Tuesday, January 29, 2013

Pilipinas at Hawaii

















...ayon kay Captain James Cook ang Kaharian ng Hawaii ay kaniya "daw nadiskubre" at dahil dito'y ginawa itong kolonya ng kaniyang bayang Inglatera. Ipinangalan ni Captain Cook sa grupo ng isla ng Hawaii ay "Sandwich Islands." Subalit dahil sa natagpuang likas na yaman dito ng kalapit bayan na America sa Dagat Pasipiko, nagtungo ang mga manggingisdang pumapatay sa mga balyena, mga magsasakang inagaw ang lupaing taniman ng mga Kanaka na tubo at pina, mga ministrong protestante upang ikalat ang ebanghelyo, mga puting guro na "Thomasites" upang magturo at mga sundalo upang mabigyan ng proteksyon ang mga kababayan nilang Amerikano na nandoroon.

Dumami ang mga Amerikano sa Hawaii, hangang ang mga Ingles naman ay nagsawalang kibo at hinayaang angkinin ang kaniyang kolonyang "Sandwich Islands." Kung mapapansin sa "state flag" ng Hawaii, hangang sa ngayon ay taglay pa rin nito ang "union jack" o "St. Andrew's Cross" ng dating kolonyalistang Inglatera.

Dahil sa pagdami ng mga Kano sa kaharian ni Queen Liliuokalani ng Hawaii, siya ay nagpanukala ng bagong saligang batas upang proteksyonan ang kaniyang kaharian, ang kanilang lupain at dagat. Sa bandang huli'y tuluyang inangkin ng mga Amerikano ang kabuboan Kaharian ng Hawaii at noong Enero 17, 1893 hinuli nila si Queen Liliuokalani at kinulong. Ang sanhi ng pagkakakulong sa reyna ay para "daw" sa proteksyon at kaligtasan ng mga Amerikano na nandoroon. Ang nagbuklod na samahan ng "Americans and Europeans Committee of Safety" na binubuo ng mga manggangalakal, politiko at militar, karamihan ay Kano ang siyang namuno, na pinangunahan ni Sanford B. Dole (mayari ng Dole Pineapple & Fruit Company), hangang siya ang kinilalang President of the Republic of Hawaii (recognized by the United States government as a protectorate), noong Hulyo 4, 1894 at tulad ng pekeng kalayaan na ibinigay din sa atin Hulyo 4, 1946, itinama na naman sa araw ng kalayaan ng bayan nilang Estados Unidos.

Dalawang taon pa lamang ng agawin ng Amerika ang Hawaii, pumutok naman ang himagsikan ng Katipunan, noong 1896 laban sa mga Kastila. Sa kabilang dagat naman, noong Pebrero 15, 1898 ay bigla na lamang sumabog ang barkong ng Amerika "USS Maine" sa Havana, Cuba, na hindi malaman ang dahilan. Pinagbintangan ng mga Kano ang mga Kastila sa pagkakasabog ng barkong ito na nasa kolonya, poder ng Espania. Natuloy sa gerang "Spanish/American War" at upang lalong umalab ang galit ng mga Kano sa mga Kastila ay sumigaw sila ng "Remember the Maine, to Hell with Spain!" tulad din ng kanilang gung-ho laban sa mga Mexicano na "Remember the Alamo!"

Sa dahilan ang Pilipinas ay kolonya ng Espania, ang Spanish/American War ay umabot sa atin at dito na naman nakialam ang Estados Unidos sa ating himagsikan. Buwan ng Pebrero 4, 1899, binaril at napatay ni Prvt. William Walter Grayson ang kakamping Pilipinong tatawid lang sa tulay ng San Juan del Monte at dito pumutok ang Filipino/American War, tuloy naging kolonya ang ating bansa ng Estados Unidos. Tuloy, ang mga puting gurong "Thomasites," mga sundalo at protestanteng ministro na pabalik-balik sa Dagat Pasipiko; Presidio ng San Francisco, California, Hawaii at Pilipinas.
...ito ba'y isang pagkakataon lamang???

# ...upang maprotektahan ang mga Kano na iligal na nasa Hawaii, ang naging sanhi ng pagkakaagaw ng EU sa Kaharian ng Hawaii.
# ...ang mahiwagang pagsabog ng Amerikanong barko, USS Maine sa Habana, Cuba, ang sinimulan ng Spanish/American War.
# ...ang pagkakabaril at pagkakapatay na kakamping Pilipino ni Prvt. Grayson, ang nagpasimula ng Filipino/American War.
# ...dahil sa "pagtulong" sa pagsasanay sa mga South Vietnamese ng mga American Special Forces sa Vietnam, nasangkot sila sa Vietnam War.
# ...upang masugpo ang pagtawid ng mga Viet-Cong sa "Ho Chin Minh Trail" sa Cambodia, sinuportahan ng EU si Pol Pot na ang kinawakasan ay "Killing Fields."
# ...dahil sa pagsalakay ng mga terorista noong 9-11 sa Twin Towers, gumanti binomba, sinalakay, ang Iraq, pinatay si Saddam Hussein at mga sibilyan na walang kinalaman at wala nakita sa binibintang na "weapons of mass destruction."
# ...nalaman na si Bin Laden ay nagtatago sa Afghanistan, tapos ay sa Pakistan, pinagbobomba, sinalakay, napatay ang maraming sibilyan at hangang sa ngayo'y patuloy ang gera, kahit nahuli at napatay na nila si Bin Laden.
...ang mga ito ba'y nagkataon lang muli???

- - ka tony - ika 29 ng Enero '13

No comments:

Post a Comment