Maging isang pagsusuri sa sarili ang ibig sabihin ng "Pilipino Identity" Upang pasimulan papandayin ang bansang ganap na malaya, maunlad, mapayapa at makatarungan para sa lahat, sa ating mga anak at sa susunod na salin-lahi!
Showing posts with label Manila Men. Show all posts
Showing posts with label Manila Men. Show all posts
Friday, January 11, 2019
Manila Men in the New World
Some 60,000 Filipinos sailed on the galleons from Manila to Acapulco over two and half centuries mostly as crews. Many escaped upon reaching Mexico never to return to the Philippines. Most of the Filipino sailors were natives “Indios-Tagalogs.” There were also many who belonged to the Mestizo class, who traveled as merchants, technicians or functionaries. Filipinos had been in the New World much longer than any Asians but the term "Filipino” or "insulares-creoles" during Spanish colonial time are referred to Spaniards born in the Philippines. In Nueva EspaƱa (Mexico), natives from the Philippines were known as “Luzon Indios, “Manila Men” or “Chinos” simply because they were in Manila Galleon loaded with Chinese scented spices, luxurious silk and multitude of Oriental goods. There’s a big probability that most Chinese in Mexico are actually Filipino back then.
In another part of the New World when "Manila Men" were discovered in the state of Louisiana, their villages were already established, show that they have been living there longer than 1763 though no known documents that may proof that they have arrived earlier and possibly way earlier than the Mayflower just like the ones who established themselves at Morro Bay, California in 1587 that preceded the landing of the Mayflower Pilgrims in 1620 at Plymouth, Massachusetts. They were called “Manila Men” because they said to be mariners who escaped from the ships of the Manila-Acapulco Galleon Trade and they found their way into the harsh and unforgiving bayous that’s an ideal place to hide. These people who settled in the bayous were called "Manilamen," "Manillians" and "Tagalas” established their community at St. Malo, located southeast of New Orleans. St. Malo is named after the leader of a group of maroons group of enslaved Africans led by Jean Saint Malo escaped Lake Borgne, with weapons obtained from plantation slaves, Jean Saint Malo was captured by Spanish forces and was hanged in front of St. Louis Cathedral in what is now called Jackson Square, New Orleans.
On January 8, 1815, the Battle of New Orleans became the final major battle of the War of 1812. Outnumbered American forces commanded by Major General Andrew Jackson defeated an invading British Army intent on seizing New Orleans and the vast territory the United States had acquired from the Louisiana Purchase. Many Manila Men joined the U.S. Army and fought against the British, later on some would participate in the American Civil War. Most became fishermen and introduced the process of dried shrimp which is still popular in the area. Since most if not all were men, rarely women live in the village, those fishermen who did have families had them live in New Orleans or in other localities. The reason for this can be attributed to the isolated and harsh conditions of the surroundings. Since there were no Filipino women, the Manila Men often courted and married local Cajun, Creole, Indian, Black women and others. Some of them enrolled their children in schools in New Orleans.
St. Malo was destroyed by a hurricane in 1915. In 1965, Manila Men’s Village, the last of the settlement was destroyed by Hurricane Betsy. No physical remains of any of these dwellings exist today. Between the late 1980s until early 2005, there was extensive and promising documentation of this part of Filipino history. Unfortunately, by August 2005, all were completely destroyed by Hurricane Katrina.
- ka tony
11th of September, '18
Monday, February 2, 2015
Luzon Indios, Manila Men, Chinos at si Fray Junipero Serra
Ika-1 ng Hunyo 1565, nang ang galleon San Pedro sa ilalim ni Kapitan-Heneral Felipe Salcedo (apo ni Miguel Lopez de Legazpi), kasama si Fray Andres Urdaneta ay tumulak patungong Cabo Mendocino ng California, pagkatapos ay nagtungo sa porte ng Acapulco, Mexico. Ang mahaba, subalit iwas sa panganib na rutang ginamit ng galleon ito ng San Pedro na nagmula sa Cebu, ang naging huwarang padron na sinundan ng sumunod na mga galleon sa loob ng 300 taon ng Manila/Acapulco Galleon Trade.
Noon naman ika-18 ng Oktubre 1587, ang Manila galleon na Nuestra Senora de Esperanza sa ilalim ng Kapitan-Heneral Pedro de Unamuno kasama ang maraming tripolanteng Tagalog na kung tawagin ay "Luzon Indios" ay dumaong sa Morro Bay ng San Luis Obispo, California. Ang ginawang pagapak ng mga "Luzon Indios" sa Morro Bay ay tinawag ng mga Amerikano na... "the first landing of Filipinos in the continental United States." Sila ay nagtayo ng kuta sa Morro Bay at nagtirik ng malaking krus na gawa sa sanga ng punongkahoy, subalit dalawang araw palang sila sa lugar na ito'y sinalakay sila ng mga Native American Indians at isa sa mga Luzon Indios ang nasawi. Dahil sa nangyaring pagsalakay, hindi tinuloy ang pamamalagi ng mga tripolante upang halughugin ang kalawakan ng California. Ang pagdaong at pagtataguyod ng kuta ng mga Luzon Indios sa Morro Bay ay pinakauna sa kasaysayan ng Estados Unidos kaysa sa kinikilala at tinatawag sa kasaysayan ng Amerika... "the Landing of the Mayflower Pilgrims in 1620 at Plymouth, Massachusetts."
Ang sinimulan ng galleon San Pedro at ng galleon Nuestra Senora de Esperanza ay pinagpatuloy nila Francisco de Galli at Sebastian Cermeno, noong taon 1594 lulan sila ng galleon mula Manila upang halughugin ang kalawakan ng California at angkinin ito para sa bayang Espana. Sa kautusan ng Haring Felipe II ng Espana, taon 1606 sa Monterey, California ay itinirik ang bandila ng Espana ng mga Kastila sa tulong ng mga naglalakihang galleon mula Manila.
Ang dating hukom sa Manila, Pedro Enriquez Calderon ay nagmungkahi sa pamahalaang Madrid noong 1748, na magtayo ng permaneteng presidio at kuta sa Alta California, upang maiwasan ang pagtatangkang pagagaw ng kolonyang ito ng Espana ng mga Ingles at Ruso. Ibinigay ang tungkuling ito ng pamahalaang Madrid kay Jose de Galvez upang magpundar ng presidio, mga barrio, mga bukirin, pagpapalawak ng sakop na lupain at pagdadala ng maraming magsasakang Luzon Indios, mga butong pananim at punla mula Pilipinas sa pamamagitan ng galleon sa Alta California. Ang napili naman ni Jose de Galvez na mamuno ng lakas militar ay ang Kapitan Gaspar de Portola at para mangasiwa naman ng missiong Katoliko at "encomienda sistema" ay si Fray Junipero Serra.
Si Junipero Serra y Ferrer ay isinilang noong ika-24 ng Nobyembre, 1713 sa Majorca, Espana. Ngayon ay kinikilala si Jenipero Serra, isang pareng Pransiskano na nagpundar ng siyam na Katolikong mission mula Baja, San Diego hangang sa San Francisco ng Alta California, na noon ay sakop ng Nueva Espana (Mexico). Habang naglalakbay si Junipero Serra mula sa Vera Cruz, kasama ang dating kapitan na naging Gobernador Gaspar de Portola, upang sakupin ang kalawakan ng Alta California, si Serra ay napilayan na naging sanhi ng kaniyang pangagailangan ng gabay sa paglalakad habang buhay. Ang naging alipin, tagaakay, taga pag buhat at taga pangasiwa ni Serra ay isang Luzon Indio na nangagalang Narciso. Matapos makapagtayo ng siyam na mission si Serra ay namalagi na lamang siya sa mission ng Santiago de Queretaro bilang superbisor, tuloy natuto ng wika ng mga "Pame Indios" na ginagamit niya sa pagsulat ng dasal at gamit na wika para misa.
Pinalawak ni Serra ang mission mula Baja, San Diego, hangang San Francisco ng Alta California sa tulong ng mga Luzon Indios (kung tawagin ng mga Mexicano ay "Chinos" sapagkat sila ay sakay mula sa mga galleon na ang lulan ay kalakal na karamihan'y gawang Tsina) at Native American Indians pamamagitan ng "encomienda sistema" o "forced labor" na ang pangakong kapalit ay kaligtasan ng kanilang kaluluwa laban sa demonyo, sa pamamagitan ng bisa ng sakramentong binyag. Maraming Luzon Indios o Chinos na binigyan ng mataas na tungkulin sa mga mission, sapagkat sila ay maaasahan di tulad ng mga Native American Indians. Tulad ng Kapampangan na si Vicente Tallado at 20 na mga Luzon Indios na kasama, dating mga tripolante ng galleon San Jose, si Tallado ay tagapangasiwa sa mission ng Monterey.
Maraming Luzon Indios ang hindi makatiis sa mahigpit na pamamalakad ng encomienda sa Alta California, sila ay tumakas habang sila ay nasa Gulf of Mexico, na kung saan dinadala ang ibang kalakal ng Manila galleon upang ipadala sa Espania sa pamamagitan ng Dagat Atlantiko. Napadpad ang karamihan sa Louisiana at nanirahan sa tagong kasapaan ng Lake Borge, Saint Malo ng Louisiana at doon sila ay tinawag na "Manila Men."
Si Junipero Serra ay binawian ng buhay noong ika-28 ng Agosto 1784, na hanagang sa huling sandali ng kaniyang buhay ay nasa tabi niya ang tapat na tagaakay niyang Luzon Indio na si Narciso. Si Junipero Serra ay nilibing sa sangtuaryo ng Mission San Carlos Borromeo de Carmelo, Carmel, Monterey California.
- ka tony
ika-19 ng Enero, 2015
Subscribe to:
Posts (Atom)
