...upang
lubos na maunawaan ang pagkakaiba ng iba't ibang sanga ng lipunan noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila, Amerikano at kaugnay na kasaysayan
nito, narito ang pagliliwanag.
"Indio/Tagalog - Ilustrado/Sajonista"
Sa lahat ng naging kolonya ng Espana, Pilipinas lang ang bukod tanging
masang lipunan "Indio/Tagalog" ang nagtaas ng kanilang kamao at
sinimulan ang himagsikan laban sa kolonyalistang Kastila. Ang kolonyang
Mexico mismong mga Kastila at Creoles na ipinanganak doon at Mestizos
ang siyang nanghimagsik at humiwalay sa "Madre Espana," ganoon din ang
nangyari sa Sur America na tuloy ipinaghati-hati ang kontinente sa iba't
ibang bayan. Ang triangulong hagdanan ng lipunan noong panahon ng mga
Kastila sa Pilipinas ay pinanggugunahan sa itaas ng mga sumusunod:
1) PENISULARES - Kastilang naninirahan sa kolonyang Pilipinas na ipinanganak sa Espania
2) INSULARES/FILIPINO/CREOLES - mga anak ng purong Kastila na ipinanganak sa Pilipinas
3) MESTIZO - Anak ng isang Kastila at Indio
4) INDIO/TAGALOG - purong dugong Pilipino o Katutubo
5) SANGLEY - Insik
Ang Peninsulares ang taging bahagi ng lipunan na maykarapatang
manirahan sa loob ng Intramuros, na noon ay ang kabuoang Lunsod ng
Maynila, ito rin ay opisyal na probinsya ng Espania at kapital na lunsod
ng kolonyang Filipinas. Ang Insulares naman ay tanging maykarapatang
tawaging "Filipino" at sa bandang huli'y ginamit na rin ng mga Mestizo,
subalit ang Indio o Tagalog ay gamit lamang para sa mga katutubo ng
kolonyang Filipinas. Ang gamit ng Supremo Bonifacio hangang kay Macario
Sakay ay "Tagalog." ang paliwanag ng Supremo dito'y... "Sa salitang
tagalog katutura’y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang ito; sa
makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, atbp... ay tagalog
din." Maging ang pangalan ng ating bayan "Filipinas" ay ayaw gamitin ng
Supremo Bonifacio sapagkat ito'y kolonyal na pangalan. Ang gamit ng
Supremo hangang kay Heneral Sakay ay "Haring Bayang Katagalugan"
("Sovereign Nation of Katagalugan"). Ginamit na lamang ang pangalang
"Filipinas" at "Filipino" ng itatag ng ilustradong himagsikan ni
Aquinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 at opisyal na
pinagamit matapos ang Kongreso ng Malolos.
Maraming hindi
nakakabatid na karamihan sa mga "Kastila" na nagtungo sa Pilipinas ay
hindi purong Kastila ng Espana kung hindi mga Mexicano, tulad nila;
Labezares, De Sande, Goiti, Salcedo, Urdaneta atbp... Dahil sa "Spanish
Inquisition" ang mga Kastilang Muslim at Hudyo ay nangagsilisan at
nagibangbayan, karamihan sa kanila ay nakipagsapalaran, naging marino at
nanatili sa kolonyang Amerika. Pati na rin ang mga iba't ibang etniko
na Basco, Catalan at Gallego na nais ay humiwalay sa Espana at autonomo
ang nais sa kanilang sakop na bayan, karamihan din sa kanila'y nilisan
ang Espana. Karamihan sa mga etnikong nagnanais ng autonomo na nagtungo
sa Mexico at napapunta sa Pilipinas na naging Gobernador Heneral ng
Filipinas, na mga Basco - Legazpi, De Echevarri, Sarrio, Equia,
Escudero, Echague, atbp... Ang mga Catalan - De Guzman, Cramer,
Despujol, atbp... Ang mga Gallego - Dasmarinas, Tabora, atbp...
Karamihan sa kanila'y tinago ang tunay nilang pagkatao, pinalitan ang
tunay nilang pagkatao, pangalan, pananampalataya ng dumating at
nananirahan sila sa Central at Sur America. Sa kolonyang Amerika patuloy
ang diskriminasyon sa kulay ng balat, kaya ang bawat baytang sa
hagdanan ng lipunan ay may kategorya at tawag. Hindi tulad sa kolonyang
Pilipinas na lima lamang ang triangulong hagdanan ng lipunan. Sa
kolonyang Mexico na pinangaligan ng karamihan na mga akala nating mga
Kastila, napakaraming baytang, katergorya at tawag sa kanilang lipunan:
1) MESTIZO - Kastila at Indian
2) CASTIZO - Mestizo at Kastila
3) ESPANOL - Castizo at Kastila
4) MULATTO - Kastila at Itim
5) MORISCO - Mulatto at Kastila
6) ALBINO - Morisco at Kastila
7) SALTAPATRAS (tumalong pabalik) - Albino at Kastila
8) CHINO (kulot na buhok) - Saltapatras at Indian
9) LOBO - Chino at Mulatto
10) JIBARO (kalawang) - Lobo at Mulatto
11) ALBARAZADO - Jibaro at Indian
12) CAMBUJO - Albarazado at Itim
13) BARCINO (pula) - Albarazado at Mulatto
14) NOTENTIENDO (hindi maintindihan) - Albarazado at Indian
15) COYOTE - Barcino at Mulatto
16) CHAMIZO - Coyote at Indian
Ang Plipinas ay napakalayo sa Europa, naging madaling marating na lang
ito ng buksan ang maikling daang at gawin ang Suez Canal sa Ehipto
patungong Europa. Naging madali, mabilis at naging mura ang paglalakbay
sa Espana, tuloy ang mga Ilustradong tulad nila Rizal ay nakapagaral sa
Europa. Subalit bago nabuksan ang maigsing daan sa Suez Canal, ang kurap
na Galleon Trade ay nasa sukdulan na kabuktutang pagyaman. Ang
pagpapadala at pagbebenta ng mga kalakal na gawa at galing sa Silangang
Asia sa Acapulco, Mexico, ang mga ito'y munang ibinabagsak at nilalako,
bago ang iba naman nito'y dinadala pa sa Vera Cruz, silangan ng Mexico,
na ipinapadala naman sa Espana, sa pamamakigatan ng dagat Atlantiko.
Kaya naman ang "Caribbean pirates" ay lumaganap at nasimulan ang "slave
trading," ang pagpapalitan ng naagaw na kalakal mula sa galleon ng
Kastila, para sa ginto at salapi, asukal, molasses, rum at tabako mula
sa Cuba, kapalit sa mga Aprikanong alipin sa kanlurang Aprika. Tanso,
"beads," bulak, na galing Aprika at ibang kalakal na galing Cuba ay
pinagbibili naman sa Europa. Ang mga Aprikanong alipin, salaping kinita
sa Europa ay pinagpapalit at ginagamit na puhunan para sa asukal,
molasses, rum at tabako sa Cuba. Ang maunlad na "Transatlantic Slave
Trade" na ito'y sinimulan ng pusakal na piratang si Francis Drake, na
ginawang "knight" ni Reyna Elizabeth ng Inglatera, tuloy naging "Sir
Francis Drake" ang dating pirata na walang tigil sa pagsasalakay ng mga
Manila Gelleon, lalo na ang pinakamayamang Manila Galleon "Nuestra
Senora de la Concepcion" na matagumpay niya at ang barko niyang "Golden
Hind," na salakay at ninakawan.
Ang mga Peninsulares,
Insulares/Filipino at mga Mestizos ay walang interes sa kalayaan ng
Pilipinas, himagsikan o humiwalay sa "Madre Espana," ang Espana naman ay
walang pakialam sa nangyayaring kurapsyon ng "Galleon Trade" habang ang
kolonyang Pilipinas ay nagbibigay sa kanila ng buwis, isa pang dahilan
ay sapagkat ang mga Mexicano ang nagpapatakbo ng pamahalaan ng Pilipinas
at ang ekonomiya nito. Ang pamahalaang Cortes ng kolonyang Filipinas,
simbahan, mga Peninsulares, Insulares/Filipino, mestizong Kastila at
Insik (Sangley) ang nangagsiyaman sa kurap na pamamaraan ng "Galleon
Trade." Ang mga "Indio/Tagalog" ay pawang naging mga alipin sa kanilang
sariling bayan.
Ang mayayamang mga Ilustrado na nakapag-aral at
nakita ang tunay na kabuhayan ng mga Kastila sa Espana, sa kanilang
pagbalik sa Pilipinas ay hindi naiba ang pagtrato at tawag sa kanila
bilang "Indio/Tagalog" ng mga Peninsulares, Insulares/Filipino at
Mestizos. Kaya naman ang mga Ilustradong tulad ni Rizal ay nagsikap na
magkaroon ng reporma para sa tulad nilang mga Ilustrado na makapantay sa
lipunan ang mga ito, hindi tulad ng masang Indio/Tagalog na naghimagsik
para sa kalayaan ng buong kapuluan laban sa koloyalistang Kastila, ang
mga Ilustrado'y humihiling ng reporma para sa kanilang uri at nais na
maging probinsya ang Pilipinas ng "Madre Espana."
Malaki ang
paghanga ni Bonifacio sa sinimulan ni Rizal na "La Liga Filipina" na
nagmula sa "La Solidaridad," tuloy si Bonifacio dito ay sumapi. Ang mga
orihinal na kasapi rito'y unti-unting nagsipagkalas, dahilan sa
magkakaibang prinsipyo, paniniwala at tungalian ng talino. Tuloy
nagsanga ang La Liga Filipina; ang konserbatibong "Cuerpo de
Compromisarios" at ang mapusok, malasosyalista at armadong himagsikang
masang "Katipunan." Ang lihim na masang Katipunan at ang pamahalaan
nito'y pinundar sa isang bahay sa kanto ng calle Elcano at Azcarraga, na
ang layunin ay...
1. Kunin, ibalik at ipaghati-hati ang mga
lupa, kayamanan at ari-ariang kinamkam, inagaw, inilit at ninakaw ng mga
Prayle at mga dayuhang Kastila sa mga mahihirap at mga magsasakang
Pilipino.
2. Kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Kastila at iba pang kolonyalista.
3. Ibagsak ang eletistang lipunan na pinasimulan ng mga Kastila at itaguyod ang pantay-pantay na lipunan.
Ang mga Ilustrado tulad nina Rizal, Luna, Lopez Jaena, Marcelo del
Pilar at iba pa ay mga Pilipinong naka-aangat sa kahirapan at karamihan
ay nakapag-aral sa Europa, ang iba naman ay mga "Penisulares/Filipino/Creoles"
tulad ni Luna, ang kanilang simpatya ay sa Madre Espania. Sa katunayan,
si Antonio Luna na creole ay isa sa mga nagsumbong sa mga Kastila sa
lihim na samahang Katipunan, isa rin ay ang Cura Paroco ng Tondo si
Padre Mariano Gil. Sa bandang huli na lang sumapi si Luna sa ilustradong
himagsikan ni Aguinaldo nang ating kadigma na ay ang mga Amerikano. Ang
layunin ng mga Ilustrado ay reporma at kanilang kinundima ang
himagsikan, sapagkat hangad ay kanila lang pansariling kapakanan,
kayamanan at interes na magkapuesto sa pamahalaang Kastila. Subalit nang
hindi sila kilalanin ng mga "elitistang lipunang Kastila" at himagsikan
ay pumutok na, ang mga Ilustrado'y walang mabalingan, ang mga ito ay
napilitang makibaka na rin sa himagsikan na sinimulan ng masang
Katipunan ni Bonifacio. Subalit ang mga ito ay tumatanggi na
mapasailalim sa isang masang pinuno o opisya, nais nila na sila ang
mamuno, tangalin o asasinahin ang mga kasalukuyang masang Tagalog na
mumuno dito. Si Rizal nang siya ay pinatapon ng mga Kastila sa Dapitan,
ay kinundima ang himagsikan at tinangihan ang paanyayang tatanghalin
siyang pinuno ng Katipunan, siya ay nagprisinta sa Kastilang Cortes na
maging manggagamot sa mga sugatang sundalong Kastila sa nangyayaring
himagsikan sa Cuba.
Nang maging kolonya tayo ng Amerika,
sinimulan naman nila ang kampanyang "Benevolent Assimilation" o
"pacification program" para sa kanila... "to win the hearts & minds
of the people." Tulad ng mga kolonyalistang Kastila, sila rin ay
nagpatayo ng paaralan, subalit ang pagkakaiba nito sa tinaguyod na
paaralang Kastila, ay pagtatayo ng "American educational system" at
pagpapadala ng mga gurong puti na kung tawagin ay "Thomasites." Ang
kanilang tungkulin ay magturo, sanayin din ang mga lokal na may
potensyal na maging guro ng elementarya sa itinatag na paaralang
pangpubliko ng Estados Unidos upang sanayin sa pagtuturo, pagsasalita,
pagbabasa sa wikang Ingles, kultura at kasaysayan ng Amerika. Ipinagamit
na mga aklat pangpaaralan ay ang mga sinulat ng mga autor na Amerikano
at mga taksil sa Katipunan na mga ilustradong opisyal ni Aquinaldo na
naging "sajonista" (katagang nanggaling sa "anglo saxon" o "anglo sajon"
sa Kastila, at ang mga tuta ng mga "anglo sajon" na Pilipino ay
"sajonistas"). Unti-unti tayong hinuhulma na maging "brown american"
ngunit isang "inferior american." Ang mga tunay na bayani natin tulad
nina Macario Sakay na pinag-patuloy ang himagsikan laban sa
kolonyalistang gringo ay ipinalabas nilang mga "bandolero" o mga
tulisan.
Bahagi ng "benevolent assimilation" ng pamahalaang
Amerikano ang pagpili kay Jose Rizal na maging "National Hero" ng ating
bayan, isang ulirang bayani na "peace loving Filipino" dahil nga't
tumangi siya sa himagsikan na hindi tulad ng "mapusok na terorista at
rebeldeng" Bonifacio sa mga mata ng kolonyalista. Tuluyang na "brain
wash" tayo na "peace loving people" at tayo nama'y naniwala, kahit hirap
na hirap na pinagsasamantalahan ng mga kolonyalista at ibang dayuhan.
Mula 1898 hanggang sa lutong pakana ng CIA na "peaceful people power"
ang "puppeteer" na si Tiyo Samuel ang nagpapatakbo sa ating "puppet" na
pamahalaan.
- - ka tony -ika 4 ng Hulyo, '11
*ang larawan sa itaas ay orihinal na bahay sa kanto ng calle Elcano at Azcarraga na kung saan pinundar ni Gat Andres Bonifacio ang Katipunan.
Following a 1644 inquiry into the lost of "Nuestra Senora de la
Concepcion," a Spanish galleon plying the lucrative trade route between
Manila and Acapulco, Spanish officials charged that Manila's colonial
governor, Don Sebastian Hurtado de Corcuera, had misappropriated
treasures in the Philippines and was shipping them back to Spain as
personal cargo. Among the 59 charges brought against Corcuera was the
accusation that he shipped personal loot treasures of gold and jewelry
procured as bribes for granting special favors and appointments. He was
also charged with appointing his nephew, Don Juan Francisco, to command
the ship to protect the governor's spoils.
The Manila galleon trade was one of the most constant but dangerous
and yet profitable commercial enterprises in Mexico and European
colonial history. Between 1565 and 1815 it carried the treasures of the
Orient via Acapulco, Mexico in exchange for New World silver and the
manufactured goods of Europe. One galleon a year would embark on the
trip. More than 40 galleons were lost in the treacherous seas and looted
by pirates over the centuries.
Vigan born Ventura de los Reyes a wealthy merchant and member of the
Royal Corps of Artillery of Manila, who took part in the Ilocos revolt
led by Diego Silang in 1762, was the Filipino representative to the
Spanish Cortes - 1810-1813. He wanted the abolition of the galleon
trade, he gave the reason to the Spanish court that it brought vast
wealth to only a few while the masses of Manila and Acapulco suffered.
It's also the main cause of graft and corruption between the colonial
government, rich merchants and the church. This became one of the
reasons caused by the assassination of Governor Marshal Fernando Manuel
de Bustamante y Bustillo was the first recorded "PEOPLE POWER" also led
by the Catholic Church in the Philippines! Before he became the Governor
General of the Philippines, Bustamante was the Mayor of Tlaxacala,
Mexico. Upon arrival in Manila, Bustamante discovered that the treasury
contained a mere pittance of gold and silver, but thousands of
promissory notes and receipts of sums due to Spain.
Bustamante embargo galleon ships like Santo Cristo de Burgos who
avoided payment, seized goods and properties of rich merchants who owed
the Public Treasury money. He pursue investigation of activities of the
persons who held royal offices in trust before arrival. As a result,
Auditor General Antonio Torralba and many royal officials were found
guilty in book-keeping, allowing funds to disappear without accounting.
Upon Bustamante's investigation, he learned there were corruption
involved on the part of the government, rich Spanish, Chinese merchants
and the clergy! Many arrested, imprisoned, seizure of their properties,
Spanish population into a tumult! Guilty party who have not been
investigated or arrested sought help from heads of religious orders.
Bustamante learning the conspiracy and plot against him, decided to call
on imprisoned Antonio Torralba who, sensing a chance at freedom agreed
to cooperate.
Bustamante, appointed a new Audencia, which then arrested more
guilty Spanish, Chinese and members of different religious order. Later
Don Antonio de Osejo, a notary public took sanctuary in the church like
the others and took with him records of his office. The Audencia then
issued a decree requiring Archbishop Francisco de la Cuesta to return
the records, which the Archbishop refused. The archbishop complained and
later excommunicated Bustamante who in turn
issued a call to arms, jailed de la Cuesta and other powerful religious
personages in Fort Santiago. October, 1719 intense situation and the
streets of Manila was deserted. The night came, convent of St. Augustine
opened, out came a procession of friars and "the religious" chanting...
"Long live the faith ...Long live the church! ...Long live King Felipe
V!" ...and they were joined by people of all classes.
Next morning, bells ringing, mob in the street towards the Governor's palace...
"The
Franciscans, Dominicans and Augustinians came out from their convents,
each as a body, carrying in their hands crucifixes and shouting, ‘Long
Live the Church! Long Live King Felipe V!’… they were joined by people
of all classes and proceeded to the Church of San Agustin…
The governor who was roused from his sleep and informed of the arrival
of the mob sprang up and ordered the guards to keep back the crowd… He
dispatched an order to the fort to discharge artillery at the crowd; but
he was so little obeyed that, although they applied a match to two
cannons, these where aimed so low that the balls were buried in the
middle of the esplanade of the fort.
Without opposition, this multitude arrived at the doors of the palace…
As for the soldiers of the guard, some retreated in fear, and others in
terror laid down their arms. The mob climbed up by ladders and entered
the first hall, the halberdiers not firing the swivel-guns that had been
provided, although the governor had commanded them to do so…
Bustamante attempted to discharge his gun at a citizen standing near and
it missed fore; then the governor drew his saber and wounded the
citizen; the latter, and with him all the rest at once attacked the
governor. They broke him right arm, and a blow on his head from a saber
caused him to fall like one dead."
Bustamante's son rushed to his help him, but the mob turned on him.
The body of the Governor was roped and dragged down from the palace,
finally left on a couch in the royal prison together with his son's dead
body. Prisoners were freed and "Te Deum" was sung in the streets of
Manila. Archbishop Francisco de la Cuesta took over the functions of the
Governor General. Investigations indicted no one, since the Philippines
was so far from mother Spain and accounts were written by the friars.
Finally, Governor Bustamante, his dead son's body and their remaining
relatives, were banished to the galleons to return to Mexico and the
murder of the honest Governor Marshal Fernando Manuel de Bustamante y
Bustillo was forgotten.
Orchestrated "People Power," corruption, conspiracy, involvement of
clergy, assassination, unsolved murder, forgotten crime, kulang na lang
"yellow ribbon" at parang sirang plaka na paulit-ulit ang kasaysayan ng
nakakapandiring pulitikang Pilipino!
- - ka tony
the 26 of February, '11
*Many thanks to "Traveler on Foot" for the photo of Hidalgo's painting of "Assassination of Governor Bustamante"