Saturday, July 26, 2008

Hindi alam ni Lapu Lapu “dat hi diskoberd” Magellan ni Ka Tony





“Among the famous of the early local inhabitants who demonstrated his love for his country was Lapu Lapu, the chief of the island of Mactan at the time of Ferdinand Magellan came to these islands. He is considered the first warlord who repel western aggression in southeast Asia and acclaimed by Asian historians as the “conqueror” of a world conqueror, Ferdinand Magellan”

Mala “Blockbuster Movie” ang dating ng karamihang manunulat ng ating mga aklat pangkasaysayan. Palibhasa’y karamihan sa mga naturang mga aklat paaralan, na nabasa at itinuro sa atin, ay dinikta ng mga naging mananakop ng ating bayan. Kanilang rin pinili kung sino ang tatanghalin mga bayani at sino ang mga “Tulisan.” Saganito, mapagtakpan ang kanilang pansariling kapakanang pakay sa ating bansa. Upang ikubli ang mga malagim na krimen na kanilang ginawa. Upang huwag natin tularan ang mga tunay na bayaning ipinagpatuloy ang rebolusyon, na kanilang inagaw ang tagumpay. Upang maihulma sa ating isipan ang kanilang ipinilit at diniktang kultura, pinalit sa ating katutubong kultura na kanilang pinababa ang uri at hindi nirespeto.

Tama, si Lapu Lapu ay “Among the most famous of the early inhabitants who demonstrate his love for his country”…subalit hindi ganap na tama, sapagkat hindi batid ni Lapu Lapu na magkakaroong bansang Pilipinas.Hindi rin niya alam na may pakay ang mga Kastila na gawing kolonya ang buong kapuluan. Wala sa mga ulat na siya nga ang personal na pumatay kay Magellanes. Ang pagpaslang sa mga Kastila ay hindi sa sanhi na mahal niya ang Pilipinas. Mahal niya ang sakop niyang isla ng Mactan, ipinaglaban niya ang kanilang prinsipyo, paniniwala, tumutol na magbayad ng buwis sa mga dayuhan at tatanghalin niyang kaaway ang sino mang kumampi sa kanilang mortal na kaaway na sina Rajah Humabon at Datu Zula. Sa madalit salita, hindi batid ng simpleng taong si Lapu Lapu hangang sa huling araw ng kaniyang buhay, na ang kaniyang kabayanihan, kanilang tagumpay laban sa mga Kastila, ito’y naitala at pagaaralan kasama ang kaniyang pangalan sa aklat ng kasaysayan. Siguro kung ang pangyayaring ito ay kung kailan lang na dekada, si Lapu Lapu ay nagpa “interview” kay Antonio Pigaffeta at nagpakuha nang litrato!
Marami sa atin ay nais malaman ang buhay ni Lapu Lapu at naging buhay niya pagkatapos nang digmaang naganap sa Mactan. Karamihan sa mga ulat ayon sa buhay niya ay ‘di malaman kung ito’y alamat o tunay nga bang nangyari

…sina Kusgano at Inday Puti ay may dalawang anak, sina Mingming at ang bunsong lalaki na si Lapu Lapu. Ipinasa kay Kusgano ang kahariang Mactan mula sa kaniyang Ina, Reyna Matang Mantaunas na pinangalingan nang pangalan Mactan. Nang ipasa ni Kusgano kay Lapu Lapu ang kaharian ng Mactan, siya ay nagkaroon ng kabiyak na prisesang si Bulakna, na anak ni Datu Sabtano. Pagkaraan nang isang taong pagaalay at pagdarasal, ang kahilingan ni Lapu Lapu sa Diyos ay natupad. Ipinagkalooban sila ng anak na lalaki, na pinangalanan nilang si Sawili.
Lumaking katulad ng matapang niyang ama si Sawili. Ang mag ama ay magkapiling na nagsasanay sa pagamit nang sandata at pakikipagdigmaan. Ito’y isang naging ritual ng mga kalalakihang taga Mactan, paghahanda sa paulit-ulit na tangkang pananakop ng mga Cebuano. Bago dumating ang mga Kastila sa Cebu at magkaroon ng sabuwatan ang dalawang panig laban sa Mactan, nabihag si Sawili ng mga Cebuano at sa kanila ay doon nakapiit. Sa pagkakataon ito, nakita at nabatid ni Sawili ang pananandata, kasuotang pangproteksyon at ang isasagawa ni Magallanes na pagsalakay sa Mactan, habang pinaliliwanag kay Haring Humabon. Sa pagkakabatid ni Sawili sa pagsasalakay na gagawin sa Mactan, siya’y nagpumilit at nagkapalad na makatakas. Sa pagagambang madakip at ang mahalagang babala na ibabalita sa amang Hari, si Sawili ay nilangoy ang makitid na dagat na naghihiwalay sa Cebu at Mactan.

Tulad ng isang “Athenian” na tagapagbalita, na si Pheidippides, na tinakbo ang malayong daan mula sa lugar na pinangyarihan ng “Battle of Marathon” hangang sa kapital ng “Athens” na may layong 35.5 kilometro, upang ibalita ang kanilang pagkapanalo laban kay Haring Darius ng “Persia”. Si Sawili ay halos malagutan ng hininga ng siya ay makarating sa amang Haring Lapu Lapu at ibinalita ang binabalak na pagsalakay sa kanilang kaharian. Hindi lang ito ang inihayag ni Sawili sa Haring ama, kung hindi ang kasuotang pangproteksyon ng mga Kastila, ang mga mahihinang pagitan na hindi maiawasang malantad; ang mga tuhod, mukha, siko, leeg at kung saan-saan pang bahagi ng katawan. Sinabi rin niya ang mga kakaibang mga sandatang ngayon lang niya nakita, na walang kalaban-laban naman ang kanilang; kampilan, pana at palaso, bato at sibat. Nagamba ang Haring Lapu lapu sa narinig, kaya siya ay tumahik at nagisip ng malalim.

…palabas na ang araw sa silangan ng 27 ng Abril,1521, samantalang ang mga Kastila sa pamumuno ni Magallanes ay lumulusong papunta sa kuta ni Lapu Lapu, kanilang nakikita na ang mga tauhan ni Lapu Lapu ay naghati sa dalawang pangkat. Ang kanang pangkat ay pinagugunahan ng beteranong pinagkakatiwalaan ni Lapu Lapu na si Bitadlok. Ang nasa kaliwa namang pangkat ay sa panguguna ni Sawali. Habang naghahati ang dalawang pangkat, natatanaw nila ang pangkat na pinagugunahan ni Lapu Lapu, na nasa likod naman nito ang pangkat ni Sampung Baha at Datu Umindig. Ang pinagtataka ng mga Kastila, ayon kay Pigaffeta ay ang hindi paglusob at tila naghihintay ng kung ano, ang mga taga Mactan. Nang pasimulan ni Magallanes ang paglusob at pagsunog sa mga bahay ng Mactan, biglang nagiba ang tension ng labanan. Ang mga taga Mactan ay nagsisigaw at sila ay pinaligiran, at sanhi ng kapansinpansin na si Magallanes ang namumuno sa mga Kastila, siya ang binalingan ng nakakarami. Tumusok ang isang palaso sa mukha ni Magallanes, isang sibat naman ang dumapo sa kaniyang katawan, isang palaso pa rin ang tumama sa kaniyang kanang siko, kaya nahirapan siyang hugutin ang kaniyang espada. Tinaga ng isang matipunong lalaking ang tuhod na nakalandad ni Magallanes, at ang lalaki ay dahandahang lumisan na tila ito na ang huling sandali ng Kapitan. Ito nga ang ikinatumba ng Kapitan sa tubig dagat ng Mactan na ubod ng pula, dahilan sa dumanak na dugo ng mga Kastila. Sa pagkakahiga ni Magallanes sa tubig, doon siya pinagtutusok nang mga kawayang pinatigas sa apoy na sintibay ng bakal. Ito ang huling larawan ni Magallanes na naiwan sa isip ng mga tumatakas na mga Kastila.

Ayon sa mga nakasaksi, ang matipunong lalaki na tumaga sa tuhod ng kapitan ay si Lapu Lapu. Kasawiang palad walang nagtala kung ano ang nangyari kay Lapu Lapu, pagkalipas nang digmaan sa Mactan. Ang alamat ni Lapu Lapu ay nagsasaad na siya ay nabuhay at naghari ng matagal sa Mactan. Siya ay naglaho na lamang isang araw na wala man lang paalam na ginawa sa kaniyang kaharian. Ang mga nakakatandang mamamayan ng Mactan ay nagsasabi, na si Lapu Lapu ay naging isang Dagat Bato na kung tawagin nila ay “Malingin” Isang “pipa” na pang hitit, ang inihandog sa Pangulong Sergio Osmena, at ito ay ipinalagay ng Pangulo sa Philippine National Museum. Ang “pipa” ay nangaling sa isang mananaliksik sa buhay ni Lapu Lapu, na kaapo-apohan ni Lapu Lapu na si…Canuto Baring.
ka tony
the 17th of March, 2007

2 comments:

  1. I believe this is the very first time I've read something on Lapu-Lapu in such detail... amazing :)

    ReplyDelete
  2. Salamat bcs,

    Well, some of these facts were like the Ilokano Epic "Lam-ang" hero's greatness were chant, 'cuz there was no one to write about someone's life. Might be some of the things I researched on Lapu-Lapu, were a mix of legend, like he turned into what is now called "Mactan Stne"

    ReplyDelete