Tuesday, October 7, 2008

Nasaan, Kailan at Alin ang Tunay nating Kalayaan?









-->
“Our principles of operation, is to attack and take small, medium cities and extensive rural areas first; TAKE BIG CITIES, THEN THE MAIN CITY LATTER” (quotations from Mao Tse-Tung’s Red Book). Hindi sa ibig ko laging bigyan ng halaga ang mga sinabi ni Mao Zedong, ngunit ang kaniyang pahayag na ito, ay isang makatotohanan at napakabisang operasyong militar. Noong panahon ng Roman Empire nagkaroon ng pagaalsa ang isa sa mga probinsya ng Roma, ang Carthage na ngayon ay bansang Tunisia, sa pamumuno ni Hannibal. Sapagkat ang dagat Mediterrane ay nasakamay ng mga Romano, si Hannibal, kasama ang kaniyang Carthegean militar at mga elepante ay umiwas, ‘di tinawid ang dagat ng Mediterrane sila ay umikot pa Hilaga, patungong Roma. Naglakbay sa baybayin ng Hilagang Aprika, tumawid sa Espania, Pransia (Gaul), nagdaan sa napakalamig na nagyeyelong bundok ng Alps at bumabang pa Timog, patungong Roma, upang salakayin ang lunsod sa likuran nito na walang dipensa. Tinatalo ang mga Carthegean ang mga Romano sa unang nilunsad na Punic War.

Ang mga Christian Crusaders sa kagustuhang makuha ang Holy Land na nasasakamay ng mga Muslim sa pamumuno ni Saladin, ay naging matagumpay lang sa karatigpook at hindi man lamang nakaapak sa lunsod ng Jerusalem. Sa dahilang ito, ang mga “Crusaders” ay hindi nagtagumpay kaya’t ang Jerusalem ay nasapoder pa rin ng mga Muslim.

Noong pangalawang digmaang mundyal, ang lunsod ng Berlin na kapital ng Alemania, ang siyang huling sinakop ng mga Axis Army, na naging sagisag nang pagtatagumpay. Ganoon din ang naging wakas ng Vietnam War, ang mga VietCong at Regular Army ng North Vietnam ay na sa Khe Sanh, Da Nang at iba pang malabundukin at kagubatan ng Vietnam. Ang huling-huling sinakop ng mga North Vietnam Regular Army at mga VietCong ay ang kabiserang Saigon, na kinatapusang pananakop at pakikialam ng Estados Unidos sa kanilang bayan.
Ang lunsod na kapital ng isang bansa ang kinakailangang sakupin, nang maipatupad ang tunay na tagumpay!!!

Mayo 1, 1898 – Battle of Manila Bay, tinalo at pinasuko ni George Dewey ang militar pangdagat ng Espania na nasa pamumuno ni Admirante Patricio Motoya. Dali-dali naman na itinatag ni Aquinaldo na para bang mayroong siyang “deadline,” ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Isinagawa sa probinsya, Kawit, Cavite at hindi sa lunsod ng Maynila. Bago itatag ni Aquinaldo ang kalayaan, katakot-takot na meeting ang nangyaring isinagawa ni Aquinaldo at kaniyang mga “self exile” na mga rebolusyonaryo (pagkatapos ng Pack of Biak na Bato); Gregorio del Pilar, Isidoro de los Santos, Jose Leyba at mga Amerikanong consul at Consul General E. Spenser Pratt. Idinaos ang unang meeting noong Abril 24, 1898, sa isang “Pub” na kung tawagin ay “Mansion River” sa Singapore. Sa Pub na ito pinagusapan ang misyon ng mga Amerikano na paalisin ang mga Kastila sa mga natitirang mga islang kolonya nito; Cuba, Puerto Rico at Pilipinas na kasama ang Guam. Sa pangyayaring pakikipagpulong ni Aquinaldo sa mga Amerikano, ang paktong kasunduan na nilagdaan niya at mga Kastila sa Biak na Bato, ay kaniyang sinuway. Marami pang sunod-sunod na meeting ang nangyari, tuloy umuwi sa Pilipinas ang mga self exile na mga rebolusyonaryo. 

Sa ginawang pagbalik sa Pilipinas, lumabag na muli sa kasunduan ng Pack of Biak na Bato. Marami pang paulit ulit na mga meeting ni Aquinaldo at mga Amerikano. Hangang iproklama nga ni Aquinaldo sa Kawit, na kaniyang lunsod ang Kalayaan ng Pilipinas noong Junyo 12, 1898. Subalit ang pagkaproklama na sinagawa ay hindi dinaluhan ni isang Amerikano. Bakit, hindi ba’t sila ang ating comrade at arms? Kaibigan? Kakampi? Walang Gringong dumalo kahit mayroong imbitasyong isinagawa at ibinigay ni Aquinaldo. Maliwanag na ayaw ng mga Amerikano na kilalanin ang sting kalayaan. 

Hulyo, 1898, pinutol ng mga rebolusyonaryo ang rasyon ng tubig at pagkain sa Intramuros. Tuloy lahat ng mga residente sa loob ng siyudad ay walang mainom at makain. Ang mga naninirahan dito ay umaasa na lang sa ulan at napakaduming tubig mula sa balon. Mga kabayo, aso, pusa pati na daga ang kinakain ng 250,000 taga Intramuros. Tambak ang mga basura sa lansangan, tuloy marami ay nagkasakit. Ang niutral na konsul ng Belgium na nasa loob ng Intramuros ay nagsilbing mensahero ng Kastilang Kapitan Heneral Fermin Jaudenes at Amerikanong Heneral Wesley Merritt. Maladiplomasiyang pagalang ang isinusulat ng mga Kastila sa mga Gringo, tulad ng…

“Very respectfully” “Kissing the hands of your excellencies” “Without prejudice to the high sentiments of honor and duty which your excellency entertains”
Ang kabuoang nilalaman ng liham ng Kastilang Kapitan Heneral Fermin Jaudenes kay Heneral Wesley Merritt ng Amerika ay kahilingan ng pagsuko sa dahilang kawalaan ng pagasang magwagi sa kasalukuyang kondisyon nila sa Intramuros. Dalawa ang kanilang kahilingan sa mga Gringo…

1. Nais ni Jaudenes na mangako ang Gringong Heneral Merritt na huwag payagan, pigilan ang mga naghihimagsik na Pilipino, makapasok sa Intramuros.
2. Ang mga Amerikano ang pormal na magpapasuko kay Juadenes at mga naninirahang mga Kastila sa loob ng lunsod. Ito’y dapat na tuparin upang hindi mabahiran ang kaniyang kahihiyan at onor ng Espania.

Ang liham ay sinagot naman ni Heneral Merritt "We purposely gave the insurgents no notice of the attack on Manila, because we did not need their cooperation."

Halos lahat naman nang mga karatigpook sa labas ng Maynila ay nasa kamay na ng mga Pilipinong rebolusyonaryo. Galing Camino Real, ang puwersa ni Aquinaldo ay papasok sa Malate sa harapan ng Fort San Antonio Abad, mayroon rin sa Singalong, Sta. Mesa at Tondo. Ang kahanga-hangang pangyayaring tagumpay na isinagawang magisa ng mga Pilipino, sa pamumuno ni Aquinaldo! Isang Amerikanong war correspondent F.D. Miller ay sumulat… 

”the Insurgents had accomplished wonders in forcing the enemy (Spanish) to retire to their inner line of defenses, though they were practically without artillery.”

Si Dewey naman at ang kaniyang puwersang pangdagat ay nasa Manila Bay na hindi tumitinag. Ang mga American land troops ay hindi rin kumikilos hangang sa dumating ang buwan ng Agosto, ito’y isinagawa upang huwag lumabag sa kautusang galing sa Washington…

”Land soldiers are not allowed any positions, save several hundred yards from the Insurgents’ frontlines.” 

Nang dumating si Aquinaldo at mga rebulusyonaryo at napaligiran ang Intramuros, Si Aquinaldo ay patumpik-tumpik na tila may hinihintay na kung ano? Tila hindi mawari kung ano ang gagawin? Bakit?

Ang mga mahiwagangang katanungan ay ito…
1. Bakit tila naghihintay na kung ano, itong si Aquinaldo sa pagsalakay sa Maynila (Intramuros)? Napakalaki ng pagkakataon at panahon niya at ang kasamang mga rebolusyonayo na sakupin ang lunsod at angkinin ang tagumpay? Ano ang hinihintay ni Aquinaldo?
2. Bakit kumableng dali-dali si Dewey sa Washington at nagaalala na ang mga Pilipino ay nagwawagi at pinaliligiran na ang Maynila (Intramuros)?
3. Ano kaya ang tunay na detalya sa kasunduan ng mga Kastila at mga Amerikano bukod sa pagkakabenta ng mga Kastila sa mga Gringo sa kanilang nalalabing kolonyang mga isla, ng kanilang lagdaan ang Treaty of Paris?
4. Ano kaya ang pinagusapan sa meeting na isinagawa nila Aquinaldo at nang mga US consuls sa Singapore at Hongkong? Meeting nila Aquinaldo at Dewey? Nila Aquinaldo, General Merritt at General Greene?
5. Saan napunta ang salaping kabayarang ibinigay ayon sa kasunduan ni Aquinaldo at nang Kolonyal na Pamahalaan ng Kastila sa Pilipinas sa Biak na Bato. Ang kabayarang salapi ay nasa kamay ni Aquinaldo at kaniyang mga kasamahang Junta sa Hongkong. Bakit inudyokan ng mga Amerikano sina Aquinaldo na sumuway sa kasunduang Biak na Bato? Sa ginawang ito, mayroon kayang kabayaran na naman na nangyari?

Ika-9:35 ng umaga, Agosto 13, 1898, ang Gringong bapor na Olimpia at tatlo pa nilang bapor na pangdigma sa pamumuno ni George Dewey, ay patuloy sa pagkanyon sa Fort San Antonio Abad at na nagiingat na huwag tamaan ang Intramuros. Matapos ang pagkanyon na isinagawa, tulad ng Kastilang Admirante Patricio Montojo, si Juadenes ay winagayway ang puting bandila, bilang pagsuko nila sa mga Amerikano. Ika-11:20 ng umaga, ang hukbong Amerikano ay pumasok sa lunsod ng Intramuros (Maynila) at kanilang itinirik ang bandilang Gringo. Ang pinakamura, pinakamaigsi na digmaan sa kasaysayan ng Amerika, hangang sa kasalukuyan! Pinakakaunting nasugatan at namatay - tatlungpu’t tatlo ang sugatan at sampung Amerikanong sundalo na nagbuwis ng buhay sa “Mock Battle of Manila,” tagumpay na inangkin ng mga Gringo.

Maraming kilalang Amerikano ang sumalungat at binatikos ang imperialistang hakbang na ginawa ng kanilang bayang Estados Unidos. Andrew Carnegie, Grover Cleveland, Samuel Gompers, William Jennings Bryan at ang batikang manunulat na si Mark Twain na nagsabi…

“We have pacified some thousands of the islanders and buried them, destroyed their fields, burned their villages and turned their widows and orphans out of doors. The White Man’s Burden has been sung! Who will sing the Brown Man’s?”

Taong 1902, ng opisyal na natapos ang digmaang Pilipino/Amerikano, 5,000 Gringo ang tinala na namatay, na ang karamihan ay namatay sa init at sakit, samantalang 20,000 naman na mga Pilipinong pumanaw na ang karamihan ay sibilyan na walang kinalaman sa digmaan. Pilipinas ang unang Vietnam, Grenada, Somalia, Panama, Kuwait, Afganistan at Iraq. Ang natutunan at karanasan sa pananakop at kung paano maaakit ang “Hearts and Minds” ng mga nasasakupan ay natutunan sa pagkakasakop sa Pilipinas ng mga Gringo, nang mahigit na ngayon 210 taon.

Napakahiwaga ang kasaysayan ng kalayaan ng Pilipinas. 
# Marso 16, 1521 – ang mga Kastila ay sinakop tayo upang palayain ang kaluluwa ng Pilipino sa kasalan ng demonyo. 
# Mayo 1, 1898 – sianakop tayo ng mga Gringo upang palayain tayo sa mga mapagaping mga Kastila. 
# Disyembre 10, 1941 – sinakop tayo ng mga Hapon upang palayain tayo sa mga kolonyalistang Gringo. 
# Oktubre 14, 1943, opisyal na binigay ng mga Hapon ang ating kalayaan. 
# Pebrero 3, 1945 – muli tayong sinakop ng mga Gringo upang palayain tayo sa mga imperyalistang Hapon. Hangang sa bigyan nila tayo ng pekeng kalayaan noong Hulyo 4, 1946, na itinulad sa buwan at araw ng kalayaan ng kanilang bayan Estados Unidos. Isinagawa ng CIA ang peaceful revolution na “People Power,” Pebrero 22, 1986, sinasabi rin na ito ay kalayaan natin sa ganid na diktador ferdinand marcos. Alin, nasaan at kailan ang tunay nating kalayaan?

Tunay nga kayang malaya na tayo noong Hunyo 12, 1898? Tayo ay magiging malaya lamang kung ating tuluyang lalagutin ang mga taling nakakabit sa nagpapagalaw sa puppet na nakaraan at kasalukuyan nating pamahalaan. Saka lang marahil tayo ay buong puso may kasagutan, sa katanungang… 
mauulit kata ang mga kasakiman at malagim na nangyari sa ating kasaysayan?

ka tony
revised, the 27th of September, 2008
…about the painting above - “Filipinas, Cuba y Puerto Rico Libres” (copyright)
Artist – Tony Donato / Size - 35” X 30” / acrylic on canvas – the painting symbolize freedom from colonialism, imperialism, racism & freedom from sickness. Tri-color, triangle & stars of the Philippines’, Cuba’s & Puerto Rico’s flag are presented, the three last Spanish island colonies.
This painting was featured at “La Pena Cultural Center” Berkeley, California. All 25 exhibited paintings at La Pena CC, were silk screened and made into posters. Thousands copies of posters were sent to Cuba, to different cultural centers and galleries in Europe to raise funds to help Cuba’s AIDS Foundation.

14 comments:

  1. Wow, you're good ka Tony! I'm sure your writings will be very helpful to students of Philippine History. Btw, I linked your blog to mine for easier visiting! Mabuhay Ka!

    ReplyDelete
  2. Parang nakaupo muli ako at nakikinig sa isang E.D. sa lilim ng malagong puno sa iskul!

    ... at naghihintay ng hudyat mula sa kanayunan ng tamang oras...

    Keep it up Ka Tony!

    ReplyDelete
  3. Hi Dennis,

    Maraming salamat sa iyong pagbisita at pagiwan ng papuri! Salamat rin at iyong iuugnay ang aking abang pahina sa ating magaaral.

    Tunay na nababakas sa iyong mga ugat ang kabutihan at kagalingan ng nasirang Gatpunong YEBAH!!! Antonio Villegas!

    ka tony

    ReplyDelete
  4. Salamat sa iyong pagdalaw Office Assistant,

    Iyong ipagpatuloy ang mga ginintoang mga aral at ulat sa iyong blog. Napakalaking tulong sa amin at ating mga kasama sa opisina! Aking tinala ang iyong blog sa aking pinapasukang kalakal upang gawing sangunian sa pagoopisina!!!

    Maraming salamat na muli,
    ka tony

    ReplyDelete
  5. Maraming salamat po Ka Tony! Malaking tulong po ang ginawa niyo para sa adhikain ng blog ko.

    Kung meron po silang nais na malaman o pag-usapan na may kaugnayan sa ating blog, wag pong mag-atubiling ako'y sabihan.

    Hintayin ko ang susunod mong post!

    ReplyDelete
  6. Ka Tony,
    Maraming salamat po sa inyog pag-ugnay sa akin sa aking Lolo Tonio (sumalangit nawa). Bagamat napakatagal na po nung huli ko siyang makita ay natatandaan kong malinaw ang kanyang mga pagkarga sa akin noong ako'y batang-bata pa.
    Napakahusay ninyong managalog, nakakahiya na kami pang narito sa Pilipinas ang lagi na lamang nagsasalita ng wikang banyaga..
    Kahanga-hanga, ka Ka Tony!

    ReplyDelete
  7. Salamat na muli Office Assistant,

    Aking inemprenta ang iyong "Phone Calls ...The way we handle phone calls reflects the personality of our company" kasama ang iyong blog site at aking ipinastel sa bawat telepono ng aming opisina.

    Napakarami sa aking mga kaopisina ang namangha sa napakasimple subalit napakahalaga at nalimutang magalang na paraan sa paggamit ng telepono. Dito napapatunayan na ang maliliit subalit napakahalaga at makataong gawain ay nakakaligtaan!

    Maraming salamat na muli sa paggising sa aming nakatulog na paraan ng paggalang,
    ka tony

    ReplyDelete
  8. Salamat Dennis,

    Si Alkalde Lacson ay nagpaunlad at naghubog ng makabagong Maynila. Subalit si Gatpuno Antonio Villegas bukod sa ipinagpatuloy ang naiwang panukala ng nasirang Alkalde Lacson, ay binigyan ng kulay, halaga at naglagay sa Maynila na isa sa pangunahing lunsod sa buong mundo!

    Si Gatpuno Villegas ay isa sa mga taong nagmulat sa aking kaisipan at mga mata, sa aking mga nagawa at ginagawang mga sining. Tulad nito...

    http://katonynabanlawkasaysayan.blogspot.com/2008/07/maynila-na-wala-nang-nilad.html

    Napakahalaga at nakatutuwang kita'y makilala Dennis, na kadugo ng aking hinahangaang Gatpuno Villegas!

    Noon pa man'y Pilipino ang aking laging gamit na salita. Bukod sa malarawan, ang ating wika ay nararapat na ipagmalaki na sinasagisag at pinatutunayan na tayong mga Pilipino ay may kultura at karunungan bago pa ang ating bayang Pilipinas, ay ginawang kolonya ng mga imperyalista. Matagumpay na nabura at naipunla ng mga kolonyalista sa ating isipan na ang pagsalita sa ating wika ay "baduy."

    Muli akong nagpapasalamat at nagbibigay halaga sa ating pagkakaibigan,
    ka tony

    ReplyDelete
  9. magiliw kong tinaludtod ang mga pahimakas mula sa inyong isip at diwa, ang kalayaan ay nilalakbay pa rin hanggang ngayon bagamat ito ay ginagawang patag ng kasalukuyang uring naghahari sa ating inang bayan.

    hindi ko tiyak kong malayo pa o malapit na ang kalayaan, malinaw o malabo subalit napakaraming hamon sa aming panahon ng paglalakbay at pag awit kung sakaling nasa bungad na ang kalayaan. isa lamang ang tiyak, kulay pula ang kulay ng kalayaan at ito ay isisilang sa bunganga ng karbin at ng armalite at sa mga puluhan at sundang ng mga karaniwang mamamayan at ilang panggitnang uri,

    hayaang ang mga kabataang nasa panahon ngayon ay limbagin ng kanilang anyo at magturing kung anong bukas ang mayroon.

    subalit aanhin pa ang sinag ng araw sa silangan kung wala ng tao sa mahal na bayan.

    hanggang sa muling pagbubuklod

    maraming salamat sa ambag sa panitik ng lipunan

    nagpupugay


    ginoong girlie e amarillo

    ReplyDelete
  10. magiliw ko pong tinanggap ang inyong mga titik sa blog na ito. napupukaw ang mga diwa at ispiritung magpapaalab ng mga damdamin upang maitanghal ang mga dapat malaman ng sambayanan

    subalit ang mga nakaraan ay mga bagay na bahagi ng paglalakbay tungo sa kalayaan.

    ang kalayaan ay hindi ko makita kong malinaw o malabo kung malayo o malapit subalit ang tiyak ay nagagamit itong patag na tuntungan ng kasalukuyang uring naghahari sa bulag kong bayan

    hindi rin ito makakaligtas sa mga kasalukuyang hamon ng modernisasyon at globalisasyon, hayaang lumikha ang panahon ng mga kabataan pilipino ng kanyang panahon at luminang ng mga gamit pandigma tungo rito

    ipapanganak ang kalayaan sa bunganga ng mga karbin at armalite at 38. hahawakan ang kalayaan sa sapuha ng mga gulok at sundang at hindi mahihimlay sa mga kaluban nito.

    kulay pula ang kalayaan at kulay pula rin ang mga tagapanguna dito.

    kung sakaling nasa bungad na ito ay hayaang linisin ng kanyang katawan ang kanyang katawan sapagkat ginawa ng diyos ang gma bagay na may kanya kanyang gamot

    mapait man ito o matamis ay magdudulot ito ng kaginhawaan.


    malaking ambag sa panitik ang ganitong pamukaw ka tony, sana ay maraming isda ang kumutib sa inyong pain pra mapangahasan nilang maprito at maihayin sa karangyaan ng nagpapasasa sa katangahan at pawis ng iilan

    mula sa perpektibong bagong pilipinista.

    nagpupugay


    ginoong girlie e. amarillo

    ReplyDelete
  11. ang mga luhang papatak at pumatak ay sa kadahilanang pagal at duwag ang mga damdamin para sa bayan at pinanatili ang balanang kaayusan. hindi maaring ibiging kumain ng adobo ng hindi maluha sa paggayat ng sibuyas.

    pahiran ang mata at suminga at linisin ang mga daanan ng hangin at hayaang ang mamutawi dito ay ang sigaw ng damdaming putang ina nila, walang ibang panahon ngayon na

    kung walang armas ay dapat na gumamit ng pluma at papel para tudlain at tumba sa pamamgitan ng diwa at isip ang mga tiwali at suwail sa bayan

    ReplyDelete
  12. "...hindi maaring ibiging kumain ng adobo ng hindi maluha sa paggayat ng sibuyas.

    pahiran ang mata at suminga at linisin ang mga daanan ng hangin at hayaang ang mamutawi dito ay ang sigaw ng damdaming putang ina nila, walang ibang panahon ngayon na"


    Maraming salamat sa napakaganda at napakamalaman na pagtugon Girlie,

    Tunay na napakatagal nang panahon ang pagdurusa ng ating bayan sa mga kolonyalista, kaakbay ang mga gahamang politikong Pilipino sa pagsasamantala. Habang ang taong bayan ay nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan, nagtatanga-tangahan at nagmamanhid-manhiran, tuloy lalo namang lumalala ang pagwawalanghiya ng dalawang magkaakbay.

    Sana'y tayo ay magising sa hapdi ng kawalanghiyaan, at sumigaw nang "NGAYON NA!!!" bago ang araw na tayo'y tunay na wala nang pakiramdam, pumanaw sa gutom na nahinatnan!!!

    Maraming salamat na muli Girlie,
    ka tony

    ReplyDelete
  13. maraming salamat po sa pagtugon ka tony

    hindi mapigil ang mga damdamin gdapat pangahasan nating palibogin sa pamamgitan ng kompyuter at internet ng sa ganun ay makabuo tayo ng bagong kultura na magpapalaya sa ating bayan.

    marahil ito talaga ang ipanagkaloob sa atin ng Diyos sa panahon natin subalit ang mga piglas at tahip ng puso ay patuloy na namamangha sa kalagayan ng buhay ng ating mga abang kapatid. sa panahong gamit ang pulpito ng panahon ni risal hangganag sa panahong ni GMA ngayon, sa panahong ang katwiran at katarungan ay isang krimen at ang kabuktutan ay kabanalan. ito ay ang panahon natin. at hindi ako papyag na mamayani iyan sa ating panahon, hindi.


    sulong kawad at kable. iparating sa pamamgitan ng teknolohiyang ito ang laman ng ating damdamin at baligtarin ang kaayusan pra sa kanila na kaguluhan at kagutuman para s atin.


    g. girlie amarillo

    ReplyDelete
  14. G. Girlie Amarillo,

    Ako'y muling nagpapasalamat sa iyong napakamakatuwiran at napakagandang kakaibang panawin sa mga nangyayari sa ating bayan!

    Mabuhay ka Girlie!!!

    ReplyDelete