Thursday, August 31, 2017

Ang radikal na ideyang "Primer Filipino" (First Filipino)













"Primer Filipino" (First Filipino) - ay makatulad o makawangis ang Kastila, sa wikang Ingles ito'y "assimilation." Tulad ng karamihang mga bansa ngayon sa Amerika na dati'y kolonya rin ng Espana, ang mga naghimagsik laban sa kolonyalismo upang maging isang malayang bansa ay ang mga Kastilang nagtungo at nanirahan doon, mga "creoles" na naging anak nila na doon isinilang at mga mestizo na pinanganak mula sa dugong Kastila at katutubo.
Sa lahat ng naging kolonya ng Espana, Pilipinas lang ang bukod tanging masang lipunan "Indio/Tagalog" ang nagtaas ng kanilang kamao na sinimulan ng Supremo Andres Bonifacio at Gat Emilio Jacinto, himagsikang para sa kabuoang kalayaan laban sa kolonyalismo. Hindi tulad ng ating "viceroy" na Mexico na mga Kastila, creoles at mestizos ang siyang naghimagsik at humiwalay sa "Madre Espana." Ang hagdanan ng lipunan noong panahon ng mga Kastila sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:
1) ...penisulares - Kastilang naninirahan sa kolonyang Pilipinas na ipinanganak sa Espana
2) ...insulares/creoles - mga anak ng purong Kastila na ipinanganak sa Pilipinas
3) ...mestizos - anak ng Kastila at Indio
4) ...indio/tagalog - dugong Tagalog o Katutubo
5) ...sangley - Insik

Dahil sa diskriminasyong tinatangap ng mga insulares/creoles at mestizos mula sa mga penisulares, nagkaisa ang mga creoles na magbuo ng samahang propaganda na sinimulan ng radikal ng paring creole Pedro Pelaez, na sumulat noong 1880 kay Reyna Isabel ng Espana sa pagtataguyod ng Sekular na Simbahan ng Pilipinas, sanhi rin ng nararanasang diskriminasyon ng mga paring creoles mula sa mga peninsulares. Sa lahat ng mga creoles/insulares na itinaguyod at pinagmalaki ang hagdan ng lipunan na kaniyang kinatatayuan ay si Don Luis Rodriguez Verela (El Conde Filipino), ang kauna-unahang creoles/insulares na tinawag at pinagmalaki ang kaniyang sarili na "Primer Filipino" (First Filipino). Ang radikal na ideya ni Padre Pedro Pelaez at idelohiya ng Rebolusyon ng mga Pranses ay pinagsama ni Luis Rodriguez Verela sa kaniyang mga sinulat na mga aklat, tulad ng: "El Parnaso Filipino" (Filipino Parnas), "Elogio a las provincias de la Espana Europea" (Eulogy to the provinces of Spain), "Himno Patriotico que en la Solemne publicacion de la Constitucion Espanola en la Capital del Reyno de Filipinas" (Anthem patriotic to the solemn publication of the Spanish Constitution in the Capital of the Kingdom of the Philippines), atbp... na ang kabuoang repormang hinihiling ay:
# ...pagwakas sa kasalukuyang segregasyon nangyayari at pagtataguyod ng pantay na lipunan sa lahat ng naninirahan sa kolonyang Pilipinas
# ...gawin probinsya ng Espana ang Pilipinas
# ...magkaroon ng kinatawang Pilipino sa pamahalaang Madrid, Espana
# ...pagtataguyod ng mga libreng paaralan para lahat ng mga naninirahan sa buong kapuluan
# ...pagwawalang bisa sa patakarang "polo" (labor service) at "vandala" (forced sale of local products to the government)
# ...bigyan ng pagkakataon ang sino man na naninirahan sa buong kapuluan na makipagkalakalan, tuloy bawasan ng monipolyong karapatan sa kalakalan ng mga penisulares at sangley.

Ang radikal na ideya ni Padre Pedro Pelaez at "El Conde Filipino" Luis Rodriguez Verela, ganoon din ang mga radikal na creoles na sina Manuel Zumalde at Jose Javier de Torres, ay nakapagbukas sa mapusok na kaisipan ni Padre Jose Burgos, na naging estudyante at disipulo ni Padre Pedro Pelaez. Bagamat lahat sila'y Kastilang creoles at pinagmamalaki na sila ay "Filipino," tulad din ng ginawang insureksyon ng creoles na si Andres Novales sa Maynila (Intramuros, "Palmero Revolt of 1828), silang lahat ay hindi sangayon na humiwalay ang Pilipinas sa "Madre Espana."

Dahil sa himagsikang naganap at naging malaya ang Mexico na "viceroy" ng Pilipinas, sana'y tayo rin ay lubos na malaya na noong pang 1821, kasabay din nito'y ang pagbubukas ng Suez Canal sa Ehipto na nakapagpaigsi ng paglalakbay Europa at Asia, ang kolonyang Pilipinas ay direktang hinawakan na ng Madre Espana. Dahil din sa maigsing paglalabay patungong Espana mula Pilipinas sa pamamagitan ng Suez Canal, ang mga nagsipagyamang mga mestizos dahil sa korap na Galleon Trade, ay nakapagaral at nakapaglakbay sa Europa. Tuloy ang ginawang pagtungo at naranasang kabuhayan sa Europa ay nakapagbigay "liwanag" sa mga indios/tagalog kaya't sila ay tinawag na "Ilustrados" (the enlightened ones). Hiniram at ipinagpatuloy ng ang ilustrados ang kakaiba at radikal na ideya ng mga "Primer Filipinos" at tinawag ang kanilang binuong samahan na "Indios Bravos."

Dahil din sa diskriminasyon na niraranas ng mga ilustradong "Indios Bravos" mula sa mga peninsulares, insulares at mestizos, sila ay gumawa rin ng manipestong na hinintulad mula sa mga creoles na "Primer Filipinos:"
# ...gawin probinsya ng Espana ang Pilipinas
# ...taging uring ilustrado tulad nila lamang ang bigyan ng karapatan na gawing kinatawan na Pilipino sa pamahalaang Madrid, sa Espana
# ...palitan ang lahat ng kura-parokong Kastila ng Pilipinong paring sekular ng mga paroko at sityo
# ...layang makapagtipon at makapagpahayag
# ...pantay sa mata ng batas ang sino man tao na nasa ano man kinatatayuan na hagdanan ng lipunan

Subalit tulad din ng mga creoles na "Primer Filipinos," ang mga ilustrados ay hindi sangayon na humiwalay ang Pilipinas sa Madre Espana. Ito'y kanilang pinaliwanag sa repormanistang propagandang pahayagan na nilimbag sa Barcelona at tinaguyod noong ika-15 ng Pebrero, 1889 - "La Solidaridad" upang mapaliwanag at maintindihan ng pamahalaang Madrid ang repormang hinahangad at minumungkahi ng mga ilustrados. Ang La Solidaridad na pinamunuan ng ilustradong Galicano Apacible (pinsan ni Jose Rizal) at ang naging editor nito na si Graciano Lopez Jaena. Maraming mga ilustradong nagambag ng kanilang artikulong mga sinasaloob na damdamin sa propagandang pahayagan La Solidaridad, subalit dahil sa pangambang sila'y matunton ng mga Kastilang cortes sa kanilang paguwi sa Pilipinas, hindi nila ginamit ang kanilang tunay na pangalan kung di'y kanilang "nom de plume:"
# Graciano Lopez Jaena (Diego Laura)
# Dr. Jose Rizal (Laong Laan at Dimasalang)
# Marcelo H. del Pilar (Plaridel)
# Antonio Luna (Taga-Ilog)
# Mariano Ponce (Tikbalang)
# Jose Maria Panganiban (Jomapa)
...ganoon din ang iba pang mga nagambag ng kanilang mga artikulo: Jose Alejandrino, Anastacio Carpio, Eduardo de Lete, Juan Luna, Miguel Moran, Pedro Paterno, Antonio Maria Reyes, Ferdinand Blumentritt at Miguel Morayta Sagrario.

Ang propagandang pahayagang La Solidaridad ay tumagal mula 1889 hangang 1895, na nakapaglabas nang 160 sipi sa loob nang halos pitong taong tinagal nito. Pinagpatuloy ang pagiging editor propagandang pahayagan ni Marcelo H. del Pilar (Plaridel), hangang sa pagsasara at pinakahuling sipi nito noong ika-15 ng Nobyembre, 1895 sa dahilang wala nang magabuloy ng halaga na pagpapatuloy ng paglilimbag nito at sustentong kinabubuhay ng editor na si Plaridel. Sa kahuli-hulihang sipi ng La Solidaridad bilang pagpapaalam, sinulat ni Plaridel ang ganito...
"Estamos convencidos de que no hay sacrificios son demasiado poco para ganar los derechos y la libertad de una naciĆ³n que es oprimida por la esclavitud." ("We are persuaded that no sacrifices are too little to win the rights and the liberty of a nation that is oppressed by slavery.")

Bagamat maraming naniniwala na ang repormanistang pahayagang La Solidaridad ay isa sa mga maraming dahilan na nakapagbigay ng ideya patungo sa armadong himagsikan ng Supremo Bonifacio at Gat Emilio Jacinto, ito'y pinabulaan ni Gat Emilio Jacinto, na nagsabi...
"Pitong taung walang tigil na ang La Solidaridad ay kusang nagpumilit na iniubos ang buong lakas niya, upang tamuhin natin ang mga matamo ng kaunting karapatan sa kabuhayan ng tao, at ano ang inabot niyang pala sa mga pagud at panahung ginugol? Pangako, daya, alipusta at mapait na pagkamatay"
- Ika-6 na pahayag ni Gat Emilio Jacinto sa kanyang "Sa mga Kababayan" (Editorial para sa Diariong Kalayaan)

- ka tony
ika-16 ng Pebrero, 2015

No comments:

Post a Comment