawak" ay "baling tabak." Ang tila baling landas ng Balintawak ay daanan ang mga bumibisita at nagnonobena patungo sa piyesta ni San Bartolome ng Malabon. Ang salitang "baling" o "bali" ay ang hugis ng kalahating-buwan na dito inihugis ang talim ng mga "tabak" kaya naging "Balintawak." Sinamantala ang bispiras ng kapistahang gaganaping ito ng Supremo at mga Katipunero upang mayroon silang katuwiran na makapagdala ng kanilang mga bolo, tabak, punyal at balisong, na hindi sisitahin at uusisain ng mga guardia civil sa inaakalang upang ipabasbas sa simbahan ni San Bartolome sa Malabon. Tuloy ang mga Katipunero ay nakasuot din ng pulang "balintawak" nakapulang pantalon, puting pangitaas, pulang panyo na nasa leeg at may dalang bolo, bilang parangal sa patron santo.

Mula sa Balintawak, ang Supremo kasama ang mga Katipunero ay nagtungo sa Pugad Lawin, pagkatapos ay nagbalik sa Balintawak na kung saan lantad sa madla at maaaring doon ginanap ang "Unang Sigaw" subalit kung saan tunay na ginanap at kailan ang ito nangyari, ang kasagutan ay hangang sa ngayon ay isang kontrobersyal na hiwaga sa ating kasaysayan. Ang "Cry of Balintawak" na pinagdiriwang na nangyari noong Agosto 26, 1896, ay ayon sa talaan ng mga Kastila na nagkaroon ito ng pakikipagdigmaan sa mga Katipunero sa Pasong Tamo, Balintawak, matapos isagawa ang "pagsigaw" sa bahay ni Tandang Sora.

Ayon naman sa isang tenyente ng guardia civil na si Olegario Diaz, ito ay naganap noong Agosto 25, 1896, sa Balitawak.
Ang isa namanng bersyon ng "Unang Sigaw" ay sa bakurang bahay ng anak ni Tandang Sora na si Juan A. Ramos noong Agosto 23, 1896, malapit sa Pugad Lawin, na kung saan din sinira ng mga Katipunero ang kanilang cedula at sumigaw ng "Mabuhay ang Pilipinas!" Si Santiago Alvarez naman ay nasabing ito ay naganap sa "Bahay Toro" (na ngayon ay Project 8, Quezon City), noong Agosto 24, 1896, subalit paano niya itong mapapatunayan, siya ay hindi kasama ng Supremo at siya ay nasa Cavite. Ayon naman kay Pio Valenzuela, ito'y nangyari noong Agosto 23, 1896, sa Pugad Lawin.

Napakadaming bersyon, araw at kung saan naganap; Balintawak, Pasong Tamo, Pugad Lawin, Caloocan, Kangkong, Bahay Toro at Banlat. Maaari kayang hindi lang isang beses nangyari ang "pagsigaw?" Maaari kayang tuwing mapupulong ang mga Katipunero sa mga na sabing lugar na ito at makapagakit sila ng mga bagong kasapi, ang "pagsigaw" ay muling nilang gagawin? Mahiwaga ang "Unang Sigaw" o "Grito de Balintawak" na hangang sa ngayo'y pinagtatalunan at kung ilan nga bang beses pinunit ng mga Katipunero ang kanilang sedula at sumigaw? Maaari kaya na ito'y ibinase na naganap sa Mexico ang kanilang "1810 Grito de Dolores?"

Bukod sa tamang araw at tamang lugar, ano nga ba talaga ang kanilang isinigaw? May nagsasabi na "Mabuhay ang Pilipinas!" mayroon naman "Mabuhay ang Katipunan" at ang iba naman ay "Mabuhay ang Republica ng Filipinas!" Alin sa mga ito ang totoo?
Pati na ang kalayaang hindi pa nakakamit ng ating bayan ay pinagtatalunan kung kailan ito naganap. Marami'y nagsasabi ang naganap na "kalayaan" ay ng nagtungo ang Supremo at mga kasama sa "Pamitinan Cave" sa sitio ng Wawa, Montalban, sa sinasabing yungib ni Bernardo Carpio na doon ay isinulat ng Supremo ang "Viva La Independencia de Filipinas!" Subalit, hindi ba't ito'y sumasalungat sa prinsipyo ng Supremo at ni Gat Emilio Jacinto na tawagin ang ating bayan na "PILIPINAS" na ipinangalan sa atin ng ating koloyalista? Hindi ba't kaya ang tawag nila sa ating bansa ay "HARING BAYANG KATAGALUGAN" ("Sovereign Nation of Katagalugan") at ang Supremo ay ang - "Pangulo ng Haring Bayan ng Katagalugan?" Tunay na marami pa tayong dapat na suriin at walang humpay na saliksikin ang katotohanan sa ating kasaysayan. Ganoon pa man'y maraming salamat sa patron santo ng Malabon - San Bartolome, nang dahil sa kaniya'y na bigyan ng pagkakataon ang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na magtipun, sumigaw, punitin ang kanilang sedula at simulan ang armadong himagsikan!

- - ka tony
ika-22 ng Agosto, 2012

Monday, July 9, 2012

Happy "Filipino-American Friendship Day... daw"











Ang unang "Araw ng mga Manggagawa" o Labor Day ay naganap noong ika-1 ng Mayo, 1903. Ang mga manggawang kasapi ng Union Obrero Democratica de Filipinas at magsasaka ay nagsipagaklas, nagtipon sa Plaza Moriones, Tundo at nagmartsa, patungo sa Malacanan na kung saan nandoroon ang American Governor-General William Howard Taft. Ang ginawang pagaaklas ay ang paghiling upang maipabuti ang mga kalagayan sa mga pagawaan at ang kalayaan ng Pilipinas sa kolonyalistang Amerikano. Tila bandila ang mga larawan ng Supremo Andres Bonifacio na taglay ng mga nagsisipagaklas at kung ihahambing sa ngayo'y mga demonstrasyon ay larawan ni Che Guevara.

Ang ginawang pagaklas ay nauwi sa "riot," tuloy ito'y pinaratangan na sidisyon at ginawang labag sa batas. Ang larawan ng Supremo na naging sagisag ng himaksikan ay lalong nagpababa sa imahen ng Supremo bilang pangunahing pambansang bayani ng Pilipinas sa mata ng mga kolonyalista. Ang mabilis na pangyayari ito'y simula nang pagkakatatag sa Partido Komunista ng Pilipinas.


Nang sakupin ng mga Hapones ang Maynila, si Gen. Douglas MacArthur, Manuel Quezon at kasama ang kanilang mga pamilya ay tumakas patungong Australia, sa takot ng mga itong mabihag ng mga Hapones. Iniwan bigla ni MacArthur ang kaniyang responsabilidad at kapanyarihan sa dating Brigadier General na si Jonathan M. Weinwright, kasabay na itinaas ang katungkulan nito pansamantala upang maging Allied Supreme Commander bilang "scape goat" sa kasiguraduhang pagsuko at pagkabihag ng mga opisyal at pwersang Amerikano sa mga Hapon.


Ano at ito nga ay nangyari; naging "Open City" ang Maynila, isinuko ang Bataan, Corregidor at ang kolonyang Pilipinas, nabihag si General (temporary, until the return of MacArthur) Jonathan Weinwright, kasama ng kaniyang mga opisyal, at USAFFE (United States Armed Forces in the Far East). Sa pagsukong ginawa ng Amerika at ang pagkatalo ng sandatahang lakas ng Amerika sa Pilipinas, ang nagpatuloy ng digmaan at lumaban ng puspusan sa mga Hapon ay ang sosyalistang HUKBALAHAP (HUKbong BAyan LAban sa HAPon), sa pamumuno ni Ka Luis "Alipato" Taruc (Supremo), Castro Alejandrino, Bernardo Poblete at Felepa Culala aka "Dayang-Dayang" at ilang makabayan na mga Pilipino. Inilunsad nila ang matagumpay na "guerrilla warfare" lalong-lalo na sa Gitnang Luzon. Walang tulong na nakuha ang mga HUKBALAHAP sa mga Amerikanong na lahat halos ay nakabihag at ang iba namang nakatakas ay kasama-sama nila sa pagpulot ng mga sandata upang magamit at pakikipagdiman sa mga Hapon.


Nagwawagi na ang HUKBALAHAP nila Ka Luis Taruc, laban sa mga Hapones nang bigla na lamang dumating ang mga Amerikano sa Leyte sa panguguna ni MacArthur at tumuloy ito ng Maynila. Ang maayos at napakagandang Maynila na tinawag na "The Pearl of the Orient" ay nabilang na pangalawang lunsod sumunod sa Warsaw, na lubhang napinsala at pinaka-na-durog sa katatapos na digmaang mundial. Ang pagkakadurog ng Maynila ay dahilan sa walang humpay na pagbobomba, pagkakanyon, pagsusunog na mula sa mga flame thrower, pagsasagasa mula sa mga naglalakihang tangke sa bawat madaanang pader na humahalang dito, mga mortal at granada ng mga Amerikano laban sa mga nagsisitakas at sumusukong mga Hapones sa kamaynilaan.


Ang pormal na pagsuko ng Hapon noong Septiyembre 2, 1945, ay naging katapusan ng pangalawang digmaang mundial sa Pasipiko. Noong Hulyo 4, 1946, mayroon pa lamang 10 buwan ang nakakaraan ay "hinandog" ni Tiyo Samuel sa Pilipinas na kaniyang kolonya, ang ating "kalayaan." Sa pagkakabigay na kalayaang ito sa Pilipinas, ay solong binalikat ang gastusing pagsasaayos sa mga napinsalang mga pambansa at pribadong gusali, paaralan, simbahan, ospital, parke, plaza, lansangan, museo at aklatan na naglalaman ng mga makasaysayang mga bagay at aklat.


Sa ginagawang puspusang pagtulong at pagpapaayos ni Tiyo Samuel sa kaniyang dating kaaway na bansang Hapon, napilitang hilingin at ipaalala ang pangako ni Presidente Roosevelt... "babayaran ng Amerika hanggang sa kahuli-hulihang baboy na mapipinsala ang bawat Pilipino, na kanilang iniwan na lang bigla at magisang lumaban sa Hapones," sa bayang Pilipinas na dati nitong kolonya. Nararapat lang na magbigay ang bansang Amerika nang pangakong "war reparation" sapagkat marahil kung hindi nagtataglay ng base militar ang Pilipinas ng kaniyang kolonyalista, maaring hindi tayo sinakop ng mga Hapon na matagal na nating kaalyado noong panahon pa ng mga Kastila. Ang mga sinakop na mga bansa at lugar ng mga Hapon ay ang mga kolonya, teritoryo ng bansang Amerika at ang mga kaalyado niyang mga bansang Britaniya, Pransiya at Holandiya.


Ang pagmamakaawang paghiling ng "war reparation" sa Amerika na umabot nang halos 20 taon, hangang 1965 sa huling taon ng kapangulohan ni Macapagal. Ang dating pangulo sa tila paglilimos na ginagawa sa Amerika, na inis at tuloy binago ang ating pagdiriwang ng araw ng kalayaan sa kinaugaliang Hunyo 4 na "hinandog" ni Tiyo Samuel, sa Hunyo 12 na deneklarang kalayaan ni Aquinaldo noong 1898. Noong Mayo 1956, ang Pilipinas ay tinangap ang halagang 550 milyong dolyares mula sa bansang Hapon bilang "war reparation" na babayaran sa loob ng 20 taon. Subalit ang "war reparation" na hinihingi kay Tiyo Samuel ay binaon sa limot mula noong kapanahunan pa ng diktador marcos.


Bakit tila lagi na lamang paulit-ulit ang "The End" ng mala-penikulang Hollywood ang pagdating ng "bida" sa pagsagip sa bayan? Magisang nilabanan ng mga Hukbalahap at mga magigiting na mga taong bayan ang mga Hapon, nagwawagi na, bakit biglang dumating na naman ang "bida?" Sumusuko at tumatakas na ang mga Hapones, ano at bakit pa pinagbobomba!???

...at pagkatapos ay inangkin at inagaw na muli ang ating tagumpay, sa Intramuros din na lugar - na kung saan, 9:35 ng umaga, Agosto 13, 1898 nangyari ang - "Mock Battle of Manila" dito rin nila inagaw ang tagumpay ng himagsikang Pilipino!!!

Tunay na kahabag-habag ang paulit-ulit at malupit na kasaysayan ng ating bayan, paulit-ulit na pagdaraya, pagaagaw nang tagumpay. Kasaysayan na hindi pinagaaralan, hindi binibigyan ng saysay!
- - ka tony
the 4th of July, 2012 

Monday, May 28, 2012

Mysteries Behind The Philippine Flag

"Hinanakit sa Pagbalik"

Bakit, Pilipino, puso mo'y malaki

tila basang papel, kaytagal magsindi,
ngunit pag nag-alab ay kugon sa liksi
kung matupok yaong poot mong matindi?

Kapag may nanguna sa paghihimagsik,

ikaw ay uupo muna't magmamasid,
kung sino'ng manalo, doon ka sisiksik
at magmamalaking ikaw ay tumindig.

Pagkat ang ibig mo'y ikaw ang mamuno,

yaong nangunguna'y pilit igugupo,
agad hihiwalay kapag nasiphayo - -
bakit mithing laya'y 'di maisapuso?

Kasaysayan natin ay paulit-ulit:

kung may Lapulapu'y may Zulang pumanig
sa dayong Kastila; kay Sulaymang tagis
ay may Lakandulang kalis ng pagtalik.

Kahinaan natin ang magwatak-watak:

kilusan ng masang Tundo ang naglunsad
windang sa Cavite at nagpangkat-pangkat - -
halos amba pa lang, himagsika'y wasak!

Bakit tayu-tayo itong naglalaban,

bakit 'di maglaho iyong kasibaan,
bakit 'di mawala ang pag-uulutan,
ang onor ng iba bakit inaagaw?

- - mula sa isang chapter sa tulang epiko ni Tony Donato - "VIVORA"


From our school's history text books to the history books of today, which our "Big brother America" wrote for us, said that the "Philippine flag was skillfully sewed by wife of the first Filipino diplomat Felipe Agoncillo - Marcela Marino de Agoncillo, with the help of her daughter Lorenza and Delfina Herbosa de Natividad, niece of Jose P. Rizal, at 535 Morrison Hill, Hong Kong. What was later to be known as "The Sun and the Stars" and was completed within five days and handed over to Emilio Aguinaldo before he returned to the Philippines. The flag was unfurled for the first time on the window of Emilio Aguinaldo's home in Kawit, Cavite on June 12, 1898 in proclamation of independence from Spain. The flag was based on the design of Emilio Aquinaldo during his exile in Hong Kong in 1897, though to some it was Feliciano Jocson a treasurer of the Katipunan under Andres Bonifacio, was the real designer of our present flag. Jocson who also fought in the revolutionary war of 1896 and after the murder of the Supremo Andres Bonifacio, together with Emilio Jacinto revived the Katipunan on February 8, 1898. According to Gen. Artemio "Vivora" Ricarte, Jocson saw a Cuban flag while reading a newspaper and with this he designed a flag which became the basis for the flag we are using today. Ricarte added that Aquinaldo can not claim in designing the flag, because even before he returned to the Philippines from his self exile in 1898, it was already being used by Gregorio del Pilar's men, "Tropa ng Pasong Balite" who were left behind by Gen. del Pilar and was with Aquinaldo in Hong Kong. The same flag was displayed in Battle of Alapan, in Imus Cavite, on May 28, 1898 -- known today as the Philippine Flag Day.


The original design of the flag adopted a mythical sun with a face, a symbol common to several former Spanish colonies like Cuba & Puerto Rico. The similarity of the Philippine flag with these two countries' flag were obviously seen at the Treaty of Paris of 1898, where Spanish commissioners argued that Manila (Intramuros), the only remaining city which Filipino revolutionaries have not yet claimed because of the requested of their American ally, Spanish-Manila not had surrendered after the ceasefire and that the Philippines could not be demanded as a war conquest, but they eventually yielded. The treaty specified that Spain would cede her remaining island colonies; Cuba, Puerto Rico and the Philippines with Guam to the United States for 20 million dollars. Based on anecdotal evidence and the few surviving flags from the era, historians argue that the colors of the original Philippine flag were the same blue and red as found on the flag of Cuban and Puerto Rico. From one of the founders of "La Solidaridad" Mariano Ponce, remembered about the original "colors" that the blue is "azul oscuro (dark blue)" between "azul marino (navy blue)" and "azul cielo (sky blue)."


The three stars on the Philippine flag symbolize Luzon, Visayas and Mindanao. The 8 rays represent the 8 provinces that took part in the revolution against Spain; Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Laguna and Batangas. But the symbolism given by Ambrosio Rianzares Bautista who wrote the Philippine Declaration of Independence on June 12, 1898 Proclamation of Philippine Independence, differs from the current official explanation. Bautista explained and read on the occasion of its proclamation on June 12, 1898, has listed the eight provinces as Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna and Batangas. The proclamation also declares that the sun represents the gigantic steps made by the sons of the country along the path of Progress and Civilization and lists "Bataan" instead of Tarlac among the eight provinces were declared in a state of war almost from the start of the revolution, symbolized by the sun's rays. It was also mentioned that one of the three, five-pointed stars, represents the island of Panay, rather than the entire Visayan islands, which now stand for the three major geographical island groups that comprise the Philippines: Luzon, Visayas and Mindanao. He continued, that the white triangle of Masonry signifies the emblem of the Katipunan, the secret society that opposed Spanish rule and the flag's colors commemorate the flag of the United States as a manifestation of gratitude for American protection against the Spanish during the Philippine Revolution.


So where is the sun's ray for the Visayans who also raised their arms against Spain? The Visayans like; the Magbanuas, Papa Faustino, The Pulajanes, Dagohoy, Papa Rios, were they forgotten by Aquinaldo? Mindanao was also excluded, is it because the Spaniards only went as far as Zamboanga and had a tough time fighting our Muslim brothers? They have to built Port de Pilar to protect themselves from the fierce Muslims who refused their presences. The Spaniards failed in Mindanao, so as the Americans and the Japanese armed forces during WW II. Gen. Arthur MacArthur's caliber 38 can't stop the "invisible Moros" already been hit by the bullet, still can attack, slash, kill them with their bolos. Gen. MacArthur have to request US armory to design and produced a more powerful caliber 45, was called "kalibreng pang Moro." So if Mindanao was not colonized by any imperialist country, why was Mindanao part of the whole purchase of $20 million at the Treaty of Paris? The Americans knew it, decided to keep quiet and acted like it was part of the purchase. Because of the Philippine was bought at the Treaty of Paris by America, our fight for freedom & resistance against their colonization was branded as an "insurrection" and not a revolution.


The NHC scratched "Bataan" out of the original eight provinces that took part in the initial revolution against the Spain and replaced by "Tarlac." Pampanga borders Tarlac and its confusing how Aquinaldo or Jocson who claimed they designed the flag missed this problem. How can they forget the honest and gallant Gen. Francisco Makabulos and Gen. Servillano Aquino the grand father of Ninoy Aquino who are both from Tarlac? Aguinaldo made his last stand in Tarlac before he fled to the mountainous North where he was eventually captured by the Americans. It was in Tarlac where the Republic fell as the Philippine-American War deteriorated into scattered guerrilla operations. These are not the only questions that needs explanation but also, why did Aquinaldo replaced Bonifacio's Katipunan flag? Is it to establish the new Ilustrado revolutionary government to replace the Katipunan revolutionary government of the masses at the controversial Tejeros convention? Why did Aquinaldo needed an election, change of government and a new flag, when the revolution is still going on and independence is not yet achieve? It is the same problem which the Philippines is going through from Aquinaldo's mafia like government to the present! We lost a lot of good Filipinos who could have made our country great again, as great as when the Philippines was one of the centers of trade during the great maritime empire of SRI VIJAYA before that lamed navigator Magellan claimed he "discovered" the Philippines.


ka tony

the 28th of May, 2011 (revised 28 of May, 2012)







Wednesday, March 21, 2012

Ang Kombensyon sa Tejeros, ika 22 ng Marso, 1897












... ang KATIPUNAN ay nagsanga ng dalawang grupo sa Cavite; ang Magdiwang at Magdalo, ang dalawang ito'y hindi magkasundo. Ang pinuno ng Magdiwang na si Hen. Mariano Alvarez (ama ni Hen. Santiago Alvarez), ay tiyo ni Gregoria de Jesus. Sa hindi pagkakasundong nangyayari, inimbita ni Hen. Mariano Alvarez ang Supremo Andres Bonifacio sa Cavite upang ayusin at pagkasunduin ang sigalot ng dalawa grupong ito. Nang mabatid ito ni Emilio Aquinaldo na pinuno ng Magdalo, pinagkalat sa kaniyang mga kapangkat na ang Supremo ang "pinuno ng Magdiwang at si Hen. Alvarez ay ang kaniyang kanang-kamay. Pinaniwalaan naman agad ito, sapagkat ang Supremo at si Alvarez ay magkamaganak sa kasal. Dagdag pa sa paninira ni Aquinaldo, na pinalalabas ng Pangulong-Supremo na siya ay "Hari ng Bayan" at hindi ang nagsasaad sa mga papeles ng Katipunan na "Pangulo ng Haring Bayan" ("President of the Sovereign Nation"). Tuloy umiral ang galit ng mga Magdalo sa Supremo, na siya'y isa rin sa kung kanilang tawagin ay "ALSA BALUTAN" na ang ibig sabihin, mga Katipunerong taga ka-maynilaan na walang pinalunang digmaan at upang iligtas ang kanilang sarili, ang mga ito'y nagtungo na bitbit ang kanilang "balutan" sa Cavite upang mapabilang sa kanilang pagtatagumpay sa mga digmaan.

Noong Disyembre ng 1896 ang unang asemblya ng Magdiwang at Magdalo na ginawa sa Imus, Cavite. Ika-22 ng Marso, 1897 ang panggalawang pagpupulong ay isinagawa sa Casa Hacienda sa Tejeros, isang barrio ng San Francisco de Malabaon, Cavite, teritoryo ng Magdiwang, para sa pagkakasundo at pagkakaisa ng Magdiwang at Magdalo. Dito minungkahi ni Severino de las Alas na kalimutan na ang lihim na kapatirang Katipunan at magtatag ng pambansang pamahalaang himagsikan. Si Jacinto Lumbreras naman ay sumagot at tumutol na hindi na ito kinakailangan, sapagkat wala namang pagkakaiba sa Katipunan na may pangulo at pamahalaan nang naitaguyod. Ito naman ay pinatugunan ng Supremo Bonifacio at nagpasimulang pinaliwanag ang sinasagisag ng bandilang Katipunan. Halos hindi pa natatapos ang pagpapaliwanag ng Supremo'y sumabat ng wala man lamang paumanhin si Severino de las Alas at nagsabing... "Walang kinalaman sa usapang ito ang bandila. Ang pinaguusapan dito'y bagong pamahalaan!" Sabay na kaniya rin tinanong... "Anong uri ba ng pamahalaan mayroon tayo kasalukuyan, ito ba'y Republika o isang Monarkyal, na pinangugunahan ng isang hari?" sabay sa katanungang ito'y sumulyap ito sa Supremo.

Si Antonio Montenegro ay nagsabi naman na kahit anong tawag sa pamahalaan na mapagkakasunduan, ang mahalaga rito'y pagkakaisa ng himagsikan. Nagpatuloy si Montenegro... "sana ay kahit na Insurectos ang itawag o 'di kaya'y ang masaklap na Tulisanes!" Napatayo sa galit si Hen. Santiago Alvarez at sumigaw na... "Tayong rebolusyonaryong taga Cavite, lalong-lalo na ang grupong Magdiwang ay kinikilala at sumusunod sa pinasimulan ng Katipunan. Kung nais ninyo namang magtatag ng bagong pamahalaan na nararapat para sa inyo'y mangagsiuwi na lang kayo sa iyong probinsya at bawiin sa mga Kastila ang kanilang inagaw na mga teritoryo, tulad ng ating ginawa dito. Doon'y makapagtatatag kayo nang nais na pamahalaan at wala sa inyong makikialam. Kaming mga Cavitenos ay hindi nangangagailangan ng nangangaral sa amin!" Pagkatapos sabihin ito ni Alvarez, ang kaniya namang mga tauhan ay naghanda at hinawakan na ang kanilang mga baril at mga gulok. Sa pangyayari ito, tuloy si Lumbreras ay humiling ng isang oras na pagpapahinga sa nangyayaring mainitang pagpapalitan ng masakit na salita at ang paksa ay ipagpapatuloy ng Supremo matapos makapagpahinga ang lahat, ayon kay Lumbreras.

Ang sinadya doon na pagawat at pagkakasunduing sigalot ng Magdiwang at Magdalo ng Supremo ay nauwi sa walang balak at pinagusapang halalan. Ang pagtatalong kung anong uri ng pamahalaan ang ipapalit sa Katipunan, ang usapan ay nalipat sa pinagpipilitang halalan ni Severino de las Alas at pinasimulan ito agad sa ganap na alas 2:00 ng hapon, Bagamat laban sa kaniyang kalooban ang halalan ng magiging mga pinuno, ang Supremo'y sumangayon na rin at nagwika... "Atin pagkasunduan na tayo ay susunod sa kagustuhan at ihahalal ng nakakarami, ano man ang katayuan sa lipunan ng isang kandidato," sa sinabing ito ni-isa ay walang tumutol.

Ang nahalal na maging "El Presidente" ay ang "absentia" na pinuno ng Magdalo, Emilio Aquinaldo na habang naghahalalan sa Tejeros ito ay kasalukuyan nakikipagdigmaan sa Pasong Santol sa araw din ng kaniyang ika-28 taong gulang na kapanganakan. Si Severino de las Alas naman ay muling nagmunkahi na, huwag ng magbotohan pa para sa Pangalawang Pangulo, gawin na lang ang Supremo sapagkat ito'y nakatangap ng pangalawang pinakamaraming balota sa katatapos na halalan para sa pagkapangulo. Ang mga taong nasa halalaan ay nagwalang kibo at wala man lang sumangayon, kaya't pinagpatuloy ang halalan para sa pagkapangalawang pangulo. Hindi sukat akalain na si Mariano Trias pa ang nahalal bilang pangalawang pangulo, na nakatangap lamang ito ng pangatlong pinakamaraming boto kaysa sa Supremo at Aquinaldo sa nakaraang halalan bilang pagkapangulo.

Kasalukuyang nagdidilim na ang gabi, kaya't ang hiniling naman ni Baldomero Aquinaldo ay itigil na ang pagsulat at pagkokolekta ng mga balota. Pinagkasunduan na paghahatiang tumindig na lamang sa magkatapat na bahagi ng bulwagan ang boboto sa kanilang nais na mahalal na kandidato, upang ito'y maging mabilis. Nagpatuloy ang halalan sa hihiranging Kapitan-Heneral ng Hukbong Sandatahan, dito ang Supremo ay hindi nabangit ang pangalan. Bilang pagka-Direktor ng Digmaan, ang Supremo ay hindi pa rin napabilang, hangang sa pagka-Direktor ng Pangloob, dito ay saka palamang nahalal ang Supremo Bonifacio, kaysa kina; Mariano at Pascual Alvarez. Subalit si Daniel Tirona ay nagprotesta sa pagkakahalal sa Supremo, ito'y nagtungo sa gitna ng bulwagan at nagwika... "Mga kapatid ang tungkuling Director del Interior ay totoong malaki at maselan at hindi maaaring hawakan ng hindi abogado. Mayroon dito sa atin bayan isang abogado siya'y si Jose del Rosario, kaya't ating tutulan ang katatapos lang na nahalal na walang anumang katibayan ng pinag-aralan!" Sabay sumigaw si Tirona ng... "Ihalal natin ang abogadong si Jose del Rosario!!!"

Sa ginawang paghamak sa Supremo ni Daniel Tirona, ang Supremo ay tumayo, nagbunot ng pistola at babarilin ang nagtatakbong duwag na si Tirona. Mabuti't napigilan ni Hen. Artemio Ricarte ang pagbaril ng nangigigil sa galit na Supremo, habang si Tirona ay tumakbong mabilis at parang bulang nawala't nagkubli sa likod ng nakakaraming mga tao. Ang mga tao naman ay tila nawalan na ng gana sa nakitang pangyayari at ang karamihan ay nagsialisan na. Ang Supremo tinapos ang pagtitipon at ginamit ang kaniyang kapangyarihan, na ang halalan naganap at ang mga pinunong nahalal rin ay pinawalang bisa, dahil sa kaguluhan at dayaang nangyari. Pagkasabi nito ng Supremo, kaniyang nilisan ang bulwagan at sumunood naman sa kaniya ang mga tapat niyang Katipunero.

Ayon kay Hen. Artemio Ricarte at Hen. Santiago Alvarez, bago magkaroon ng walang planong halalan sa Tejeros, si Daniel Tirona ay nagkakalat na nang mga balita laban sa Supremo Bonifacio. Na ang Supremo ay isang Mason, na hindi naniniwala sa Diyos, walang relihyon at galit sa cruz. Ang Supremo daw ay isang espiya ng mga Aleman at bukod doon'y mayroong kapatid na babae na "querrida" ng pare sa Tondo. Ang Supremo raw ay ginagamit at ninanakaw ang pondong pera ng Katipunan. Ayon pa rin sa mga "memoirs" nila Hen. Artemio Ricarte at Hen. Santiago Alvarez, nang ipasa na ang mga balota ni Daniel Tirona sa mga depotado, ang mga balotang iyon ay mayroon ng mga nakasulat na pangalan ng kandidato. Isang ginoo na nagmamalasakit, Diego Mojica ay binalaan na ang Supremo sa dayaan na mangyayari, subalit hindi ito binigyan ng pagpapahalaga.

Bago maghalalan sa Tejeros, ang Supremo ay nagsabi na... "Atin pagkasunduan na tayo ay susunod sa kagustuhan at ihahalal ng nakakarami, ano man ang katayuan sa lipunan ng isang kandidato" subalit ito ay sinuway ni Daniel Tirona nang mahalal at manalo ang dating Supremo. Hindi ba't tama lang ang pagwawalang bisa ng Supremo ang halalang naganap kung ito'y tunay na hindi malinis, hindi patas, nagdayaan at mayroong pinapanigang kamaganak at kababayan? Laban sa loob ni Emilio Jacinto ang pagpunta ng Supremo sa Cavite at ang pinangagamba niya para sa kaniya ay nagkatotoo. Ang buong akala ng Supremo, ang samahang Magdiwang ay tapat sa kaniya at siya ay ipagtatangol. Hindi man lamang pinaglaban ang katayuan ng Supremo bilang nagtaguyod ng himagsikan at ng pamahalaang Katipunan, ang kaniyang pagkapinuno at sa nangyaring halalan ay iilan lamang ang bomoto sa kaniya mula sa grupong Magdiwang. Saan naroon ang napakadaming Magdiwang ng gawin ng Supremo ang "Acta de Tejeros," kasulatan na nagpapawalang bisa sa nangyaring dayaan at kaguluhan sa halalan, tuloy marami ang hindi nakapaglagda ng kanilang pirmadong pagpoprotesta. Nang hulihin ang Supremo, ang kapatid niyang si Procopio at dito rin pinatay ang kapatid nilang si Ciriaco, nasaan ang mga Magdiwang? Maging sa paglilitis na sidisyon laban sa Supremo, Procopio at Gregoria de Jesus, wala man lamang na tumistigo para sa kanila, samantalang ang tiyo ni Aling Oriang ay pinuno ng Magdiwang na si Hen. Mariano Alvarez. Wala man lamang nagtangkang pawalan sa pagkakapiit ang Supremo at Procopio at lalo naman walang nagtangkang Magdiwang na sagipin sa kamatayan doon sa bundok ng Maragondon sa magkapatid na Supremo at Procopio.

Ang mga nagwagi sa nahintong halalan, na di malaman kung paano at kung kailan ipinagpatuloy ay...
El Presidente - Emilio Aquinaldo
Vice Presidente - Mariano Trias
Capitan-General - Artemio Ricarte
Director de la Guerra - Emiliano Riegor de Dios
Director del Interior - Pascual Alvarez
Director del Estado - Jacinto Lumbreras
Director de las Finanzas - Baldomero Aquinaldo
Director del Commercio - Mariano Alvarez
Director del Justicia - Severino de las Alas

...lahat nang nahalal ay mga Caviteno, bukod kay Ricarte na Ilokano subalit naninirahan na nang matagal sa Cavite. L
ahat halos ng nahalal ay mula sa grupo ng Magdiwang, sila Emilio Aquinaldo at Baldomero Aquinaldo lang ang nagwagi sa grupong Magdalo. Ang "dugo" pala ng Supremo ang nagsilbing "kalis ng pagtalik" o "blood compact" upang magkasundo at magkaisa ang Ilustradong Magdiwang at Magdalo. Mas matimbang pala at mas makapal ang Ilustradong dugo ng "CAVITISMO" kaysa sa dugo ng Supremo at ng masang Katipunan!!!
...sa isang banda, isang magandang aral ang mapupulot sa pangyayaring ito. Ang rebolusyonaryong Supremo ay pinagkanulo at iniwan ng mga kasama, pinagbintangan ng krimen at pinatay. Ganito rin ang nangyari sa isang rebolusyonaryong pinagkanulo rin ng mga kasama, pinagbintangan ng krimen at ipinako sa krus, mahigit na 2,000 nang taon. Ang pagkakamali sa ginawang pagkakapatay sa kanila, ay lalo lang nabuhay ang diwa ng idelohyang kanilang iniwan!
- - ka tony
ika 22 ng Marso 2012



Friday, February 3, 2012

"VIVORA" Epiko ni Hen. Artemio Ricarte





















Kauna-unahang nahirang na puno
ng hukbo ng bansa ang rebeldeng guro
na kaisa-isang hindi napasuko
ng Amerikano sa dahas ma't suyo - -



HINANAKIT SA PAGBALIK
Ang hindi yumukod hangang kamatayan
sa Amerikano'y lumaki't sumilang
sa Ilokos Norte, sa Batac na bayan;
Artemio Ricarte ang kaniyang pangalan.


May kamalayan na sa sariling lupa
at sa katarungan nang munti pang bata;
pagtuturo yaong kinuha sa nasa
na masa'y mulatin sa dangal ng laya.


Ngunit tinalikdan ang gawang pagtuturo
at sa himagsikan siya ay humalo;
pagkat ayaw niyang sa Gringo'y sumuko,
siya'y itinapon sa lupang malayo.


Ngayong bumalik na sa lupang iniwan
mula nang ampunin ng Hapong umagaw
sa Amerikano sa nilisang bayan,
hinanakit niya sa puso'y umapaw:


Noon ako'y tabak ng mga timawa,
ngayon ang kalahi'y wala nang tiwala;
ako'y himagsikan, ako ang paglaya,
bakit ako ngayon ay salot na yata?


Magkaanib tayong sa Gringo'y lumaban,
bakit ako ngayon ay iisa lamang?
Dugo, pawis, luha'y hinandog sa bayan,
bakit ako ngayon ay biglang iiwan?


Ngayon ang paglaya'y inalay sa atin,
bakit tatalikdan at ayaw yakapin?
Matapos magtigis ng dugo't dalangin,
ano't magbabalik sa pagkaalipin?


Bakit, Pilipino, puso mo'y malaki,
tila basang papel, kaytagal magsindi,
ngunit pag nag-alab ay kugon sa liksi
kung matupok yaong poot mong matindi?


Kapag may nanguna sa paghihimagsik,
ikaw ay uupo muna't magmamasid,
kung sino'ng mananalo, doon ka sisiksik
at magmamalaking ikaw ay tumindig.


Pagkat ang ibig mo'y ikaw ang mamuno,
yaong nangunguna'y pilit igugupo,
agad hihiwalay kapag nasiphayo - -
bakit mithing laya'y di maisapuso?


Kasaysayan natin ay paulit-ulit:
kung may Lapulapu'y may Zulang pumanig
sa dayong Kastila; kay Sulaymang tagis
ay may Lakandulang kalis ng pagtalik.


Kahinaan natin ang magwatak-watak:
kilusan ng masang Tundo ang naglunsad
windang sa Cavite at nagpangkat-pangkat - -
halos amba pa lang, himagsika'y wasak!


Bakit tayo-tayo itong naglalaban,
bakit di maglaho iyong kasibaan,
bakit di mawala ang pag-uulutan,
ang onor ng iba bakit inaagaw?


SA TUNDO LUNSAD, SA CAVITE WASAK!
Ang batang Maestrong Artemio Ricarte
ay payapang tao't ang buhay ay simple;
ang pisara't yesong kapiling na dati
ngayo'y nahalinhan ng baril at sable.


Tejeros, Cavite: lumutang nga rito
ang dupok ng kanyang kapwa Pilipino;
gayong Katipunan ang dalawang grupo
Magdiwang ay galit, yamot sa Magdalo.


Ang puno't supremo nitong Katipunan,
Andres Bonifacio, dito'y namagitan;
upang magkaisa, ang "lutong" halalan
ng bagong pangulo ay di tinutulan.


At siyempre naman, isang Caviteno
ang napiling puno - Miyong Aquinaldo - -
ng taga-Cavite na siyang bumoto,
at hindi si Andres na isang Tondeno.


Nahalal din naman si gurong Ricarte
ng hepe ng hukbo ng mga rebelde,
at katawa-tawa ang siyang nangyari
nang si Bonifacio'y muling isinali.


Siya ay nahalal na maging kalihim
ng gawang panloob, mababang tungkulin;
ngunit abogado ang dapat hirangin,
ayon kay Tirona, at hindi pagpagin.


Nagsiklab si Andres, nagbunot ng baril,
humamak sa kanya ay nasang patayin;
awat si Ricarte sa supremong gigil
na dugong Cavite ay papulanditin.


Sa galit ni Andres, halalang Tejeros
ay di kinilala at kanyang inutos
magpulong sa Naic ang Katipuneros,
maglunsad ng lakas, siglang manunubos.


Ang di niya batid, ito na ang mitsa
ng sariling buhay at siyang umpisa
niyong pagkalansag ng binuong sigla
sa makasaysayang kalye Azcarraga.


Pagkatalo nila'y naging sunud-sunod
hangang napilitan silang magpatuos
sa Biak-na-Bato; sandata'y hinandog
kapalit ng perang sa Hongkong panustos.


Hindi ko mawari, sabi ni Jacinto,
si Bonifacio ba ay henyo o bobo?
Bakit sa Cavite siya'y nagpaloko,
di niya ginamit ang lakas-supremo?


Ilustrado'y dapat sa iyo sumunod,
proletarya ka man ay ikaw ang tuktok
ng paghihimagsik na siyang tutubos
sa paglaya nating sa ati'y hinablot.


Kaya si Ricarte'y wala ng idolo,
ginagayang niyang tapang Bonifacio
ay naglahong ganap, subalit paano?
kung wala mang giting, makibaka tayo!


AHAS NA MAKAMANDAG
Hindi siya taksil subalit maharas,
hindi malisyoso ngunit makamandag
tulad ng Vivora na sa kanya'y bansag,
ahas na maliksi, mabilis umutas.


Sa ayos ng bagong hukbong sandatahan,
ranggo ni Vivora'y kapitan heneral;
suweldo'y sisenta pesos kada buwan,
mataas sa kanya'y si Aquinaldo lang.


Cavite ang kaniyang responsabilidad,
mula sa Carmona hanggang sa Caridad;
dito ang Kastila ay unang lumasap
ng pagkaduhagi - - kay Vivorang pangkat.


Daming paghahamok na napanalunan,
Kastila sa kanya'y takot nang lumaban;
palibhasa'y tulak ng pag-ibig-bayan,
kahit anong dami ay di inurungan.


Lingid sa Kastila, isang Pilipino,
Mariano Ponce, ay minsang nagtungo
sa mga Hapones na kapwa Asyano
para magpatulong, itaguyod tayo.


Marami ang taong ayaw maniwala
na mga Hapones sa digma'y bihasa,
sa pananandata, planong pagsalasa - -
may pasuntok-suntok pa't pasipa-sipa.


"Sishi," pakilala nilang mga Hapon,
pawang aktibistang Meiji ang naroon;
kung ang mga Insik kanilang kinangkong,
di lalo na silang Castellanong cabron!


Dami ng kanilang hakot na sandata,
di na kailangan ang mga lantaka
na ipinatambak ni Heneral Pawa
sa Binundok, pati sumpak nga'y kasama.


Ligaya sa puso ni Ricarte'y apaw,
inip sa pagsapit ng kinabukasan;
at di niya batid na sa kanyang bayan
ay may dumarating na bagong kaaway.


NAUNA SA PANAHON
Sa kaniyang nakita si Vivora'y gulat:
mga barkong bakal na ano't kay bigat,
ngunit lumulutang, sa dagat ay angat - -
sa look Maynila kanyon ay nagsiklab.


Ang Reina Cristina, barkong Castellano,
taob sa Olympia na barko ng Gringo;
sayang Admiralte Patricio Montojo,
kay Dewey lang pala, wala kang panalo!


Ang puti mong panyo, Montojong talunan,
akala ko'y upang ang uhog mo'y pahiran,
para iwasiwas pala sa kaaway,
tanda ng pagsuko, pag-atras sa laban.


Mga Pilipino ay nakikiramdam,
mga bagong salta ay minamatyagan;
sila ba'y kakampi o magsisitambang
sa paglaya natin pagtawid sa tulay?


Sa tulay ng San Juan, alas syete'y medya,
isang Pilipinong tatawid lang sana
ang nakatuwaan ng Gringo't tinira,
patay, at sumabog na muli ang gera!


Naku, Private Grayson, kay bobo mo naman,
sukat bang kakampi ang iyong pinatay?
Dahil sa krimen mong isang katangahan,
pati apo namin pawang masasaktan.


Kutob mo, Ricarte, ay nagkatotoo,
kaya't di matapos ang pagkagalit mo;
ang panahon mandin ay huli sa iyo,
himagsikan sana'y ngayon lang sumubo.


WALA NANG MAMUNO
Ngayon ay wala na, walang maasahang
tapat na pinuno ang lupig kong bayan;
walang Rizal itong sukat masulingan,
walang Bonifaciong manguna sa laban.


Nasupil na sana ang mga Kastila,
ngunit may dumating bagong banyaga,
Gringo kung tawagin, at tayo'y dinaya,
inagaw sa atin ang minithing laya.


Dahil sa tumutol naman si Magdalo,
sinalakay tayo ng ganid na Gringo,
at sa Pasong Tirad, totoy na Gregorio
ay napatay tuloy sa paghamok rito.


Nag-aalsa sana si Macario Sakay,
ngunit nagpaloko nang pinangakuan
ng pagsasarili at ng kalayaan;
siya ay sumuko at siya'y binitay.


Ang isa pang dapat asahang pupulok
ay yaong Montalan, matapang mapusok;
ngunit sa Iwahig ito'y nabubulok,
mga bato doo'y kaniyang pinupukpok.


At maging si Malvar, si Noriel, si Ola
ay pagod nang tunay sa pakikibaka,
nais nila namang magpahinga sana
kahit na paglaya'y hindi na makita.


HINDI AKO TUTUGOT
Ngunit kung wala mang pinunong sumulpot,
rebolusyon natin ay hindi pa tapos,
di ko lulubayan itong pagtutuos
kahit katawan ko'y humina't maupos.


Akong si Vivora'y nanunumpang tapat:
ang mga punetang Gringo'y ibabagsak,
di ako titigil sa pakikitalad,
huli mang hininga sa aki'y umalpas.


Umaalab pa rin ang diwang marikit
nina Maypag-asa't Pingkiang matinik;
pluma'y walang silbi sa paghihimagsik,
Dimasalang, ito'y di maikakait.


Baril yaong dapat na gamitin natin,
dahas kontra dahas, ngipin sa ngipin;
Gringo kay Vivora ay pasusukuin,
balat mong puti'y aking iihawin.


Kung lupaypay ka na sa iyong pagtakbo,
o El Presidente Colon de Magdalo,
sa tagong Palanan maghitay kayo,
walang alinlangang magbabalik ako.


Katoto kong Sakay, sandaling naghari
pagkat nagpalinlang sa Kanong urali,
lakas nati'y dapat sanang nagkasapi,
ngunit watawat ta'y hindi magkauri.


Sayang iyang laki ng iyong katawan,
napakatapang kong amigong Montalan,
kung di ka sumuko, ang ulo ng hunghang,
di bato, ang sana'y pinupukpok naman.


Ang di ko maisip sa kasama baga:
ang tabak ba ninyo'y napulpol talaga
at walang na kayong sukat maibuga
laban sa maputing tsonggo kung umasta?


Totoong may bagong tayong asembliya
ngunit lahat dito'y gustong maging bida,
dito'y mas marami yaong Sajonista,
isip nila't kilos sa Gringo ginaya.


Sajonista, masdan iyang balat ninyo,
di kayo putlain, kayumanggi kayo,
tsarat iyong ilong, kay lapad ng takbo,
di tulad ng Kano, matangkad, barbaro.


Laking ipinagbago ng ating panahon,
parang kailan lang ang nagdaang noon,
kung mahihiling kong muling mapalulon
sa nagdaan, ako'y kusang susulong.


NASUKOL ANG AHAS
Nang maipagdiwang na ang kaarawan
nitong si Magdalo sa Palanang ilang,
may walumpo't limang sundalong bayaran
ang biglang dumakip sa aking heneral.


Kawal Macabebe na nagkunwang preso
upang buong linis matupad ang plano
ni Koronel Funston yaong pinatungo
upang sa Palanan dakpin si Magdalo.


Macabebe, bakit bayang Pilipinas
ay ipinagpalit sa sweldong sardinas?
Sabagay, marami sa inyo'y tumakas
sa Mexico't dito naisip lumikas.


Kawawang heneral, kawawang pangulo,
inulol na ganap ng Kastila't Gringo;
bansa'y ibinenta sa Amerikano
ng mga Kastila na ating tinalo.


Siya ay pinilit magsabi sa bayan:
Sumuko na kayo, mga kababayan,
itigil na itong ating himagsikan
at ipanumbalik ang kapayapaan.


Natuwa ang ilang mga Ilustrado
lalo na nga yaong gutom sa pwesto;
sila ang hahawak ng bagong gobyerno
na patatakbuhin ng gahamang Gringo.


Ang mga sumuko'y napakarami rin,
sumumpang ang Gringong bandila'y mamahalin;
umagaw sa laya ay sukat yapusin,
tangis ni Ricarte na napapailing.


Di ako susuko! sigaw ni Vivora,
habang akong ito ay may hininga!
Habang buhay ako'y anti-Amerika,
ako ay lalaban kahit na mag-isa.


Lalo pang lumubha ang kaniyang kamandag,
nakikipaghamok maghapon, magdamag,
ang apat na libong Gringong nakatalad
sa Laguna de Bay ay nagaping lahat.


Ngunit isang araw, sa buwan ng Hulyo,
nasok si Ricarte't ang kaniyang komando
sa Maynila ngunit natutop ng Gringo,
bayani'y nahuli't ikinalaboso.


Sa anim na buwang pagkakabilibid
ay pinasusumpa si Vivorang pilit,
ngunit ang pagtanggi niya'y labis-labis:
di siya yuyukod sa dayuhang ganid.


GUAM - ANG BASURAHAN
Enero syete, mil nwebe syentos uno,
isang barkong lula'y mga Pilipino,
pawang kontra't galit sa Amerikano,
ang tumulak noong kung saan ang tungo.


Naroroong lahat: si Maximo Hizon,
si Pule Mabini na ayaw pasilong,
at Pablo Ocampo dito'y itinapon
upang sa Agana sa Guam ay itapon.


Ito'y isang pulo, lupaing tapunan
ng mga ketongin at mga kriminal,
ang mga bayani'y dito itininggal
nang di makalason sa isip ng tanan.


Marami ring buwan ang doo'y lumipas,
ngunit si Ricarte'y hindi makatakas,
pagkainip niya sa diwa'y pahirap,
sa nasang itaboy ang Gringong nandugas.


Ngunit isa-isang sumuko't gumalang
sa bandilang Gringo yaong kababayan,
nang huli ay sila ni Mabini lamang
ang siyang natira't sa pulo'y naiwan.


Dahil sa ayaw ring magsisuko sila,
nagluto ang Gringo ng isang ideya;
dahil kakampi kami, wika nila,
ay lalaya kayo, Mabini't Vivora!


Si Pangulong Roosevelt noon ay nagsabi
na patatawarin ang lumpong Mabini
kasama ang gurong Artemio Ricarte,
sila'y ibabalik sa lupang sarili.


Mil nwebe syentos tres, buwan ng Pebrero,
ang dalawa'y lulan ng barkong Gringo
pabalik sa bayan sa Silangang dulo;
ngunit may malalim na nangasa ulo.


ASAL TAYO-TAYO
Pagkabalik nitong bayaning dalawa
ay pinasusumpa na ang Amerika
ay ibabandila't laging isasamba - -
Katipunan muli! bulong ni Vivora.


Subalit kay saklap, ang lumpong dakila
ay nanumpa agad, walang paniwala
na ang himagsika'y magkakamit-pala,
at nasa'y mamatay sa sariling lupa.


Noong si Mabini ay hindi maawat
sa pagsumpa nito sa dayuhang watawat
parang bang ang lupa ay biglang nagawak
para kay Ricarteng iba ang balak.


Nilinaw ng lumpo ang kanyang pagsuko:
himagsikan natin kaya nasiphayo
ay dahil sa lisya't maling pamumuno;
sa inggit at imbot paglaya'y naglaho.


Asal tayo-tayo'y siyang nagpabagsak
sa pakikibakang ating inilunsad
laban sa Kastila't Gringong katalad;
hindi magkaisang sa mithi bumagtas.


Sana'y huwag nating malimutan naman
ang masama nating naging karanasan;
sa susunod sana'y di maglangkay-langkay
ang ating paglipad sa paglayang mahal.


May katwirang tunay itong si Mabini,
wika ni Vivora dahil sa nangyari;
sa pakikihamok di dapat isali
ang may adhikain na pawang pansarili.


KATIPUNAN MULI
Ngunit si Ricarte'y dadalawang araw
yaong itinigil sa sariling bayan,
pagkat sa pagsumpa'y tumangging tahasan,
muling itinapon ang gurong matapang.


Doon sa Hongkong ay kanyang nakita
ang ilang kaibigan at dating kasama,
isa rito'y si Don Jose Maria Basa - -
Katipunan! muli niyang naalala.


Propaganda laban sa Kastilang sama
ang gawa ni Basa bago magkadigma;
siya't si Prin Ruiz ay nagsipatala
nang ang Katipunan ay muling nilikha.


At pabagu-bago ang naging pangalan
ng kilusang ito, ngunit ang hinirang
na puno ng hunta ay iisa lamang:
ang ayaw sumuko, Vivorang matapang.


Bagay na kanilang ikinatutuwa
ay yaong pasabing nagmula sa bansa
na ang Pilipino'y muling naghahanda
ng paghihimagsik, pakikipagdigma.


Panay na umano ang pananalakay
sa Amerikano ni Macario Sakay;
Antonio Colache, bantad na pangalan,
doon sa Sorsogon umano'y lumaban.


At sa Albay naman ay si Simeon Ola
ang naghihimagsik, gayon din si Papa
Faustino ng Leyte ay nakikibaka,
yaong Pulajanes ang siyang kasama.


Apo Ipe, Noriel, Tomines, Montalan,
Felizardo't iba ay magtutulungan
upang palayasin sa 'ting kapuluan
ang agilang ganid na dito'y kumamkam.


Kaya nga't Disyembre ng taon ding yaon:
si Ricarte'y lihim na umalis noon,
sumakay sa Yuensang, tumulak sa Hongkong
patungo sa kanyang bagong rebulusyon!


KAIBIGANG BALIMBING
Pagkayapak niyang muli sa Maynila
siya'y nakasagap ng mga balita:
ikinakalat daw ng mga Gringong kuhila
na sila'y butihin, may layong dakila.


Sa buong daigdig sinasabi ng Gringo
na sila'y mahal na naming Pilipino,
na liban sa ilang mga bandolero,
ang kapayapaa'y naghahari rito.


Di maitatago yaong kasamaan,
pagtakip sa krimen ay may kahirapan;
si Vivora'y hindi tutugot munti man
at hahalukayin ang katotohanan.


Tulad ng nangyari nga sa Balangiga,
nilalos ng Gringo pati mga bata:
may tatlong palapag ang taas sa lupa
kung pagpapatungin ang taong sinila.


Sa apat na taon nila sa Batangas
ay limampung libong tao ang nalagas;
sa Surigao, ilan sa loob ng rehas
ang nabulok, patay naman pag tumakas?


Sa mga rebeldeng nakulong sa Albay,
ay libu-libo rin yaong nangamatay;
sila ay ginutom at di makagalaw
hanggang sa matuyot na mga kalansay.


Mas maraming hamak ang napatay rito
sa dalawang araw ng Amerikano
kaysa sa Kastila sa may tatlong siglo:
ang Gringo'y mabisang mamamatay-tao!


Kung tawagin tayo ay tsonggong itim:
bukod sa kamukha'y mapagtingkayad din - -
"The monkeys have no tail in Zamboanga," saring
ng kantang nilikha ng putlaing matsing.


Hindi lang ito ang sanhi ng poot
nitong si Vivora sa 'Merkanong supot;
laban sa Kastila nang sila'y sumipot,
ngayo'y laban sa 'tin itong mga buktot!


HANGGANG KAMATAYAN
Pasko nang ikalat yaong manipesto
ukol sa pagbalik ni Ricarte rito
at sa poot niya sa Amerikano
at sa Sajonistang tuta ng Gringo.


Pluma'y walang silbi sa isang digmaan,
dahas at sandata ang siyang kailangan:
laban si Vivora, tungong kalayaan,
sa Gringo at tuta hanggang kamatayan.


Kalaban ay ako't ang aking pamilya,
di ang naniwala't sa aki'y sumama;
ang bayan ko'y bigyan ng wastong hustisya
kundi'y todas kayo sa aking espada.


Halika, halika, agilang mayabang,
at ako'y dagitin ng kukong gahaman,
nang makaranas ka ng tunay na laban:
ulo'y tatagpasin bilang katuwaan.


Ako ang ibenta, mga Sajonista,
upang magkalaman ang iyong pitaka;
mga kababayan, halina, halina,
tayo'y maghimagsik, tayo'y makibaka!


Nang si Aquinaldo'y kanyang pinuntahan,
kahit munting ambag ay kanyang hiningan;
di ako sasapi, tangis ng heneral,
ako'y pobre't walang tiwala ang tanan.


Maging si Aurelio Tolentino'y malas:
isang taon siya sa likod ng rehas
dahil sa sarswela na kanyang sinulat:
sa sama ng Gringo ang madla'y minulat.


Marami rin naman yaong nagsasabi
na ang himagsikan ay di mangyayari;
Dominador Gomez, isa sa marami,
Isabelo de los Reyes ay kasali.


Si Aglipay noon ay nagpayo naman:
ang sable't pistola sa Gringo'y ibigay;
ang pinsan ng pari'y nagalit, nasuklam;
hiningi ng pastor: awa sa Maykapal.


MANEOBRA DE VIVORA
Kaya't isang araw, buwan ng Pebrero,
sugo ni Ricarte'y kay Sakay tumungo
upang pag-usapan ang magandang plano
ukol sa pagbuklod ng kanilang grupo.


Wika ni Vivora: kung ikaw ay payag,
itapon mo, Sakay, ang iyong watawat;
ang Katipunan mong bandilang hawak
sa akin ay sadyang nakababagabag.


Hirang kong diktador si A. Tolentino:
bukod sa magiting siya'y matalino;
kung ikaw ay payag, magkaisa tayo,
magbuklod ng lakas, ibagsak ang Gringo!


Si Sakay, pangulo ng Katagalugan,
sa alok na ito'y walang katugunan;
kung ang bandila niya'y ayaw pairugan
ay sasarilinin na niya ang laban.


Ano't Maneobra de Vivora, tawag
ng planong sa Gringo't madla'y ikinalat:
diktador militar yaong nararapat
na siyang mamuno sa isang watawat.


Ang bansa'y sa labing dalawang estado
hahatiin, maging Guam kasama rito;
Maynila'y piniling maging kapitolyo;
Espanol ang wikang gamit sa gobyerno.


At aalisin na ang hatol na bitay,
pawawalan yaong nasa bilangguan;
sa negosyo, Intsik ay pagbabawalan
at sa pagbabangko'y di na papayagan.


Puspusan ang hanap sa gurong Ricarte,
ngunit parang ahas na nakakapase
sa lambat ng Gringo sa Ilokos Norte,
Calapan, Ecija, maging sa Cavite.


Daang libong piso ang kaniyang naipon:
pambili ng armas ng pwersang nalagom,
daang libong piso yaong ipinatong
sa ulo ng Ahas upang mahimaton.


SA SILID NA BAKAL
Subalit wala nang ibig pang sumama
sa kaniyang rebelyon dahil sa halina
ng Kanlurang luho't Gringong propaganda,
lalo't batang paslit, daling magayuma.


Kaya nga't paglaki ng batang naturan,
tatalikdan niya yaong himagsikang
hangad ni Ricarte't laong pinagyaman:
di pa nagsimula'y agad nang talunan!


Minsan isang araw sa buwan ng Marso,
nasukol ang Ahas ng pangkat ng Gringo,
pati manunulat na si Tolentino,
ngunit ang dalawa'y nakaalpas dito.


Mula noon, sila ay nagkahiwalay,
ang rebelyon nila'y nalansag, namatay;
Vivora'y nagtago sa lupang Bataan
at si Tolentino ay sa Bicol naman.


At sa Mariveles guro'y nagtrabaho,
alyas Jose Garcia, isang empleyado,
ngunit natunugan ng listong Gringo,
dinakip ang guro't ikinalaboso.


Sa silid na bakal siya ikinulong
upang pahirapan nang anim na taon,
walang dalaw, liham; pati ipis tuloy
pinagtiyagaang huntahing pabulong.


Habang nasa loob ng kaniyang kulungan,
laging nasa diwa'y bagong himagsikan
na magpapalaya sa irog niyang bayan - -
o ikaw Vivora'y walang sawang tunay!


PUNONG HUGOT SA MASA
Labingsiyam sampu, Hulyo beinte sais
nang palayain na sa pagkakapiit
si Ricarte - - anim na taong kay bilis,
parang maghapon lang sa bakal na silid.


Ngunit sa bilibid ay di nakalayo,
sa kalye Cervantes siya'y pinahito
ng mga kostable't dinakip ang guro
at sa Intramuros ay ibinilanggo.


At siya'y hinarap sa Gringong bandila
upang sumumpa na't sadyang makalaya;
may gapos ang bisig, ang guro'y nagwika:
No! puneta! di na ba kayo nagsasawa?


Di na nag-aksaya sila ng panahon,
si Vivora'y muling nilagak sa Hongkong
upang ang balakid sa kolonisasyon
ay mawalang pawa't ang bansa'y palulon.


Apatnapu't apat na taon ang gulang
ni Ricarte noon nang siya'y lumulan
sa barkong pa-Hongkong: muhi'y naglalantang
may mabagsik pa ring kamandag sa sihang.


Walang humpay naman yaong propaganda
na siyang pahatid ng Ahas sa masa
upang ang kadugo ay huwag pagayuma
sa Gringong pangako na tuwa't ginhawa.


Di alam ang dapat na gawin ng bayan:
isang Bonifacio ang punong kailangan,
hindi ilustradong kapag inalayan
ng poder ng Gringo, tayo'y lalayasan.


Ito ang nilinaw ng Ahas sa madla:
ang dapat manguna, mamuno sa bansa
ay hugot sa masa, pulubi ma't dukha
ay buti ng bayan ang siyang adhika.


WALANG BULAG, PIPI'T BINGI
At sumulat siya ng saligang batas,
bagong kalakaran nitong Pilipinas,
Rizaline ang ngalang kaniyang inilapat,
Rizalinos naman ang sa tao'y tawag.


Ngunit ang bandila'y di na babaguhin,
bagong disiplina ang kakailanganin:
sa dayuhang ganid huwag paalipin;
sinumang yumuko'y aking sisilain!


Ipinamahagi yaong manipesto,
hingi'y dies sentimos hanggang sampung piso
para sa kilusan, kapalit ay ranggo:
at tinyente hanggang koronel ang premyo.


Dahil kay Ricarte, ang masa'y nag-isip,
bulag ay namulat at pawang nagmasid,
pipi'y nagsalita't laya ang sinambit,
tanggal ang tutuli ng binging pandinig.


Kaya't ang Lapiang Sakdalista noon
ay biglang tumindig, mata'y itinuon
sa mithi ng Ahas na ang puso'y leon;
bandoleros, tawag ng Gringo sa kampon.


Ang manipesto raw ni Vivora'y pera
ang hangad at hindi paglaya ng masa,
mga mangmang lamang ang nabibiktima,
di nito malilinlang ang mga maykaya.


Ngunit nagkagalit ang kanyang ahente
magmula sa Morong hanggang Antique,
nag-away sa pera na parang buwitre,
at ang himagsikan ay muling napeste!


BALIK-PISARA'T-YESO
Ang unang digmaang pandaigdig mandin
ay nagpasidhi pa sa kanyang panimdim:
bakit Pilipinong dugo'y bubuwisin
sa digma ng Gringong ating kaaway rin?


Ang Ingles sa Hongkong ay pinagsabihan
ng mga Gringong kanilang kaibigan:
huwag nang kupkupin ang Ahas ng tapang
at ito'y itapon sa kung saang bayan.


Kaya nga't ang huling rebeldeng dakila
ay muling nasadlak sa kung saang lupa,
sa Hapon, ang bayang tumulong na kusa
sa ating pag-alpas tungo sa paglaya.


Sa Hapon sa tagal ng kaniyang pinirmi
ay natuto siyang maging mapagsilbi;
subalit sa Gringo, poot ay tumindi:
humanda ka't lintik lang ang walang ganti!


At muling nagturo ang gurong matapang,
Kastila ang kursong kanyang hinawakan,
at saka nagbukas ng isang karihan
para magkapera - - bagong himagsikan!


HETO NA AKO!
Kay gurong Ricarte'y kayraming natuto
ng Espanol, arte't buhay Pilipino,
di batid na ito'y bahagi ng plano
ng sundalong Hapong sasalakay rito.


Sa kanyang pagtulong, bilang pasalamat,
binansagang Shogun, karangalang dapat
sa isang Samurai, ang gurong masipag,
ginoong magiting mulang Pilipinas.


Taong labingsiyam apatnapu't isa
nang ang Pearl Harbor ay biglang binomba
ng mga Hapones, sumiklab ang gera
mundyal at nasangkot pati na ang Asya.


Tuwa ni Vivora ay gayon na lamang
nang kanyang narinig na ang kanyang baya'y
nasa ilalim na ng kapangyarihan
ng mga Hapones na kaniyang kaibigan.


Agad na kinuha ang kaniyang tampipi,
lumang rayadilyong nandoroon lagi
ay kaniyang sinukat, matikas pa wari - -
humanda ka Gringo't magkurus sa labi!


RAYADILYONG LUKOT
Si Ricarte'y lalo pa ngang nasiyahan
sa bagong balitang kanyang napakinggan:
Gringo'y sumuko na sa lupang Bataan
at ang Corregidor ay bagsak na rin daw!


Ang di niya mandin lubos na maisip:
bakit Pilipino'y sa Gringo pumanig,
kumampi sa lilong sa bansa'y lumupig,
at hindi sa Hapong mananagip, bakit?


At bakit sa Death March sila'y magkaakbay?
Para bang limot na ang kayraming bangkay:
Balangiga, Morong, Batangas, Albay - -
tamis pagsasama ng dating hiwalay!


Ngunit si Vivora ay naniniwala
na ang Pilipino'y nasa ang paglaya,
kaya't himagsikang naputol na dula
ay matutuloy na, kaniyang sapantaha.


Kaya't rayadilyong lukot at may nisnis
ay isinuot na ni Ricarteng sabik
kung ito'y butas man sa gawi ng dibdib,
kung ang pantalon ma'y may tagpi't numipis.


Ang mga medalyang sa digma ay gawad
ay ipinantakip sa nisnis at butas,
ang pantalon niyang lumuwag sa yayat
nang huwag mahubo'y sinturo'y hinatak.


Pistola at sableng ngayo'y makalawang
ay isinukbit na at saka lumisan
na uugud-ugod at eengkang-engkang
ang pitumpu't anim na taon ang gulang!


MAHABANG PAGTULOG
Taong labingsiyam apatnapu't dal'wa:
dumating ang Hapong si Ricarte'y dala;
kaylaking kaibhan ang nakita niya
sa lupang nilakhan, sa bayang sininta.


Tatlong araw pa lang si Vivora rito,
dami nang napansin ditong pagbabago:
nag-iba ang dating gawing Pilipino,
nilurakang ganap nilang maka-Gringo!


Sa isip at gawa, sa salita't sining,
bansa'y ginagagad yaong kanluranin;
nag-iiningles pa'y parang kinakain
naman ang salita - - hirap unawain!


Ang babaeng dati'y mahinhin, sa mukha'y
parang baylarinang mek-ap na kaysagwa;
ang batang magalang dati sa matanda
ngayo'y walang modo, bibig ay kaylaswa.


Ang barong tagalog na disenteng damit
aba'y sa Hawaiian Shirt ipinagpalit;
kundimang walang kaparis sa tamis
sa bugi-wugi lang ay biglang napalis.


Wala na sa teatro ang nga sarswela,
bodabil na ngayon ang hilig ng masa,
maging pamamasyal doon sa Luneta
ay nahalinhan na ng madyong, baraha.


Kapag namasyal ka sa ka-Maynilaan,
maliligaw pagkat ang mga lansangan
ay iba ang tawag, Gringo ang pangalan:
naparam na yaong kasaysayang bayan!


Kung si Ricarte man ay napapatawa
sa dyenyuwayng suot ng kabalat niya,
napapatawa rin sila kay Vivora:
nakarayadilyo'y wala nang pag-alsa.


Talagang iba na ang bayan n'yang giliw:
si Vivora'y parang isang Rip van Winkle,
isang salinlahing nahimlay, malalim
at waring ngayon lang pinukaw, ginising.


Itinuro niya sa pupilong Hapon
ukol sa ugali, gawi at tradisyon
ay hindi na pala ginagawa ngayon:
laking kahihiyan! - - wala na ang noon.


O kaytagal niyang nagdusa't lumaban
upang mapalaya ang irog na bayan;
ngunit ngayon, ito'y di mapatunayan
pagkat siya'y ampon ng Hapong kaaway!


HUWAD NA LAYA
Siya pa ang ngayo'y pinararatangang
nagtaksil sa bansang kanyang sinilangan,
siya na nagbalik upang manawagan
na ipagpatuloy yaong himagsikan.


Ang bintang sa kanya at kay Aquinaldo:
sila ang maylikha ng taksil na grupo,
yaong Makapili na siyang katrato
ng mga Hapones sa paghari rito.


Para kay Vivora ang balak ng Hapon
ay hirangin itong pangulo ng nasyon;
dahil sa ang tingin kay Vivora'y traydor,
ang pangakong ito'y hindi itinuloy.


Kaya't isang lider na katanggap-tangap
sa bayan ang siyang hinirang na kagyat;
si Jose P. Laurel, magaling at sikat,
lumuklok sa pwestong pinakamataas.


Masakit man ito para kay Vivora,
masayang tinaggap nito ang pasiya,
alang-alang na rin sa mithing maganda:
sisilang sa wakas itong Republika.


Taong labingsiyam apatnapu't tatlo,
Oktubre katorse: tumaas, kung lito,
ang sintang bandila - - para bang simbulo
ng huwad na laya na ating natamo.


Rebulusyonaryo kapwa ang nagtaas:
sina Aquinaldo't Ricarte'ng humaltak;
"Tindig, aking inang bayan," awit lahat
ng tao sa tanging araw na ginanap.


Di batid na sila'y kinakasangkapan
sa huwad na layang hinandog sa bayan,
saksi sina Laurel: sila'y walang malay
sa pakanang ito ng Hapong kaaway.


SINO ANG DAKILA
Ang pagmamalabis ng Hapon ay lantad:
ang panggagahasa't pagpatay ay kalat;
pag di ka yumukod sa kanilang harap,
pugot ang ulo mo o ngipin mo'y lagas.


Laganap ang gutom sa lahat ng banda,
natutong kumain ang tao ng tira:
sisid rice, kastanyog, kangkong at panutsa;
maraming minanas, namayat, tumumba.


Kawawang talaga itong Pilipinas,
walang katapusang dusa ang dinanas:
una'y sa Kastila't sa Gringo naghirap,
ngayon ay sa Hapon na nuno ng dahas.


Ito ay nalantad lahat kay Vivora,
nanatili at umiral sa isipan niya:
Hapon na nangakong tutulong sa kanya
ang siyang sumikil sa bayan n'yang sinta.


Nadurog ang puso sa mga nangyari,
sa lupit ng Hapon sa bayang sarili:
Gringo't Sajonista ay hindi na bale,
ngunit pati sanggol bakit isinali?


Inunawa niya ang kalahing mahal
sa kanyang lito't gulong kaisipan
at nagtanong: sino ang dakila't banal,
akong itinapon o silang sinaktan?


Ngayon ay naisip na rin ni Vivora:
maging ang Hapon na kayakap niya
ay di maasahan at taksil talaga;
ang hangarin nito'y pansarili pala!


Tulad sa Pearl Harbor, lihim na salakay
ay daming pinuting inosenteng buhay;
at sa Pilipino'y lapit ng kaibigan,
paninikil pala ang linlang na pakay.


Itinuro niyang asal Pilipino
ay ginamit pala sa pagsakop dito;
pangako sa kanyang siya'y mangungulo
ay lansi rin pala ng mga demonyo!


At ngayong sa kanya'y wala nang tiwala
ang kanyang kabalat, maykaya't timawa,
sino pa ang kanyang kabalikat-diwa
sa landas-panganib tungo sa paglaya?


MANAPA'Y MAMATAY
Petsa kwatro noon, buwan ng Pebrero
ng mil nwebe syentos kuwarenta'y singko,
ang bansa'y nilusob ng Amerikano
upang sila muli ang maghari rito.


Hukbo ni MacArthur dumaong sa Leyte,
binugaw ang Hapon hanggang sa Malate,
ang sumukong sakang ay ubod ng dami,
yaong ilan naman ay nagharakiri.


Lunos si Ricarte sa nabalitaan,
dinurog ng Gringo ang irog n'yang bayan;
bakit hindi Tokyo, lunsod ng kalaban,
bakit ang Maynila ang nakainitan?


Arthur, wika niya sa ama ni Douglas,
di ka nasiyahang kami ay dinugas,
pati ba anak mo'y dapat na magwalat
ng ari't ligaya nitong Pilipinas?


Kung ang lupang Hapon ang iyong nilusob,
hindi sana kami nawasak, nadurog;
di sana nasira ang gusali't ayos
ng bayan kong mahal, ng lunsod kong irog.


At wala rin kaming kadugong napatay
sa iyong pagbombang wala manding humpay;
di ba kami yaong palaging kaakbay,
bakit tuwa ninyong gawin kaming bangkay?


Pagdating ng pusa, daga'y pupuslit na,
kaya't ang Hapones dito'y natranta;
may isang pumugang may matandang dala
na hirap na hirap at may disenterya.


Ito'y si Ricarte na ayaw pahuli
sa Gringo kahit pa ano ang mangyari:
kung yumao siya'y hindi na bale,
huwag lang sumumpa laban sa sarili.


PAKUNWANG ANDUKHA
Sa isang baybayin sa Pacific Ocean
ang matandang guro'y di makagulapay,
kaakbay ng Hapon na kanyang alalay:
Konochiro Ota, koronel sa pugay.


Kahit agaw-buhay ang gurong matanda,
ang poot sa Gringo ay lalong lumubha:
kung di sa inyong pakunwang andukha,
kami sana ngayon ay malayang bansa!


Kami'y may sariling uri ng gobyerno,
sariling kultura, sining, alpabeto,
sariling pagsamba sa aming anito,
bago pa dumating ang Kastila rito.


Subalit ang lahat ng ito'y sinira,
sinunog, pinawi ng imbing Kastila
nang mapilit kaming sumampalataya
sa relihyon nila, kultura at wika.


Kami ang naunang nagkapaaralan
kaysa Gringong pawang Indian ang kalangkay;
maging sa paglimbag kami ang may lamang - -
ano't librong Gringo ang aming panlibang!


Kahanga-hanga rin yaong panloloko
na ginawa nitong mapuputing tsonggo;
ano ba't nalinlang kaming Pilipino
na higit ang alam at mas matalino!


EPIKONG BANTAYOG
Darating ang araw, wika ni Vivora,
ako'y tatawaging taksil na talaga
ng aking kadugong nadimlan ang mata
sa sikap ng Gringong dangal ko'y magmantsa.


Sa haba ng digmang ipinaglaban ko,
isang natutunang bagay ang totoo:
di inihahandog ang laya sa iyo - -
dapat mong sunggabin nang ito'y matamo.


Bago ako pumanaw, ang hiling ko, Ota,
ay isang bantayog ang itayo sana
nang huwag malimot na rito'y kasama
ang di napaluhod ng Gringong kabaka.


Matapos sambitin ito ay yumao
ang pangko ni Ota na dakilang tao:
huling araw noon ng buwan ng Hulyo,
mil nuwebe syentos kuwarenta'y singko.


Sa singkit na mata'y namuo ang luha;
hiling mo'y tutupdin aniya't nagwika:
ikaw ay bayani, ikaw ay dakila,
nang isilang ka lang, inulap ang tala.


Bayani ka lamang kung ikaw'y panalo,
ngunit isang sukab pag ikaw ay talo;
kaya't kapalara'y nagdidikta rito
kung ikaw sa bansa'y bayani o lilo.


Siya'y inilibing sa lupang kung saan
sa may Pacifico at kubli sa tanan,
walang krus o tandang mapagkikilanlan
na gurong dakilang ang doo'y nahimlay.


Pati ang bantayog na hiniling niya
kay Ota'y nilimot, kaya't ipininta
ng aking panulat para sa balana
ang epikong ito ukol kay Vivora.
*Privacy: Copyright


Handog ko sa aking kinawawang bayan,
kay Marison na nabibigay inspirasyo,
sa aking mga anak, sa papa at mama.
Sa mga kapatid ko at kay Pepito na aking
bayaw na nagtulak na ako'y sumulat!
Maraming salamat.

- - ka tony

ika 4 ng Pebrero, 1973