Maging isang pagsusuri sa sarili ang ibig sabihin ng "Pilipino Identity" Upang pasimulan papandayin ang bansang ganap na malaya, maunlad, mapayapa at makatarungan para sa lahat, sa ating mga anak at sa susunod na salin-lahi!
Wednesday, April 2, 2014
First Declaration of Philippine Independence at Pamitinan Cave
...On April 12, 1895, Andres Bonifacio first declared Philippine independence inside a cave called Pamitinan in Montalban (now Rodriguez town) in Rizal.
Earlier, together with Emilio Jacinto, Restituto Javier, Guillermo Masangkay, Aurelio Tolentino, Faustino Manalak, Pedro Zabala and few others, Bonifacio went to the interior parts of Morong (now Rizal province) to find a place to hide in case of the discovery of the Katipunan by the Spanish authorities.
...ang Abril 12, 1895, kung babalikan ang taon at araw na ito'y "Biyernes Santo." Halos lahat ng mga Katipunero, pati na ang Supremo Bonifacio ay may personal na anting-anting. Kinaugalian ng mga nagaari ng anting-anting, sila'y nagtutungo sa maalamat na kabundukan tulad ng Makiling o bundok ng Montalban na pinaniniwalaan na ang maalamat na kuweba ng Pamitinan, ang tinirhan ni Bernardo Carpio. Kaya ang Supremo, Emilio Jacinto at ang iba'y nagtungo sa kuweba ng Pamitinan upang subukan ang bisa ng kanilang anting-anting.
Ayon sa "kasaysayan" dito raw sinulat ng Supremo Bonifacio sa isang pader ng kuweba ang... "Viva La Independencia Filipinas"
...bilang mananaliksik ng kasaysayan, marami akong katangnungan sa pangyayari at sinasabing bahagi ng kasaysayang ito...
1) nang pinundar ang masang himagsikan at pamahalaan ng Katipunan noong Hulyo 7, 1892, ang Supremo Bonifacio ay pinatatawag bilang pangalan ng ating bayan ay "Haring Bayang Katagalugan." Ayon sa Supremo ang "Filipinas" ay pangalang kolonyal, kung ganoon bakit sinulat ng Supremo sa pader ng kuweba'y "Filipinas" at hindi "Katagalugan?"
2) ayon kay Virgilio Almario... "wala sa alinmang katutubong wika ng Pilipinas ang salitang laya?.. malaya?... at Kalayaan? .... Kung ganoon, saan kaya napulot nina Bonifacio at Jacinto ang salitang Kalayaan?" at ayon pa rin kay Almario ang salitang "laya" ay ginamit ni M.H.del Pilar sa propagandang pahayagan noong 1882, kung ganoon'y 10 taon nang ginagamit ang salitang "laya" at dinagdagan ng Supremo Bonifacio at Jacinto ng "ka" upang maging "kalayaan." Bakit sinunulat ng Supremo ang "Independencia" kung tunay na nanggaling ang salitang "kalayaan" kay Bonifacio at Jacinto, bakit hindi nila ito ginamit?
3) kung ang pangalang "Filipinas" ay isang pangalang kolonyal para sa Supremo Bonifacio, bakit salitang Kastila ang sinulat niya sa pader ng kuweba ng Pamitinan at hindi wika ng Katagalugan? "di sana'y nagsasaad ito ng...
"Mabuhay ang Kalayaan ng Haring Bayang Katagalugan!"
...isa na naman ba itong "matalinghaga" o "subliminal" na pagpapaling at pagbabaluktot sa ating kasaysayan at binibigay na titolo ng mga kolonyalista tulad ng tila napakagiting pakingan na... "the last general to surrender" ...but to whom did this brave general surrendered? ...sa ating mga kolonyalistang Kano na nagbigay ng "deadline" sa pagsuko ng ating mga bayani, upang huwag nilang ibilang na bandoleros o tulisan, tulad ni Macario Sakay.
- ka tony
ika 11 ng Abril '13
No comments:
Post a Comment