Friday, August 8, 2008

Sino ang Nakatatanda kay Tandang Sora?



Si “Tandang Sora” ang ina ng Katipunan. Siya ay ipinaganak sa maranyang pamilya ng magsasaka na sina Juan Aquino at Valentina de Aquino, noong Enero 6, 1812, sa barrio Banlat, Caloocan, Rizal (na ngayon ay Balintawak). Melchora, sa kaniya’y ipinagalan, ugma sa araw ng kaniyang kapanganakan, isa sa mga tatlong haring (Melchor, Gaspar at Baltazar) naghandog parangal sa pagsilang ni Hesus Kristo.

May katangiang ganda si Melchora at kaya naman siya ay laging napipiling maging Reyna Elena pag sapit nang Santacruzan. Kay ganda rin ng kaniyang tinig tuloy laging naiimbitahang umawit sa mga “pabasa” pag sapit ng mahal na araw, ng “Pasyong Mahal”. Kaya naman kay daming kalalakihang naakit at lumigaw sa dalaga, at sa wakas ang nakabihag ng kaniyang puso ay si Fulgencio Ramos na naging isang “cabeza de barangay”. Sila’y nagkaroon ng anim na supling: Juan, Simon, Estefania, Juana, Romualdo at Saturnina. Maagang binawian ng buhay ang kabiyak ni Melchora, at sapilitang ginampanan niya ang maging ama at ina ng kaniyang mga anak. Siya rin ang nagpatuloy sa pamamahala nang taniman na naiwan ng kaniyang kabiyak.

Isang araw, 23 ng Agosto, 1896, mga Katipunerong sugatan, gutom, pagod sa pakikidigma, bigla na lang kumatok sa kaniyang pintuan at humingi ng tulong sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Kaniya namang pinatuloy, ginamot ang mga sugatan, pinakain at pinagpalipas nang gabi sa kaniyang tahanan. Kinaumagahan kaniyang pinagkalooban pa ang mga Katipunero nang 100 caban na bigas, 10 kalabaw, mga gamot, damit at ano-ano pang mga pangagailangan. Patuloy ang pagdalaw sa kaniya ng mga Katipunero at patuloy din ang kaniyang walang sawang pagtulong. Marami tuloy na “historian” ay nagtatalo kung saan ang orihinal na lugar ginawa ang “cry of Balintawak”. Karamihan ang paniniwala ay sa bakuran ni Tandang Sora. Ayon kay Guillermo Masangkay sa kaniyang sinumpaang testimonyo, ang “sigaw” ay nangyari noong 26 ng Agosto, na kung saan ngayon nakatirik ang monumento ni Bonifacio, sa Caloocan. Ang bersiyon naman ni Dr. Pio Valenzuela, isa muling pagsigaw ng mga Katipunero ang ginawa, ito ay “Cry of Pugad Lawin”, ayon sa kaniya ito’y naganap sa bukid ni Juan Ramos Aquino (anak ni Tandang Sora), at hindi sa lugar ni Apolonio Samson, sa Kangkong, hindi sa Balintawak o sa bakuran ni Tandang Sora. Kasalukuyan ito pa rin ay isang kontrobersiyal na ulat sa ating kasaysayan, samantalang ang estado ukol sa kagitingan ng ating: Unang Pangulo, dapat ay National Hero at nagpasimuno ng himagsikan sa ating bansa na pinakauna sa buong Asia, na si Andres Bonifacio ay unti-unting, paliit nang paliit ang pagbigay halaga ng ating bayan at pamahalaan sa kaniyang kabayanihan. Ang dahilan ba’y sapagkat siya ay hugot sa masa at hindi pinatangkilik ng mga Gringo?

Sa pakiusap ni Bonifacio, si Tandang Sora kasama ang kaniyang mga anak ay nagsipag tago sa Novaliches sa dahilang pagkalat nang balitang pagtulong niya ng puspusan, patuloy na pagkubli sa bukirin niya, paggagamot sa sugatan at maysakit, na mga Katipunero. Agosto 29, 1869, sa inaasahang pangyayari, siya ay natuntunan at nadakip ng mga “Guardia Civil” sa Pasong Putik, Novaliches. Sa bahay ng “cabesa de barangay” siya ay pansamantalang piniit. Kinabukasan siya ay nilipat sa piitan ng Bilibid, Maynila at dito’y siya ay pinahirapan at ininteroga upang mabatid ng mga Kastila ang pinagkukutahan nila Bonifacio at Katipunan. Gaano man ang pagpapahirap at pagwalang galang sa kaniyang pagkatao ay hindi niya pinagkanulo si Bonifacio at ang ginagalang niyang Katipunan. Nang magsawa na ang mga Kastila sa pagpapahirap at walang makuhang impormasyon kay Tandang Sora, sa kautusan ni Gobernador Heneral Ramon Blanco, ang matandang Sora kasama ang maraming rebolusiyonariyong Pilipino ay pinatapon sa Agana, Guam.

Nang sakupin at gawing koloniya ng America ang Pilipinas, si Tandang Sora at 76 na patriotang Pilipino, ay pinatawad, pinalaya. Pebrero 26, 1903 lulan ng barkong Amerikano, S.S. Uranus mula Agana, Guam, ang matandang Sora ay sinalubong ng kaniyang mga anak, mga apo, kamaganakan at kababayan ng siya ay iuwi at muling makapiling sa kanilang barrio, Banlat. Si Tandang Sora noon ay 91 taong gulang na.

Inukol niya ang mga nalalabing araw ng kaniyang buhay sa pagaaruga ng kaniyang mga apo. Siya ay na handugan nang munting pensiyon, subalit ang natatangap na material na ito mula sa pamahalaang koloniyal ay kaniyang pinaubaya, ipinagparte-parte sa mga mahihirap at mga sawingpalad. Tila hindi matangap ng kaniyang kalooban, ang umasa at mamuhay sa materyal na pensiyon na ipinagkakaloob nang kolonial na pamahalaan. At dahilan dito ay patuloy ang matanda sa pamumuhay nang isang dukha.

Pebrero 20, 1919, sa gulang na 107 sa tahanan ng anak niyang si Saturnina sa barrio Banlat, Ang Ina ng Katipunan-Tandang Sora ay binawian ng buhay. Ang kaniyang labi ay hinimlay sa “Mausolem of the Veterans of the Philippine Revolution, sa sementeriyo ng La Loma.

Kahanga-hanga ang nagawang kadakilaan, katapatan, kagitingan at sakripisyong inalay para sa kaniyang paniniwala, sa Supremong Andres Bonifacio, sa kilusang Katipunan, sa pansariling prisipiyo, sa kaniyang pamilya at sa inaaping bayan ni Gat Melchora Aquino. Lalo’t noong kapanahunan na ang kalalakihang “Machong Lipunan” ang umiiral. Ang mga ina ng tahanan ay tulad sa isang alipin na halos lahat ng gawaing bahay, sila ang inaasahan. Samantalang si “machong tatay” ay nagbabasa lang ng pahayagan ay sisilbihan pa nang kapeng mainit ni nanay. Una sa panahon si Tandang Sora, ang tinatawag natin ngayon na “single mother” ay kaniyang ginampanan na bago pa ito mauso at ating hangaan. Bukod sa pagaaruga sa mga anak, kaniya rin ipinagpatuloy ang pamamahala ng kanilang bukirin ng ang kaniyang kabiyak ay sumakabilang buhay. Sino kaya ngayon ang hindi ipagkakanulo si Bonifacio at ang Katipunan, habang ang mga imbing mga kaaway ay ikaw naman’y pinahihirapan, nilalapastangan ang iyong pagkatao at tapos naman’y ipatapon ka upang hindi makapiling at makita ang iyong mga mahal sa buhay, sa malayong dayuhang islang lugar sa dagat Pasipiko, na ang mga kasamang nakararami ay mga kriminal at ketongin, sa gulang mo na 72…sino ?

ka tony
the 7th of January, 2008

4 comments:

BCS said...

It's amazing that she let Bonifacio and his crew into her house just like that. Did she know Bonifacio?

If not... if this were to happen today, surely Bonifacio and his men will just be sent away.

ka tony said...

No bcs, Tandang Sora didn't know Gat Bonifacio. But during those era, not like today "to call first before you knock" was not the norm. The "Pinoy Hospitality" was a common in the past.

It's great at noon walang mapagsamantala na 'di tulad ngayon!

salamat bcs,
ka tony

Benrubs said...

Siya pala'y di lang Ina ang Katipunan, isa dakilang Ina ng Bayan.. ng Rebolusyon!

Dapat siya ang maging huwaran ng mga single mother.

Maraming salamat ka Tony sa kwento ng katotohanan tungkol sa aking Ina!

Benrubs
ruben felipe

ka tony said...

Maraming salamat din Kas. Ruben sa pagiwan ng pagpuna. Tunay na una sa panahon ang dakilang Melchora Aquino. Nararapat lang na bigyan ng halaga at dakilain ang kabayanihang kaniyang nagawa at bigyan rin ng papuri ang pagiging uliran na ina ng Katipunan at ina nating lahat!!!

Salamat na muli Kas. Ruben at Mabuhay ka!