Saturday, August 4, 2018

Saan ang talaarawan ng Katipunerong Castor de Jesus?



...sa mahabang panahon na himagsikang ating pakikipaglaban sa kolonyalistang Kastila at Amerikano tatlo lamang ang nagtala o nagsulat ng kanilang “memoir” ayon sa pakikibaka at buong pangyayari. Sa tatlong nagtala nito’y dalawa lamang ang nilimbag na maging aklat:
# ...Katipunan and the Revolution, Memoirs of a General - by Santiago Alvarez
# ...Memoirs of General Artemio Ricarte
Kaya naman ang dalawang aklat na Ito’y siyang nagsilbing basehan ng mga batikang Pilipinong mananaliksik at historyador, maliban sa karagdagang mga ulat mula sa mga lumang pahayagan, dokumentong militar, personal na liham at pakikipanayam. Ang dalawang heneral na “Magdiwang” Santiago Alvarez at Artemio Ricarte ay naninirahan sa Cavite, tulad ng ibang mga heneral ng Katipunan sa iba’t ibang probinsya ay nagtutugo lamang sa Arrabales ng Maynila kapag nagtawag ang Supremo Bonifacio ng mahalagang pagpupulong. Ang pagkakabunyag ng lihim na samahang Katipunan ay nagsanhi sa pagdideklara ni Gobernador Heneral Ramon Blanco ng batas militar noong Augusto 30, 1896 sa walong lalawigan: Arrabales ng Maynila, Bulacan, Cavite, Pampanga, Tarlac, Laguna, Batangas at Nueva Ecija. Subalit ang sentro ng maarmadong lakas militar ng mga Kastila ay nasa Arrabales ng Maynila, kaya naman ang kaibahan ng Katipunan ng Tondo at Balintawak ay puno ng pakikipaglaban sa malakas at maarmas na mga Kastila, sapagkat Ito’y nasa labas lamang ng Intramuros. Kaya naman ang madugong mga sagupaan tulad ng pagsalakay ng Supremo Bonifacio, Gat Emilio Jacinto, Gat Macario Sakay, Genaro de los Reyes at Vicente Leyba sa “El Polvorin” ng San Juan del Monte (Pinaglabanan) na kung saan nakalagak ang mga sandata ng mga Kastila, ang nakasagupa nila’y beteranong casadores, bukod pa sa malakas na mga armas nito. 

Ang isa pang laging kasama bago pa ipinundar ang Katipunan ay si:
# ...Castor de Jesus.
Siya ay isa sa mga orihinal na Katipunero, siya ay pinsan-buo ng Lakambini ng Katipunan - Gat Gregoria de Jesus. Si Castor de Jesus ay nasaksihan ang pagbubuo ng lihim na samahang Katipunan, kasama ng Supremo Bonifacio kung saan naganap ang unang sigaw, ang naganap na pagsalakay nila sa “El Polvorin” sa San Juan del Monte (Pinaglabanan), pag atras sa Balara, ang pakikipaglaban nila’t tagumpay sa Ilog ng Nangka, matapos magtago sa arrabales ng San Nicolas ang Supremo kasama ang kapatid niyang Procopio at Gat Emilio Jacinto, hinatid ni Castor de Jesus ang nagdadalang-taong pinsan niyang Aling Oriang sa Sampiro de Makati na kung saan nagkita ang magasawa at nagpatuloy na naglakbay patungong Cavite upang pagkasunduin ng Supremo Bonifacio ang dalawang panig doon ng Katipunan; Magdiwang at Magdalo. Makalipas ang isang lingo nagtungo sa Cavite at doon nasaksihan ni Castor de Jesus ang nangyaring dayaan sa halalan ng Tejeros, ang pagkakapatay sa kapatid ng Supremo na si Ciriaco, ang pagsaksak sa Supremo at pagdakip sa magkapatid na Andres at Procopio, ang naganap na paglitis sa pagbibintang sa magkapatid na Bonifacio sa salang sidisyon. Kasama niya ang kaniyang pinsang Aling Oriang sa paghahanap sa Supremo na iyon pala'y pinatay na patago sa magubat na bundok ng Maragondon ang bayaning magkapatid. 

Ang sinulat na orihinal na "memoir" ni Castor de Jesus sa wikang Tagalog ay pinagkaloob ng kaniyang pamilya noong taon 1964 sa National Heroes Commission (ngayon ay National Historical Commission) kung saan ako nagtatrabaho bilang isang mananaliksik ng kasaysayan. Ang nasabing “Memoirs ni Castor de Jesus” ay ipinatago ng aming Chairman Carlos Quirino sa panggangalaga ng Philippine National Library na kung saan din nandoon ang aming opisina. Ang orihinal na “Memoirs ni Castor de Jesus” ay ipina-mimeograph ng isang kopya ng aming Chairman Quirino at ang kaisa-isang kopyang Ito’y ipinapasa sa bawat mananaliksik na tulad ko upang basahin sa loob ng limang araw at pagkatapos ay ito nama’y ipapasa sa susunod na mananaliksik. Makalipas ang 55 na taon ay hangang sa ngayon ay hindi pa rin ipinalilimbag ng NHC ang nasabing “Memoirs ni Castor de Jesus.”
- ka tony
ika-15 ng Hulyo ‘18

4 comments:

  1. Thank you for posting this blog. Castor de Jesus is my great-grandfather. I hope many people will reach this and read the memoirs of my lolo and correct the history as it was written. Thank you.

    ReplyDelete
  2. Thank you for the dissemination of this historical information which we the De Jesus clan consider it as a vital piece of our history. General Castor De Jesus is my grandfather.

    ReplyDelete

  3. Ako po intresadong mabasa ang Memoirs ni Heneral Castor. Pwede po ba? Mananaliksik po ako ng kasaysayan at may Youtube channel po na tinatalakay ang mga bagay na itinago sa ating kasaysayan. Pwede nyo po ako kontakin sa Facebook o sa aking Youtube channel na may pamagat na SIMOUN BILIBIT. Salamat po,

    ReplyDelete
  4. Available pa po ba ang memoirs na ito ni castor? balita ko po kasi ay nawawala ito. Salamat po sa sasagot.

    ReplyDelete