Showing posts with label Katipunan. Show all posts
Showing posts with label Katipunan. Show all posts

Saturday, August 4, 2018

Saan ang talaarawan ng Katipunerong Castor de Jesus?



...sa mahabang panahon na himagsikang ating pakikipaglaban sa kolonyalistang Kastila at Amerikano tatlo lamang ang nagtala o nagsulat ng kanilang “memoir” ayon sa pakikibaka at buong pangyayari. Sa tatlong nagtala nito’y dalawa lamang ang nilimbag na maging aklat:
# ...Katipunan and the Revolution, Memoirs of a General - by Santiago Alvarez
# ...Memoirs of General Artemio Ricarte
Kaya naman ang dalawang aklat na Ito’y siyang nagsilbing basehan ng mga batikang Pilipinong mananaliksik at historyador, maliban sa karagdagang mga ulat mula sa mga lumang pahayagan, dokumentong militar, personal na liham at pakikipanayam. Ang dalawang heneral na “Magdiwang” Santiago Alvarez at Artemio Ricarte ay naninirahan sa Cavite, tulad ng ibang mga heneral ng Katipunan sa iba’t ibang probinsya ay nagtutugo lamang sa Arrabales ng Maynila kapag nagtawag ang Supremo Bonifacio ng mahalagang pagpupulong. Ang pagkakabunyag ng lihim na samahang Katipunan ay nagsanhi sa pagdideklara ni Gobernador Heneral Ramon Blanco ng batas militar noong Augusto 30, 1896 sa walong lalawigan: Arrabales ng Maynila, Bulacan, Cavite, Pampanga, Tarlac, Laguna, Batangas at Nueva Ecija. Subalit ang sentro ng maarmadong lakas militar ng mga Kastila ay nasa Arrabales ng Maynila, kaya naman ang kaibahan ng Katipunan ng Tondo at Balintawak ay puno ng pakikipaglaban sa malakas at maarmas na mga Kastila, sapagkat Ito’y nasa labas lamang ng Intramuros. Kaya naman ang madugong mga sagupaan tulad ng pagsalakay ng Supremo Bonifacio, Gat Emilio Jacinto, Gat Macario Sakay, Genaro de los Reyes at Vicente Leyba sa “El Polvorin” ng San Juan del Monte (Pinaglabanan) na kung saan nakalagak ang mga sandata ng mga Kastila, ang nakasagupa nila’y beteranong casadores, bukod pa sa malakas na mga armas nito. 

Ang isa pang laging kasama bago pa ipinundar ang Katipunan ay si:
# ...Castor de Jesus.
Siya ay isa sa mga orihinal na Katipunero, siya ay pinsan-buo ng Lakambini ng Katipunan - Gat Gregoria de Jesus. Si Castor de Jesus ay nasaksihan ang pagbubuo ng lihim na samahang Katipunan, kasama ng Supremo Bonifacio kung saan naganap ang unang sigaw, ang naganap na pagsalakay nila sa “El Polvorin” sa San Juan del Monte (Pinaglabanan), pag atras sa Balara, ang pakikipaglaban nila’t tagumpay sa Ilog ng Nangka, matapos magtago sa arrabales ng San Nicolas ang Supremo kasama ang kapatid niyang Procopio at Gat Emilio Jacinto, hinatid ni Castor de Jesus ang nagdadalang-taong pinsan niyang Aling Oriang sa Sampiro de Makati na kung saan nagkita ang magasawa at nagpatuloy na naglakbay patungong Cavite upang pagkasunduin ng Supremo Bonifacio ang dalawang panig doon ng Katipunan; Magdiwang at Magdalo. Makalipas ang isang lingo nagtungo sa Cavite at doon nasaksihan ni Castor de Jesus ang nangyaring dayaan sa halalan ng Tejeros, ang pagkakapatay sa kapatid ng Supremo na si Ciriaco, ang pagsaksak sa Supremo at pagdakip sa magkapatid na Andres at Procopio, ang naganap na paglitis sa pagbibintang sa magkapatid na Bonifacio sa salang sidisyon. Kasama niya ang kaniyang pinsang Aling Oriang sa paghahanap sa Supremo na iyon pala'y pinatay na patago sa magubat na bundok ng Maragondon ang bayaning magkapatid. 

Ang sinulat na orihinal na "memoir" ni Castor de Jesus sa wikang Tagalog ay pinagkaloob ng kaniyang pamilya noong taon 1964 sa National Heroes Commission (ngayon ay National Historical Commission) kung saan ako nagtatrabaho bilang isang mananaliksik ng kasaysayan. Ang nasabing “Memoirs ni Castor de Jesus” ay ipinatago ng aming Chairman Carlos Quirino sa panggangalaga ng Philippine National Library na kung saan din nandoon ang aming opisina. Ang orihinal na “Memoirs ni Castor de Jesus” ay ipina-mimeograph ng isang kopya ng aming Chairman Quirino at ang kaisa-isang kopyang Ito’y ipinapasa sa bawat mananaliksik na tulad ko upang basahin sa loob ng limang araw at pagkatapos ay ito nama’y ipapasa sa susunod na mananaliksik. Makalipas ang 55 na taon ay hangang sa ngayon ay hindi pa rin ipinalilimbag ng NHC ang nasabing “Memoirs ni Castor de Jesus.”
- ka tony
ika-15 ng Hulyo ‘18

Thursday, July 6, 2017

He Sheltered Bonifacio When The *KKK Faltered





(*KKK = Tagalog name for the society: "Kataastaasan Kagalang-galang Katipunan nang mga Anak nang Bayan" (English: "Highest and Most Respectable Society of the Children of the nation ")

Isabelo Donato y Aquilar sheltered Bonifacio, Supremo of the Katipunan, and performed espionage work for him during those perilous days of the secret society at the risk of his life. For his invaluable services to the cause of the Philippine Revolution, Bonifacio gave him the bolo which he wielded on the battlefield as a historic memento.

Although of the landed gentry, Donato identified himself early in youth with the working class with whose sad plight he commiserated. Following his association with Bonifacio, which started when he set up his house and an apartment for rent on Soler near the Tutuban railroad station, a few meters away from Bonifacio's old house on Azcarraga (now Claro M. Recto), he became a rabid sympathizer of the Katipunan.

After Bonifacio suffered reverses in the hands of the Spaniards at Pinaglabanan and the Langka River, he sought the help of Donato. Early in September, 1896 the supremo, together with his brother, Procopio, and Emilio Jacinto, left their hideout in Balara to set up headquarters in Manila.

Before settling down in the city, the trio took refuge in Donato's house at 168 Soler while he looked for a safer retreat in San Nicolas. Bonifacio finally chose the house at 116 Lavezares. Besides providing them with food and supplies for more than two months, Donato conducted intelligence work in nearby Intramuros for the revolutionary movement.

His tremendous success in this delicate espionage mission, which greatly helped Bonifacio in preparing his second plan to capture Manila, endeared him most to the Katipunan leader who rewarded him generously. 

With the significant role he played in the Katipunan, Donato lived in constant danger. The Spanish police blacklisted him and persistently went after him. As a precaution he left instruction to his wife to hang a red blanket on their front window should the authority look for him, so he could avoid them and give him ample time to flee to the nearby mountains.

After Bonifacio's departure early 1897 for San Francisco de Malabon in Cavite where he was eventually executed, Donato continued to suffer serious reverses. First, his father, who was a Freemason, was arrested, imprisoned at Fort Santiago, and mercilessly tortured. Then during the Philippine-American war his entire property in Aranque, Manila, consisting of a row of commercial and apartment houses was burned by the retreating Filipino forces to delay the advance of the more powerful American invaders.

The eldest of the three children of the couple Capitan Manuel Donato, a prosperous city businessman, and Gregoria Aquilar, a Dutch mestiza, he was born in Santa Cruz, Manila, on July 7, 1866. After taking up the land surveying course at the University of Santo Tomas, he left the comfort of his easy life as a promising businessman to heed the call of patriotic duty. He joined Freemasonry's Lodge Walana.

Left practically penniless after the two wars against Spain and America, Donato had to start all over again to support his growing family. He became a wine dealer, then an insurance underwriter of the Tambunting estate.

Through sheer determination, perseverance and industry, he was able to give his family the comfort and abundance of his pre-revolutionary life.

Donato married early and early became a widower with one child, Pilar. By his second wife, Hipolita San Juan of Manila, he had seven children, four of whom became professionals. He was 59 when he died in Manila on Sept. 6, 1925. 

# many thanks and much obliged Doc. Jim Richardson for sharing and sending me this old newspaper article about my grandfather.
- ka tony

Thursday, July 14, 2016

Ang Masang Katipunan at ang French Revolution

















Ginugunita ang kahalagahan ng ika-14 ng Hulyo ng bansang Pransya bilang "Fall of the Bastille." Ang "Bastille Saint-Antoine" ay isang "medieval fortress" at bilanguan na dito kinukulong ang mga kriminal, may-sira ang ulo at ang mga burgesyang tulad nila: Voltaire, Marquis de Sade, atbp... na laban sa pamamalakad ng monarkya, dito'y na kulong din. Sinalakay ng magkasamang lakas ng masa at burgesya ang napakahirap pasukin at pasukuin na Bastille, subalit ito'y matagumpay na napasok at napasuko noong ika-14 ng Hulyo, 1789.

Umabot ng 107 taon pagkatapos ng French Revolution nasa distrito ng San Nicolas, arrabales ng Intramuros nagmamasid, pinagaaralan at nagpaplano sa binabalak din ng Supremo Andres Bonifacio na pasukin at pasukuin ang "medieval fortress" ng mga peninsulares sa Intramuros (Maynila). Inaalam kung kailan ipapadala sa Mindanao na kung saan ay may pagaalsa ang mga Muslim ang malakas na pwersa ng mga Kastila na nasa Intramuros, kung ano ang mabisang paraan upang pasukin at patayin ang kuryente na nagbibigay ng kuryente sa Intramuros ng La Electricista de Manila sa Quiapo na magbibigay din ng hudyat sa mga Caviteno na lumusob at paligiran ang Intramuros at kasabay din nito ang pagsalakay ng pangkat ng Supremo Bonifacio sa El Deposito sa San Juan del Monte upang makuha ang mga sandata ng mga Kastila na doon nakalagak.


Ang pinangalingang konsepto at idelohiya ng Masang Katipunan ng Supremo Bonifacio ay ang French Revolution na kaniyang pinagaralan at nagbigay diwa sa kaniya. Ang pinangalingan din ng konsepto, idelohiya at dyalektika ng Proletaryong Komonismo ni Karl Marx ay French Revolution at Industrial Revolution. Ang kabuoang layunin ng Masang Katipunan ay tulad din sa mithing layunin at sinigaw na "mantra" ng French Revolution "Liberte, Egalite, Fraternite" ("Kalayaan, Kapantayan, Kapatiran"). Ang orihinal na pinangalingan ng "Liberte, Egalite, Fraternite" ay mula kay Antoine-François Momoro isang manlilimbag ng mga aklat at ginamit naman ito ni Olympe de Gouges na pinahalagahan ang "Fraternite" para sa buong kababaihan sa Pransya upang makapantay ang mga kalalakihan sa pakikibakang himagsikan. Ganito rin kahalaga sa Supremo Bonifacio ang "Kapatiran" upang makapagbigay diwang pagkakaisa sa pakikibaka, kaya't ipinairal na tawagan sa kapwa Katipunero, ang "Kapatid" o "Ka" bago bangitin ang pangalan.


Nagsanhing inspirasyon naman sa French Revolution ay ang na unang himagsikang ginawa ng hilagang Amerika na dito napatunayan na ang makapangyarihan na sandatahang lakas ng kolonyalistang Britania ay maaaring pabagsakin ng kulang sa armas subalit nagkakaisang diwa sa layuning kalayaan ng mga taong bayan. Kaya't ng sabihin ni Rizal na kinakailangan ng maraming sandata at lubos na pagsasanay upang simulan ang himagsikan, ang sagot ng Supremo Bonifacio ay... "saan ito nabasa ni Rizal at anong himagsikan sa mundo na pumutok at ang mga nakikibaka'y handa na at marami nang sandata?"


...ang layunin sa paglunsad ng Masang Katipunan ng Supremo Bonifacio ay para sa:

a) ...kabuoang kalayaan ng Haring Bayang Katagalugan sa kolonyalistang Espania sa pamamagitan ng armadong himagsikan.
b) ...kunin, ibalik at ipaghati-hati ang mga lupa, kayamanan at ari-ariang kinamkam, inagaw, inilit at ninakaw ng mga prayle at Kastilang cortes mula sa mga mahihirap at mga magsasakang Katagalugan.
c) ...ibagsak ang eletistang lipunan na pinairal ng mga Kastila at itaguyod ang pantay na lipunan.

"...Andres Bonifacio, an employee of a foreign business house in Manila, was the leading spirit of the Katipunan; gathering his ideas of modern reform from reading Spanish treatises on the French revolution, he had imbibed also a notion that the methods of the mob in Paris where those best adapted to secure amelioration for the Filipinos. His ideas where those of a socialist and of a socialist of the French revolution type and he thought them applicable to an undeveloped tropical country, where the pressure of industrial competition is almost unknown and where with the slightest reasonable exertion, starvation may be dismissed from thought." 

- James LeRoy (adviser of Governor-General William Howard Taft)

"...The Katipunan came out from the cover of secret designs, threw off the cloak of any other purpose and stood openly for the independence of the Philippines. Bonifacio turned his lodges into battalions, his grandmasters into captains and the supreme council of the Katipunan into the insurgent government of the Philippines." 

- John R.M. Taylor (custodian of the Philippine Insurgent Records)

Napakalaking inspirasyon ang dinulot ng French Revolution sa Industrial Revolution. Dito'y napatunayan na ang makalumang paniniwala at kapangyarihan ng daynastiyang kapitalistang kamaganakan, simbahan, elit na lipunan at naghaharing uring monarkya ay maaaring masugpo at ihiwalay sa pamamagitan ng nagkakaisang kamay ng mangagawang industriyal sa ikabubuti ng sambayanan. Ito ang nagdulot ng diwa sa isipan ni Karl Marx sa kaniyang Communist Manifesto, para sa kapakanan ng "anak pawis" na proletaryong manggagawa, magsasaka at kahalagahan ng "surplus value" para sa kanila. Hinalintulad din sa French Revolution na sa pamamagitan lamang ng armadong proletaryong himagsikan laban sa pwedalismo, kapitalismo, kolonyalismo at imperyalismo, ang natatanging paraan upang makapagpundar ng pantay na lipunang Sosyalismo. Ang ginamit na paraan ng French Revolution ay walang hangang terorismo o "reign of terror" laban sa monarkya at aristokrat, maging ang paghatol ng malagim na kamatayang "guillotine" sa mga may sala na pinamalas ng mga naghimagsik sa publiko upang magsilbing aral, mapatunayan at maipatupad ang mithing layunin.


Ang Masang Katipunan ng Supremo Bonifacio ay kauna-unahang nasyonalismong himagsikan sa buong Asia, samantalang ang proletaryong manggagawa at magsasakang Komunistang himagsikan na nilunsad ni Lenin sa Rusya ay kauna-unahan sa sangkatauhan. Kaya't kung ipaguugnay ang dalawang himagsikan na nilunsad ng Supremo Bonifacio at ng bansang Rusya, ito ay binuo sa sinilang na nasyonalismo at proletaryong armadong himagsikan ng Communist Party of the Philippines na nagsimula nang magtipon ang mga magsasaka, masang manggagawa ng "Templo del Trabajo" at "Obrero Democratica de Filipinas" sa Plaza Morriones, Tondo noong ika-1 ng Mayo, 1903. Sila ay nagmartsa patungong Malacanan na kung saan nandoon ang American Governor-General William Howard Taft. Tila bandila ang taglay na mga larawan ng Supremo Andres Bonifacio ng mga nagsipagaklas na nagmamartsa. Ang pagaklas na ito'y nauwi sa kaguluhan tuloy ito ay pinaratangan na isang sidisyon, ginawang labag sa batas ang paggamit sa bandilang Pilipinas at pati larawan ng Supremo, na naging sagisag ng himaksikan, tuloy lalong nagpababa sa imahen ng Supremo bilang pangunahing pambansang bayani ng Pilipinas sa mata ng pamahalaang kolonyal.


Ang kataksilang pagpatay sa burgesyang Supremo Bonifacio, ay sa kamay din ng kapwa nilang burgesyang ambisyosong politiko ang kinawakasan ng buhay ng burgesyang Georges Danton at Maximilien Robespierre na nagpasimuno ng French Revolution. Ang French Revolution ay nagdulot ng magandang halimbawa sa buong mundo, sa idelohiya, pamahalaan, industriya at patakarang panglipunan at ang bansang Pransya ay nagkaroon ng matibay na diwang makabayan, inalis ang kapangyarihan ng monarkya, lipunang elit at simbahan, nagwakas ang pwedalismo at nakapagtatag ng hukbong lakas para sa sambayanan.


Sa isang banda, ang himagsikan ng Masang Katipunan ng Supremo Bonifacio ay inagaw ng mga taksil na ilustrado, ipinagbili sa kaaway sa Biak na Bato at sa bandang huli'y nakipagsabwatan sa bagong gringong kolonyalista upang mabigyan ang mga ito ng maliit na kapangyarihan sa kolonyal na pamahalaan. Ang gringong kolonyalista ay 'di tulad ng mga kolonyalistang Kastila na kung maaari'y huwag tangapin tayong mga indio sa kanilang itinaguyod na paaralan sa ating bansa na napakamahal ang twisyon, tuloy mga mayayamang ilustrado lamang ang may kayang makapagaral samantalang ang dukhang masa'y nanatiling mangmang. Ang kolonyalistang gringo'y sapilitan tayong pinagaral sa itinayo nilang "public school" o libreng paaralan at nilimbag na mga teksbuks, upang ituro at matutunan ang kanilang wika, kasaysayan at kultura na kasama sa kanilang "pacification program" na magsisilbing "brain washing program" upang ang ating puso at isipan manatili ang patuloy na proseso sa pagiral ng ating "colonial mentality." Siniraan at ginawang krimen ang idelohyang Sosyalismo at Komunismo upang madali nilang takutin ang lipunang may "amerkanong kaisipan" at maipagpatuloy ang kanilang imperyalistang militarismo at kapitalistang ekonomiya. Ginamit din ang paraang pananakot na ito sa mga mamamayan ng mga papet na pangulo lalo noong dekada 70 ng diktador marcos, hindi lamang upang takutin ang taong bayan, upang takutin din si Tiyo Samuel sa kunwa'y mabilis na paglaganap ng Komunismo at mga kaguluhang terorismo, ng sagayo'y ipagpatuloy ang pagsusuporta sa kaniyang diktadorya.


Subalit papaano nating mahihiwalay at maiiba ang diwa at kaluluwa sa iisang konsepto na pinangalingan ng masang pakikibaka ng Katipunan at Sosyalismo na ang pinagmulan ay ang French Revolution na ginawang basehan ng Supremo Bonifacio? Marami ng idineklarang kalayaan subalit wala pang naisagawa, naitatag, nakamit o natamong tunay na kabuoang kalayaan, sapagkat kinahihiya at natatakot ang sambayanan na matawag na Sosyalista o Komunista upang ipagpatuloy ang naputol na Sosyalistang Masang Himagsikan ng Katipunan, upang maipagpatuloy din ang naputol na uliran, banal at napakalinis na walang bahid ng korapsyon at kolonyalismo... Ang Pamahalaan ng Haring Bayang Katagalugan na tinatag ng Unang Pangulong Supremo Andres Bonifacio!

- ka tony
Bastille Day, ika-14 ng Hulyo, 2015